Ang materyal na ito ay para sa mga kabataan na queer. Pangunahing layunin ng zine na ito na maging gabay para sa mga kabataang kinikilala ang kanilang sarili o alam na ang kanilang pagkakakilanlan pagdating sa kasarian.
Ang nilalaman ng zine na ito ay mayroong pagbibigay-diin sa karapatan ng LGBTQIA+, introduksyon sa ilang mga termino, mga pahayag tungkol sa paglaladlad at ang diversity ng karanasan sa paglaladlad, at pagkakaroon ng ligtas na espasyo para rito.