Paggugubat
(Suliranin)

Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan

Malawakan ang paggamit sa ating likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.