From: Cristina's Blog
BUHAY PROBINSIYA, ANO NGA BA?
Minsan ako’y napapaisip, ano nga ba ang meron sa buhay probinsya. Sa kasalukuyan kasi, may ilan sa mga kabataan ang alam kong hindi na nararanasan ang naranasan ng kanilang mga magulang noon, kagaya ko. Ang manirahan sa probinsya at maranasan ang simpleng pamumuhay na meron sila doon. Yun bang gigising ka ng sobrang aga para maghanda sa pagpasok, yung lalakarin mo lang papunta sa inyong paaralan, yung uuwi ka ng tanghali at babalik naman ulit pagkahapon. Yung baon mo na hindi lalagpas ng 20 pesos o kaya naman 10 piso, tapos pagkakasiyahin mo yun sa buong maghapon. Yung buhay na walang teknolohiya at kung anu-ano pang gadgets na nauuso ngayon. Tapos yung hapunan mo o tanghalian na puro gulay at kung sinuswerte eh may isda pa. Yung magiigib ka at maglalaba ng mga damit mo sa sapa. Yung papasok ka ng nakapalda bilang pambaba at sa pangtaas naman eh isang simpleng tshirt lang at tsinelas eh sapat na.
Ang simple ng pamumuhay nila, hindi gaya dito. Nang minsang ako’y umuwi sa probinsya namin eh nasaksihan ko ang ilan sa mga yan. Minsan, sumasagi pa nga sa isipan ko ang ganyang bagay. Paano kaya kung maranasan ko yan? Paano kaya kung ganyan din kasimple ang buhay dito sa Maynila? Ano kaya ang pakiramdam na ganyan ang pamumuhay ko?
Nakakatuwa mang isipin pero gusto kong maranasan ang gantong bagay kahit minsan lang. Gaya ng magulang ko at maski na din ang mga nakakatanda kong kapatid. Ako lang kasi ang hindi nakaranas na mamuhay sa probinsya. Dito na kasi ako pinanganak sa Antipolo at magpa hanggang ngayon eh andito padin ako. Kung kaya naman lagi kong tinatanong sa sarili ko, Buhay Probinsya, ano nga ba?
Reference:
https://itsmecristinasales.wordpress.com/2016/10/02/buhay-probinsya-ano-nga-ba/
Click my Amazon store with thousands of products to choose from: https://amzn.to/4danmgM