Kung minsan, gumagamit ng maliliit na mga net ang mga mangingisda upang marami silang mahuli. Bunga nito, nahuhuli din nila ang mga maliliit na isda. Ito ay maaaring maging sanhi ng 'over fishing' at pagbaba ng bilang ng mga isda. Isa pa ay ang mga makinarya na gingamit nila, may pagkakataon na nakakapinsala ito ng ga corrals na syang tirahan ng mga isda. Ito ay matagal mabuo at malaki ang tulong sa buong eco-system na ating ginagalawan.
Binanggit rin sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.
May epketo rin ang pagdami ng populasyon sa mga magingisda, kung minsan ang mga 'fishing spot' ay dinarayo ng maraming tao sa kadahilanan na marami ritong mahuhuli na isda, dahil sa maraming demand na makahuli ng isda mabilis na nauubos ang isda sa isang lokasyon. Sa mga urban areas naman ng bansa, ang mga ilog na dumaraan dito ay napupuno ng polusyon o dumi mula sa mga naninirahan dito. Halimabawa ang Ilog Pasig na dumadaan sa ibat-ibang Cities ng NCR, dati itong malinis at napapangisdaan pero sa pagdaan ng panahon ay dumumi ito sa kagagawan ng mga tao. Sa kabilang banda sa panahon natin ngayon, ginagawan natin ng paraan na maibalik o mabuhay ang nawalang ganda ng Pasig River. Kung patuloy itong madudumihan ang dumi ay aagos sa mas malaking anyong tubig na may masamang epekto sa lahat ng tao.
Aminin natin, hindi sumagi sa isip natin na gusto natin maging isang magsasaka at mangingisda, dahil sa mga nakikita natin na mahirap ang mga trabaho na ito at hindi sapat ang kita nila. Hindi natin masisisi ang sarili natin na hindi natin ito naiisip, sapagkat totoo na napagkaitan sila, kulang ang suporta na binibigay ng gobyerno para sakanila. Hindi tama ang presyo na binibigay sakanila at kadalasan ay sinasamantala sila. Ayos ang maging magsasaka at mangingisda lalo na't ang bansa natin ay mayaman sa lupa na mapagtataniman at anyong tubig na mapagkukuhanan ng yamang tubig. Ngunit hindi sila nabibigyan ng sapat na suporta upang mas mapaunlad sila. Napaka hirap isipin na hindi nila ito nakakamit kahit na kung titignan ng mabuti ang sektor nila ang syang nagpapa kain sa bawat isang Pilipino sa bansa.