Bote, J. (2018, September 19). Jake Zyrus opens up about coming out as trans in the spotlight & inspiration behind new music: “It’s My Survival Song.” Billboard. https://www.billboard.com/culture/pride/jake-zyrus-diamond-trans-suicide-attempt-8475855/ [TW: mention of suicide]
Sa panayam na ito sa Billboard, ibinahagi ni Jake Zyrus ang masalimuot na proseso ng kanyang paglaladlad bilang isang trans man habang nasa mata ng publiko. Inilahad niya ang emosyonal at mental na hirap na dinanas niya, kabilang ang pagharap sa suicidal thoughts, at kung paano naging sandalan niya ang musika bilang anyo ng paghilom. Tinalakay rin niya ang inspirasyon sa likod ng kanyang awit na "Diamond" na tinawag niyang “survival song.” Ang artikulong ito ay mahalaga bilang paalala na hindi madaling proseso ang pagiging totoo sa sarili, at hindi rin palaging ligtas ang mga espasyong ginagalawan ng mga LGBTQIA+.
Butler, A. (2020). Creating safer spaces for LGBTQ youth: A toolkit for education, healthcare, and community-based organizations. Advocates For Youth. https://www.advocatesforyouth.org/wp-content/uploads/2020/11/Creating-Safer-Spaces-Toolkit-Nov-13.pdf
Ang toolkit na ito ay ginawa ni Armonté Butler, isang senior manager sa LGBTQ Health and Rights Advocates For Youth. Naglalaman ang eductaional material na ito ng mga impormasyon at gabay sa pagbuo ng ligtas na espasyo para sa mga LGBTQ youths. Partikular na nasa konteksto ito ng iba’t ibang espasyo tulad ng mga ospital, komunidad, at paaralan. Komprehensibong gabay ito lalo na sa pagbuo ng mga nararapat na polisiya at programa sa pagresolba ng mga pang-aabuso at diskriminasyon sa mga queer youths.
Domingo, P.D., & Escobido, C.M. (2024). Narratives of “coming out” among self-confessed members of the Filipino LGBTQ community. Ho Chi Minh City Open University Journal of Science-Social Sciences, 14(1), 104-117. https://journalofscience.ou.edu.vn/index.php/soci-en/article/download/3105/2021
Sa pananaliksik nina Domingo at Escobido (2024), nakipagpanayam sila sa ilang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas, partikular na rito ang mga lesbian at gay. Malawak ang sakop ng mga karanasang isinalaysay ng mga nakilahok sa pag-aaral na ito; sapagkat ang iba sa kanila ay nakaramdam ng suporta at pagtanggap matapos nilang ilantad ang kanilang mga sarili, habang ang iba naman ay nakaramdam ng takot at pangagamba dahil sa diskriminasyon. Bukod sa pagpapahiwatig na ang “coming out” ay isang diverse process, makakatulong ang akdang ito sa pagbibigay-konteksto sa kalagayan ng mga usaping LGBTQIA+ ating bansa.
Embate, J. M. L., & Labor, J. S. (2025). Situating queerness in Filipino experience: The bakla, the parlor, and the paglaladlad. Sexualities, 0(0), 1–21.
https://doi.org/10.1177/13634607251323731
Layunin ng papel na ito na ilarawan at unawain ang parloristang bakla at ang kanilang paglaladlad–isang lokal na karanasan na katumbas ng “coming out”. Lumabas sa pag-aaral na natural para sa kanila ang pagiging bakla at hairdresser–nakikita nila itong bilang kanilang tadhana at paraan upang mapatunayan ang sarili bilang marangal na miyembro ng pamilya at komunidad. Ang paglaladlad ay isang pagbubunyag ng loob o panloob na pagkatao, na isinasagawa habang iniingatan ang magandang relasyon sa kanilang kapwa.
Jaucian, D. (2023, May 31). Bretman Rock is at home in the world. Vogue.ph. https://vogue.ph/magazine/bretman-rock-cover/
Sa artikulong ito mula sa Vogue Philippines, inilahad ang makulay na kwento ni Bretman Rock bilang isang openly gay. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagpapalaki sa Hawaii, ang impluwensya ng kanyang pamilyang Pilipino, at ang proseso ng pagtanggap sa kanyang sarili. Isinasaad dito kung paano ginagamit ni Bretman ang kanyang plataporma upang magbigay-inspirasyon lalo na para sa mga kabataang queer na maaaring nakakaramdam ng pagkaligaw o pag-iisa.
Madula, R. (2009). Espasyong bakla sa rebolusyong Pilipino pagsipat sa paglaladlad ng lihim na katauhan sa lihim na kilusan. Retrieved from Philippine E-Journals: https://ejournals.ph/article.php?id=7941
Ayon sa akwtor, kakaunti lang ang nababanggit tungkol sa kontribusyon ng mga baklang Pilipino sa kasaysayan at rebolusyon. Mahalaga na muling itampok ang kanilang papel hindi lang sa usaping sekswalidad, kundi bilang mga aktibong kalahok sa pulitikal at ideolohikal na laban para sa kalayaan. Ipinapakita ng pag-aaral na ito ang partisipasyon ng mga bakla sa kilusan para sa pambansang demokrasya at armadong pakikibaka.
Montilla Doble, J. (2022). Sexual orientation, gender identity, gender expression, and sex characteristics: A primer. UP Center for Women’s and Gender Studies. https://cws.up.edu.ph/?p=2441
Ipinapaliwanag sa primer na ito ang ilang mga terminong may kinalaman sa sexual orientation, gender identity, gender expression, at sex characteristics (SOGIESC), na siyang nagsisilbing gabay sa pagkatuto tungkol sa LGBTQIA+ community sa Pilipinas. Nakapaloob din dito ang ilang mga gender-affirmative at gender-discriminatory terms para mamulat ang mga mambabasa pagdating sa mga kaakibat na isyu at nang sa gayon ay makaambag sa paglikha ng isang lipunang mas payapa at ligtas para sa lahat.
Pascar, L., David, Y., Hartal, G., & Epstein, B. (2022). Queer safe spaces and communication. Oxford Research Encyclopedia of Communication. https://doi.org/10.1093/acrefore/9780190228613.013.1197
Nanggaling ang mga mananaliksik sa iba’t ibang kanluranin na institusyon, at ang pokus nila ay ang disiplina ng komunikasyon at kasarian. Binigyang pokus ng artikulo ang malawak na sakop ng pagbuo ng “queer space,” kung saan ang pagiging ligtas ay kasama ang pisikal, sikolohikal, at iba pang abstrak na espasyo. Ang mahalagang kaalaman sa artikulo ay maaaring magbago ang kalagayan ng isang ligtas na espasyo ng mga queer dahil sa nananatiling heteronormativity at patriyarkal na sistema. Ipinapakita nito ang pangangailangan na depensahan ang espasyo ng mga queer youths—dahil nagbabago ito ayon sa konteksto ng lipunan.
Renold, E. (2019). Coming out. Routledge International Handbook of Heterosexualities Studies. Retrieved from: https://doi.org/10.4324/9780429440731-8
Ipinaliwanag ni Renold (2019) na ang paglaladlad (o coming out) sa komunidad ay paraan ng pagtanggap sa tunay na sekswalidad ng isang tao. Ang karanasan ng isang tao ay hindi ito tugma sa karanasan ng lahat at nagkakaiba-iba ito ayon sa kasalukuyang konteksto ng bawat queer na indibidwal. Tinalakay rin ang iba’t ibang modelo sa pag-unlad ng identidad at ang pagbabago ng kahulugan ng naturang termino sa paglipas ng mga panahon. Hindi lang ito nagagamit sa proseso ng pagtanggap sa sarili bagkus ay itinuturing din itong paraan ng pagkilos para sa karapatan ng LGBT community.
Siazon, R. (2019). Paolo Ballesteros explains decision to come out. PEP.ph. https://www.pep.ph/news/local/145610/paolo-ballesteros-explains-decision-to-come-out-a716-20190827?s=5hrbvdjlcl5a9q63k1r550m8fm
Sa artikulong ito, ibinahagi ni Paolo Ballesteros ang kanyang desisyon na magladlad sa edad na 36, matapos ang matagal na espekulasyon tungkol sa kanyang sekswalidad. Sa isang panayam, kaswal niyang sinabi, “I’m a lady,” bilang pag-amin sa kanyang identidad. Ang kwentong ito ay nagbibigay-liwanag sa kahalagahan ng personal na timing at konteksto sa proseso ng paglaladlad, at kung paano maaaring magsilbing inspirasyon ang mga kilalang personalidad sa mas malawak na pagtanggap at pag-unawa sa lipunan.
Sinugbohan, D. (2024). Establishing safe spaces: Analyzing methods to improve LGBTQ+ acceptance in public schools, 1,(109). https://doi.org/10.5281/zenodo.14354773.
Isinulat ni Darvy Sinugbon, isang guro sa senior high school na nananaliksik tungkol sa kasarian at edukasyon. Lumabas dito na nakararanas ng karahasan at diskriminasyon ang mga estuydanteng queer sa paaralan. Binigyang diin ang sumusunod hinggil sa ligtas na espasyo: napakahalaga ng papel ng mga guro, at kailangan ng sapat na pagsasanay at kaalaman upang maresolba ang isyu ng diskriminasyon sa kasarian; nangangailangan ng epektibong implementasyon ng mga anti-harassment policies; malaki ang papel ng mga allies at support groups upang maiwasan ang pagkakaroon ng “by-standers;” at mainam na isama sa kasalukuyang kurikulum ang kasaysayan at konsepto tungkol sa LGBT.
Thoreson, R. (2017). “Just let us be”: Discrimination against LGBT students in the Philippines. Human Rights Watch. https://www.hrw.org/report/2017/06/22/just-let-us-be/discrimination-against-lgbt-students-philippines
Sa ulat na ito ay tinatalakay ang mga karanasan ng mga kabataang LGBT sa mga paaralan sa Pilipinas. explores the lived experiences of LGBT youth in Philippines schools. Sinasalamin nito ang bullying na dinaranas ng mga estudyanteng LGBT, mga patakarang diskriminatibo sa paaralan, at ang kakulangan ng inklusibong materyales sa edukasyon. Binibigyang-diin ni Thoreson ang legal na pananagutan ng pamahalaan ng Pilipinas na itaguyod ang karapatan ng mga estudyanteng LGBT, binibigyang tinig ang mga apektado, at nananawagan ng agarang reporma sa polisiya at edukasyon. Nag-aalok din ito ng kongkretong rekomendasyon para sa mga kinauukulang tagapagpatupad.