BARONG TAGALOG
Ito ay isa sa mga pinakakilalang tradisyunal na kasuotan sa Pilipinas. Ito ay burdadong pormal na kamiseta na sinusuot ng mga lalaki. Gawa ito mula sa mga pinong materyales tulad ng piña o jusi na tela.
BARO'T SAYA
Isang tradisyunal na kasuotan ng mga kababaihan. Kilala ang Baro’t Saya sa maluwag nitong manggas at makulay na palda.
CAMISA
Kilala ang Camisa sa kanyang pinong burda at kakaibang manggas na sumasalamin sa istilo ng kasuotan noong panahon ng mga Kastila. Ito ay tradisyunal na kasuotan ng mga kababaihan at nagpapakita ng katangian ng pagkababae.
MALONG
Ito ay makulay na tela na isinusuot ng mga babaeng Moro at nakabalot sa kanilang katawan.