"Hindi pinapansin, ingay sa tabi. Magulong kapaligiran sa'yo lang ang tingin"
Hindi ko inaakalang matutuloy tayo at magkakasama tayo sa first ever free concert na aattend-an natin. Kahit ata nandun na tayo sa pinakang concert, hindi pa rin nagsisink in sa akin lahat. Hindi ko alam kung ka-assume assume na ba yung sa part na naisipan mo akong ayain sa concert. Pero syempre, nigrab ko na 'yung chance hehe. Bukod sa gusto kong ma-experience na makaattend sa isang concert ay gusto rin kitang makasama ng mas matagal pa. Ewan ba, biglaan lang naman ang lahat ng pangyayari noong March 27 pero sobrang saya ng puso ko, and I also enjoy being with you.
Imbis na nakatingin ako sa stage kung saan may nagpeperform, nakatingin ako sa babaeng nasa tabi/harap ko habang s'ya ay nagvivideo. Kada bago sila mag start sa pagkanta ay may mga intro sila, hindi ikakaila na natatamaan ako HAHAHA nasa tabi ko ba naman yung crush ko??! Ang dami kong gustong sabihin sa'yo noong panahong 'yun. Pero pinigilan ko muna si self at baka masyadong mabilis. Baka mabilisan ka sa lahat ng pangyayari, ganun din ako.
Pero sure ako, sure akong gusto kita.
Ewan ba kung bakit, pero napaka detailed pa rin sa utak ko hanggang ngayon yung mga nangyari nang araw na 'yan. Pero during that day, hindi ko maprocess lahat-lahat.
Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong klaruhin. Pero sino ba ako para magtanong? Ayaw ko rin namang bigyan ng meaning ang lahat-lahat. Dahil naduwag ako at inunahan ng takot at pangamba, sinarili ko nalang muna ang lahat ng tanong na gusto kong itanong nang gabing 'yun. Sabi ko sa sarili ko, hintayin ko nalang yung tamang panahon na magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin lahat ng gusto kong sabihin.
At sa tingin ko, ito na 'yung pagkakataon na masasabi ko na lahat.
Who's afraid of taking risks? haha sorry not me...