Paano mag-rehistro sa PhilHealth Konsulta facility

Unahin ang pag-update ng inyong Member Data Record (MDR), kung kinakailangan, sa pamamagitan ng pagsumite ng napunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF) sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).


May dalawang (2) paraan para magparehistro:


  1. Self-registration gamit ang PhilHealth Member Portal


2. Assisted registration sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:

a. Current Employer

b. Social Worker ng PhilHealth Konsulta Facility

c. Local Government Unit (LGU) / Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA)

d. PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO)

e. PhilHealth Customer Assistance Relations and Empowerment Staff (PCARES)

f. PhilHealth Corporate Action Center Hotline (02) 8441 -7442


Para makapagparehistro, kinakailangang isumite ang napunan na PhilHealth Konsulta Registration Form (PKRF) sa inyong napiling ahensya, at tanggapin ang confirmation receipt na may naka-print na QR code o kuhanan ng litrato gamit ang phone camera.


Matapos magparehistro, kumuha ng Authorization Transaction Code o ATC mula sa PhilHealth at iprisinta ito sa napiling Konsulta Provider para magamit ang benepisyo