Ano ang kooperatiba?
Ang kooperatiba o “koop”, ay isang nagsasariling asosasyon ng mga taong boluntaryong nagsama-sama upang tugunan ang kanilang pangangailang ekonomikal, sosyal at kultural.
Ang isang grupo ng tao na interesadong mag-organisa ng koop ay kinakailangan munang magparehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) upang kilalanin ang kanilang kooperatiba na legal at awtorisado ng CDA.
Source: https://vincerapisura.com/ang-kooperatiba-at-ang-mga-layunin-nito/
Miskonsepsiyon tungkol sa kooperatiba
Pautangan o ipunan lamang. May uri ng koop na pwede kang mangutang at mag-ipon ng pera. Ngunit hindi “lamang” ito ang natatanging serbisyo na kayang ibigay ng koop dahil mayroong iba’t-ibang uri ng koop na tumutugon sa iba’t-ibang pangangailangan ng mga miyembro at komunidad na kinakabilangan nito. Ilan na nga rito ang consumers cooperative, marketing cooperative at marami pang iba.
Matatanda lamang ang miyembro. Hindi totoong matatanda lamang ang miyembro ng koop dahil mayroon ding mga kabataan na sumasali at nagiging bahagi ng Cooperative Movement. Sa katunayan nga may mayroong tinatawag na “Laboratory Cooperative” na binubuo ng mga kabataang nasa edad 18 pababa na taong gulang. Patunay na hindi sukatan ang edad, kasarian, lahi, antas ng pamumuhay o anumang aspeto ng pagkatao ng isang indibidwal upang maging kamay-ari ng isang kooperatiba.
Lahat ng miyembro ay pantay-pantay. Isa sa mga prinsipyo ng kooperatiba ang pagkakapantay-pantay ng mga miyembro nito. Pero ito ay sa usapin lamang ng kanilang karapatan katulad ng pagboto, pakikilahok sa taunang General Assembly. Samantalang sa usapin ng kanilang mga pribilehiyo bilang miyembro ay hindi. Dahil ang mga pribilehiyo katulad ng Balik-Tangkilik (Patronage Refund) at Interes sa capital ay naka-depende sa kanilang naging pagtangkilik sa mga produkto at serbisyo na ibinibigay ng kaniyang kinabibilangan na kooperatiba.
Scammer ang kooperatiba. Hindi maaaring manloko ang kooperatiba tungkol sa kanilang mga ipinangakong karapatan at pribilehiyo sa mga miyembro nito. Ito ay sa kadahilanan na ang lahat ng isinasagawang proseso sa loob at labas ng koop ay naka-ayon sa Republic Act No. 9520 (Philippine Cooperative Code of 2008). Dahil dito, ang hindi pagsunod sa batas na nakasaad ay maaaring maging dahilan upang ipasara o ipahinto ang operasyon ng isang koop.
Sources: https://www.cda.gov.ph/78-resources/issuances/memorandum-circulars-mcs/598-mc-2015-03-guidelines-for-the-creation-organization-supervision-and-monitoring-of-laboratory-cooperatives
https:cooperativesfirst.com/blog/2017/06/20/201761912-myths-about-coops/
Cooperative Development Authority
Ang Cooperative Development Authority (CDA) ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno na namamahala sa pagtataguyod at pagpapalago ng mga kooperatiba sa Pilipinas. Ito ang nag-iisang ahensya ng gobyerno na may kapangyarihan mula sa bisa ng Republic Act No. 6939 (Cooperative Development Authority Act) na magrehistro ng lahat ng uri ng kooperatiba. Ito ay mas pinagtibay ng maamyendahan sa pamamagitan ng RA No. 11364 nitong 2019.
Source: https://www.officialgazette.gov.ph/1990/03/10/republic-act-no-6939/; https://www.officialgazette.gov.ph/2019/08/08/republic-act-no-11364
Tugon ng Kooperatiba at SSE sa pandemya (Coop Month Special)
Sa panahon ng pandemya, ang kooperatiba at mga Social and Solidarity Economy Enterprise (SSE) sa buong mundo ay gumawa ng mga hakbang upang matulungan ang kanilang mga manggagawa, miyembro at komunidad. Kabalikat nila sa gawain na ito, ang kanilang lokal at nasyonal na pamahalaan na handa ring makiisa sa pagbibigay-tulong sa mga naapektuhan ng pandemya.
Kaligtasan ng lugar-trabahuan at kondisyon sa pagta-trabaho
Pag-monitor sa body temperature ng mga taong papasok at lalabas ng bodega at pabrika.
Paglalagay ng tanda kung saan maaaring tumayo ang manggagawa na magta-time in at out sa kanilang opisina.
Karagdagang sasakyan na maghahatid-sundo sa mga manggagawa, mula sa kanilang bahay patungo sa lugar-trabahuan.
Pamamahala sa internal na operasyon.
Pagpapalawig ng telework arrangement at pagkansela o pagpapaliban ng face to face transaction.
Pagtaas sa sahod ng mga mangagawang pumapasok sa panahon ng lockdown at pakiki-usap sa mga “vulnerable workers” na manatili na lamang sa bahay habang ginagamit ang kanilang paid special leave.
Proteksyon sa manggagawa
Pagsang-ayon ng mga higher-paid workers na bawasan ang kanilang sahod, upang sa gayon ay makatanggap ang mga lower-paid workers ng full pay at mabawasan ang mga manggawang posibleng matanggal sa trabaho.
Pagbabago sa paid time-off policies, upang masigurado na ang mga manggagawang lumiban sa trabaho dahil sa pagkakasakit o sa pag-aalaga ng kapamilyang may sakit ay hindi maapektuhan ng pagkawala ng kita o iba pang benepisyo.
Paglikha ng mga panibagong trabaho para matugunan ang demand sa sektor ng retailing.
Pagpapadali ng access sa mahahalagang impormasyon.
Pagsasagawa ng sarbey tungkol sa epekto ng pandemya sa mga kasapi ng organisasyon.
Paglikha ng mga video message, whatsapp groups, Q&As, guidance notes, online resource platform at webinars, na makatutulong upang maihatid sa mga kasaping kooperatiba ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pandemya.
Pagsubaybay sa mga plano ng mga kooperatiba at credit union movement hinggil sa pandemya at pagbabahagi ng bagong panuntunan sa kooperatiba.
Pagpapanatili ng maayos na supply chain.
Pagpapanatili ng maayos na food value chain at food production, para sa gayon ay mapangalagaan ang mga maliliit na magsasaka.
Pagbuo ng direct purchasing line sa pagitan ng producers cooperative at consumers cooperative, upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng produkto.
Pagpapa-unlad at pagbabago sa produksyon
Pagtuon sa paggawa ng mas kina-kailangan na kagamitan tulad ng hand sanitizer at face mask, at pamamahagi nito sa mga mga front-line workers.
Suporta para sa mamimili at komunidad
A. Agricultural and retail cooperatives
(1) Paggawa ng service voucher para sa disadvantaged population (hal. mga taong walang sariling tirahan) na magagamit sa mga establisyementong nag-aalok ng hygiene at food services.
(2) Paglikom ng pondo para tulungan ang mga taong lubos na napinsala ng lockdown.
(3) Pangangalaga sa kaligtasan ng mamimili at manggagawa.
(4) Pagtulong sa mga “vulnerable” na tao na bumili ng kanilang mga kinakailangan na kagamitan at pagkain.
(5) Pagbibigay ng mga binhi, panimulang kagamitan at sapat na kaalaman sa mga tao, upang sila ay makapagtanim ng gulay o prutas na maaaring kainin sa araw-araw.
B. Coops & social enterprise on education and cultural service sector
(1) Paglikom ng support fund at pamamahagi ng protective gear sa miyembro, manggagawa sa isang essential enterprise, at mga health workers na siyang nasa frontline ng health crisis.
(2) Paglalagay sa mga E-learning courses ng mga paksang tumatalakay sa paraan kung paano makaka-cope up ang isang tao sa stress, pagkabalisa, at depresyon na dulot ng pandemya.
C. Consumer Cooperatives
(1) Pagbibigay ng Broadband services sa mga apektadong paaralan at estudyanteng nasa sekondaryang antas ng pag-aaral.
(2) Pagbibigay sa mga nangungupahan ng opsyon na ipagpaliban ng ilang buwan ang pagbabayad sa renta.
(3) Pagbibigay ng consultation service at mababang interest loan sa mga miyembrong naapektuhan ng COVID-19.
KONTRIBUSYON NG MGA KOOPERATIBA SA PILIPINAS
129 Province, City, Municipality at Baranggay Recipients
67,224 Frontliners ang nabigyang serbisyo.
123 Medical Facilities ang nakatanggap ng cash at non-cash donations.
2025 Kooperatiba ang naghatid tulong.
Sources:
Cooperative Development Authority | Cooperative Day with the President
International Labour Organization. (2020, April). Cooperatives and wider SSE Enterprises respond to COVID-19 disruptions, and government measures are being put in place. https://www.ilo.org/global/topics/cooperatives/news/WCMS_740254/lang--en/index.htm?fbclid=IwAR0TaNklbgMQGfMtOLnuLrR7c903OYQU9eKpJGemsUVmITIyV3V2OfaczKg
Iba't-ibang uri ng Kooperatiba
Pitong Prinsipyo ng Kooperatiba
Pagkakaiba ng Kooperatiba at Korporasyon
Paano maging miyembro ng Kooperatiba?
Layunin ng Kooperatiba
Benepisyo ng Kooperatiba
Cooperative Values
Benepisyo ng pagiging miyembro ng Kooperatiba?
Major
Minor