Paano makapag-avail ang PhilHealth Konsulta package

1. Magparehistro sa napiling PhilHealth Konsulta Facility.


2. Kumuha ng Authorization Transaction Code (ATC) sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:

a. Personal Internet – mag-log in sa PhilHealth Member Portal sa www.philhealth.gov.ph at i-print/i-capture/isulat ang na-generate na ATC.

b. PhilHealth LHIO (Local Health Insurance Office) o P-CARES (PhilHealth Customer Assistance Relations and Empowerment Staff) na nakatalaga sa mga PhilHealth-accredited facilities – magsumite ng pinunan na RATC (Request for Authorization Transaction Code)

c. PhilHealth CAC (Corporate Action Center) Hotline (02) 8441-7442


3. Magtungo sa inyong Konsulta Facility dala ang generated ATC.

  • Kung hindi available ang ATC, maaaring dumiretso ang miyembro sa Konsulta facility para magpakuha ng larawan. Ang nakunang larawan ay isi-save ng facility para sa pag-validate at pagmonitor ng PhilHealth.


4. Maaari nang simulan ang pagpapakonsulta sa nasabing facility. Maaari ding mag follow-up consultation depende sa payo ng duktor.


5. Punan at isumite ang Electronic Konsulta Availment Slip (eKAS) at/o Electronic Prescription Slip (ePresS) na ibibigay ng Konsulta Facility.

  • Para sa mga miyembro na magpaparehistro sa pribadong pasilidad, maaaring magkaroon ng co-payment na Php 500 kada taon para sa mga serbisyong ibibigay at ang dalas ng availment ay depende sa ebalwasyon ng duktor.