Dahil sa patuloy na pag lobo ng ating populasyon, kinakailangan na magkaroon ng sapat na lupa para pagtirhan ng mga tao. Kadalasan ang lupa para sa pagsasaka ay 'flat' at hindi na kailangan ng marami pang pagbabago upang matirhan, kaya naman ay mas pinipili ito ng mga developer na i develop at gawin na pabahay, appartment at kung ano-ano pa na maaaring matirhan ng mga tao. Kaakibat nito ang pag konti ng mga taniman na syang nagiging pahirap sa mga magsasaka sa bansa.
Talaga naman na kailangan ng mga magsasaka ang mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang kanilang mga trabaho. Marapat na bigyan ng pamahalaan ng sapat na pondo ang mga magsasaka natin, dahil una napakahalaga nila sa ating ekonomiya at pangalawa sila ang nagpapakain sa bansa. Hindi lamang dapat sila napapako sa pag gamit ng kalabaw, at mababang teknolohiya sa pagsasaka.
Karugtong sa pagkakaroon ng teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mga imprastraktura gaya ng 'water reservoir' para sa irigasyon ng tubig, mga tambakan ng mga naaani at iba pa. Malaking tulong ito para sa mga magsasaka dahil mas napapadali ang trabaho nila, sa paraan na hindi na nila kailangan pa maghanap ng tubig na kakailanganin sa pananim lalo na sa mga panahon na tag init. Mas napapadali rin nito ang pag gawa ng mga produkto na may kinalaman sa pagsasaka.
Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
Dahil sa kadahilanan na hilaw na materyales ang kadalasan na nakukuha sa sektor ng agrikultura lalo na sa pagsasaka, kung minsan ay binibili ng mas mababang presyo ang mga produkto mula sakanila. Kagaya ng aking sinabi, magkaka ugnay ang tatlong sektor ng ekonomiya. Ngunit kung minsan ay hindi tama ang nakukuhang suporta ng mga magsasaka sa ibang sektor, binibili sa mababang presyo ngunit pagdating sa produksyon sa ibang sektor ay binibenta ito ng mas mahal.
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
Ang sektor ng industriya ang syang gumagawa ng mga tapos na produkto na galing sa sektor ng agrikultura, kaya naman sila ang kadalasan na mas nakaka benta ng mga produkto na nakatutulong sa pag unlad ng ating ekonomiya. Dahil dito mas binibigyan pansin sila ng pamahalaan.
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Talaga naman na napaka importante rin ng mga produkto na galing mula sa ibang bansa. Dahil dito natutugunan ang mga kakulangan sa ibang produkto na hindi magawa sa ating bansa. Sa kabilang banda, problema naman kung mas marami ang mga binibili na imported goods kesa sa mga produkto na gawa sa ating bansa mismo.
Climate Change
Ang pinaka malaking problema ng mga magsasaka ay ang pagbabago ng klima, dahil dito hindi na naayos sa prediksyon nila ang panahon, ang dating mga buwan na maganda mag tanin kung minsan ay hindi nangyayare dahil sa biglaang pagdating ng bagyo o pag sapit ng El Niño na kung minsan ay nagiging sanhi ng tag tuyot na syang nagiging pahirap para sa mga magsasaka. Dahil dito walang sapat na naaaning pananim ang mga magsasaka na maaaring mag bunga ng kakulangan sa supply ng mga piling produkto.