1. Pag nagkaroon ka ng sugat sa mahal na araw, hindi ka gagaling.
2. Bawal magwalis pag gabi dahil mamalasin ka.
3. Bawal daw maglipat ng bahay kapag buntis.
5. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.
6. Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pagaaway sa pamilya.
7. Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.
8. Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.
9. Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis.
10. Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo.Â