Lathrel,
Lathrel,
Hi lath! I miss you so much, sorry kung nandito pa rin ako. Nakakatawa nga eh dahil another answered prayer na naman. Kasi sabi ko noon kahit 2 months lang kita makausap ay okay na and ako na bahala sa pag-momove on ko ng 2 years. Pero hindi ko aakalain na totoohanin pala ni Lord yun, literal na 2 months nga pero wag sanang umabot ng 2 years bago ako makausad haha. Sorry ha kung hindi pa ako makausad, sorry kung nandito pa rin ako. Dito nalang muna ako sa site na ginawa ko, kasi parang ang weird naman kung directly magppm ako sa'yo, like para saan pa, diba?
I don't know pero hindi talaga ako ganito dati lathrel. I used to beg, nagbebeg talaga ako para piliin at mag stay ang isang tao sa akin pero ang angas kasi hindi ko na yun ginawa. Pero akala ko okay na, akala ko magaan nalang, pero hindi pala eh. Ang hirap nga pala talagang umusad noh kapag wala namang label ang everything, ang hirap din namang ipilit pa that time kasi wala na sinaraduhan mo na talaga. Sa message mo, everything is clear, and dahil clear ang everything it means that tapos na rin ang mga 'to.
Sorry lath kung nandito pa rin ako, kung hindi pa rin ako nakakausad. Miss na miss ko nang makipagkwentuhan sa'yo about sa mga nangyari sa araw natin. Siguro dito nalang ako magrant noh? I-imagine ko nalang na kausap kita. Syanga pala, I'm so excited na makita ka next school year as one of the The Luzonian. Bagay na bagay sa'yo yun eh, and I think it's your chance na rin para matupad/gawin ang isa sa mga gusto mo.
Hindi ko alam kung mababasa mo pa ba ito or hindi na. Hindi ko alam kung ioopen mo pa rin ba itong website na ito kahit hindi na tayo nag-uusap. Pero sana mavisit mo pa rin ito paminsan-minsan... I think madadagdagan pa itong mga nakalagay dito, this is how I cope eh para makausad ako (not sure pa hehe). Sorry talaga lath, hindi ko rin naman ginustong ma stranded dito, pero eto ako ngayon haha parang d makagalaw, minumulto.
Alam mo ba nagcacountdown ako ngayon kasi malapit na mag release ng grades sa portal, and kinakabahan ako para sa grades ko sa finals kasi baka delikado ako. Naging pabaya at chill din kasi ako this 2nd sem, kasi feel ko naubos ako noong 1st sem that's why I chose to chill nalang nitong 2nd sem pero parang napasobra ata ako sa chill huhu. Ikaw? kumusta u? nag-aabang ka rin ba ngayon ng release ng grades natin? I hope maging okay grades natin this finals huhu. Kaya natinnnn 'toooo!!! See u sa 2nd year, Lath! Sana hindi masyadong awkward if ever na magkasalubong tayo sa hallway hehe. Miss u so much, baks... Happy Pride Month sa'yo!