Mga Tauhan:
1. Labaw Donggon
2. Anggong Ginbitinan Mga asawa ni Labaw
3. Anggong Doronoon
4. Nagmalitong Yawa Nagustuhan ni Labaw
5. Buyong Saragnayon- Asawa ni Nagmalitong Yawa
6. Asu Mangga Anak ni Labaw kay Anggong Ginbitinan
7. Baranugan-Anak ni Labaw kay Anggong Doronoon
Tagpuan:
Panahon Bago dumating ang mga Español
Lugar Lambunao, Iloilo
Unang Tagpo
TAGAPAGSALAYSAY: Nabalitaan ng magkapatid na Baranugan at Mangga na nakakulong sa ilalim ng bahay ni Buyong Saragnayon ang kanilang amang si Labaw Donggon. Agad nagpaalam ang magkapatid sa kani-kanilang ina at pinuntahan nila ang bahay ni Saragnayon.
BARANUGAN: Saragnayon, palayain mo ang aming amang si Labaw!
SARAGNAYON. At sino ka para mag-utos sa akin?
BARANUGAN: Anak ako ni Labaw Donggon na ikinulong mo sa ilalim ng iyong bahay sa matagal nang panahon. Palayain mo na siva!
SARAGNAYON. Palayain! Pagkatapos niyang pagnasaan ang asawa kong si Nagmalito? Inilublob niya ako sa tubig at pitong taon ako sa ilalim ng dagat. Dapat lamang na mabulok siya sa ilalim ng bahay ko!
BARANUGAN: Maglaban tayo! Kapag natalo kita, palalayain mo si Ama!
TAGAPAGSALAYSAY: Naglaban nga sina Saragnayon at Baranugan. Bata at malakas si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto si Saragnayon at isang kawan ng impakto ang dumating.
BARANUGAN: Asu Mangga, tulungan mo ako, napakarami nila.
ASU MANGGA: Nariyan na ako!
TAGAPAGSALAYSAY: Nagtulong ang magkapatid at napatay nila si Saragnayon. Lumindol at dumilim ang buong paligid nang mapatay nila si Saragnayon.
BARANUGAN: Hanapin natin si Ama, Asu Mangga.
ASU MANGGA: Wala siya sa ilalim ng bahay ni Saragnayon. Saan kaya nagpunta si Ama?
BARANUGAN: Humingi tayo ng tulong sa mga kapatid ni Ama. Halika na.
TAGAPAGSALAYSAY: Sa tulong ng mga kapatid na sina Humadapnon at Dumalapdap, natagpuan nila si Labaw Donggon na isa nang sinto-sinto. Ginamot siya ng dalawang asawa hanggang sa gumaling.