Hello Lathrel! I hope nagustuhan mo itong simple gift ko for you. I did this not to pressure you or to ask you to reciprocate my feelings, but simply to express what I feel for you.
Just a short story... Back then (first sem), nabanggit ni Jamilla yung name mo sa'kin then 'yun I searched your ig and followed you immediately. Akala ko nga hindi mo ako mafafollowback eh kaya nagulat nalang ako nung nagnotif na sa phone ko na nafollowback mo na ako. Ang corny, pero oo, lagi akong naka-abang sa ig story mo noon. Sa totoo lang, ikaw yung naging first happy crush ko sa aking college life. Imagine since that day, bigla-bigla nalang kitang nakakasalubong sa hallway o 'di kaya ay sa canteen. Sabi ko pa noon sa sarili ko, "okayy happy crush lang at out of my league na naman ang nabebet-an mo self". I never thought talaga na makakausap at makakasama kita, kasi hello??? hindi mo naman ako kilala dati HAHAHA nagkakasalubungan lang naman tayo dati, admiring from afar lang talaga dati.
Fast forward (2nd sem), everytime na nakakasalubong kita sa may hallway ng AEC 2nd floor, lagi kong sinasabi sa kaibigan ko na "besss yung crush ko oh!". Tapos 'yun dumating sa time na wow, nakakagulat HAHAHA (ang OA). Ang galing lang dahil akala ko hanggang pagpaparinig lamang ako sa ig stories ko, buti nalang pinili kong mag first move (which is ok lang kasi makapal talaga feslak ko HAHAHA eme).
Hanggang sa dumating yung time na nagkakachat na tayo (as a friend siguro??? T-T). S'yempre 'di ko muna nii-state na crush kita, hanggang pahalata lang talaga muna at baka masyadong mabilisan ka sa'kin. Sabi ko pa nun, mag admire from afar nalang ako, pero grabe si Lord ang daming plot twist. Da best talaga yung biglaang gala and concert natin. Hindi ko alam kung ano at ilan na ba ang points ko sa'yo or mayroon ba talaga? HAHAHA... mag go with the flow nalang talaga.
So yun real na, tama na ang story telling ko.
Lathrel, hindi ko alam kung masyado ba akong mabilis or what, pero gusto ko na rin talagang malaman mo na gusto kita. Sorry if ngayon lang ako nagkaroon ng courage na sabihin sa'yo 'yun. Just like what I've said, no pressure, I just want to express my feelings for you. That's why okay lang if I don't have a chance, basta ang mahalaga nasabi ko yung gusto kong i-express, kumbaga'y no regrets nalang sa side ko. Hindi kita kinaibigan nang dahil lang sa gusto kita, kundi dahil mas gusto kitang makilala. But I'm hoping pa rin na magtutuloy yung friendship na mayroon tayo ngayon. Aaminin ko na nung happy crush pa lang kita ay sa panglabas mo lang ako na-aattract (like hello soafer pretty mo ba naman kasi). Pero simula nung nakilala kita at nung mga panahong nakasama kita, doon ko nasabing gusto talaga kita. It’s not just your pretty face that draws me in, but the beauty of your soul as well. You deserve all the good things here in this world, that's why you really deserve all of my efforts. I’m taking this chance—not for certainty, but for honesty.
Lathrel Miguel, I like you (and maybe, I'm already falling in love with you...)
"Even if the fall is mine alone, I’d rather leap than live with the ‘what if.’"