Repleksyon ng Bawat Aralin
Repleksyon ng Bawat Aralin
REPLESKYON SA ANG DIKSURO (Katangian, Dalawang Uri, Konteksto ng Diskurso)
Ang pag-unawa sa konteksto ay mahalaga para sa epektibong komunikasyon. Nangangailangan ito ng pagiging maingat sa mga sosyal na sitwasyon, sa mga relasyon sa pagitan ng mga tao, at sa mga kultural na palagay na umiiral. Ang anyo at konteksto ng diskurso ay nagpapaalala sa atin na ang komunikasyon ay isang kumplikadong proseso. Dapat tayong maging maingat at mapanuri upang maging epektibo sa ating mga pakikipag-ugnayan.
REPLEKSYON SA DIMENSYON AT ELEMENTO NG DISKURSO
Ang diskurso ay isang sining ng pagpapahayag na nangangailangan ng malinaw na ideya, tamang konteksto, at epektibong paghahatid ng mensahe. Sa pamamagitan ng wasto at maayos na komunikasyon, naipahahayag natin nang mas mabisa ang ating kaisipan at nakabubuo ng mas malalim na ugnayan sa iba.
REPLEKSYON SA MGA TEORYA NG DISKURSO
Ang mga teorya ng diskurso ay nagtuturo na ang komunikasyon ay may estruktura at hindi basta-basta. Ipinapakita nito kung paano nagkakaroon ng kahulugan ang ating wika batay sa konteksto, kultura at relasyon ng mga taong nag-uusap. Sa pag-unawa sa mga teoryang ito, mas nagiging malinaw at makabuluhan ang ating pakikipag komunikasyon sa iba.
REPLEKSYON SA PASALITANNG DISKURO
Ang pasalitang diskurso ay mahalaga sa epektibong komunikasyon. Maging pormal o di-pormal, kailangang malinaw at angkop ang mensahe upang maunawaan at magamit nang maayos sa pakikipag-ugnayan.
REPLEKSYON SA PASULAT NA DISKURSO AT IBA'T IBANG TEKSTWAL NA PATTERN NG MGA DISKURSO
Ang pasulat na diskurso ay isang mahalagang paraan ng pagpapahayag na nangangailagan nang maayos na anyo at malinaw na mensahe.
REPLEKSYON SA MGA ANYO O PAMAMARAAN NG DISKURO (Ang Paglalahad)
Ang paglalahad ay hindi lang simpleng pagbibigay ng impormasyon kundi isang paraan ng pagpapapaliwanag upang maging malinaw at organisado ang isang ideya. Sa pamamagitan ng tamang layunin at pamamaraan, nagiging mas madaling maunawaan at mas kapaki-pakinabang ang ating mga ipinahayag.
REPLEKSYON SA ANG PAGSASALAYSAY AT URI NITO
Natutunan ko na ang pagsasalaysay ay mahalaga sa pagpapahayag ng damdamin at pagbabahagi ng karanasan. Isa itong makapangyarihang paraan upang maunawaan at maiugnay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga kuwento.
REPLEKSYON SA KATANGIAN NG PAGSASALAYSAY AT MAHALAGANG KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG SALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay dapat na malinaw, maayos, at may kakintalan. Mahalaga rin ang tamang pananaw, tulad ng una, ikalawa, o ikatlong panauhan upang mas epektibong maihatid ang kwento sa mga mambabasa.
REPLEKSYON SA ANG PAGLALARAWAN AT ANG DALAWANG URI NITO
Natutunan ko na ang paglalarawan ay nagbibigay buhay sa teksto sa pamamagitan ng malinaw at maikling detalye, gamit ang obhetibo at subhetibong pamamaraan.