Iwahori Online Update – Run For A Cause 2025
Iwahori Online Update – Run For A Cause 2025
IWahori Online Update | News Report
Matagumpay na naisagawa ng Iwahori Multipurpose Cooperative (Iwahori MPC) ang Run for a Cause nitong Disyembre 14, 2025 sa AFAB, Mariveles, Bataan, na dinaluhan ng mga miyembro ng kooperatiba, lokal na komunidad, iba’t ibang kooperatiba sa Mariveles, at mga organisasyong nakiisa sa adhikain ng programa.
Bilang patunay ng bukas at inklusibong layunin ng Iwahori MPC, binuksan ang programa hindi lamang para sa mga miyembro kundi maging sa mas malawak na komunidad. Layunin ng Run for a Cause na makatulong sa kapwa, kung saan ang lahat ng nalikom na pondo ay ilalaan sa tatlong (3) benepisyaryo ng programa. Sa kabuuan, mahigit ₱100,000 ang matagumpay na nalikom—isang malinaw na patunay na ang pagkakaisa ng mga kooperatiba at organisasyon ay may tunay na positibong epekto sa buhay ng mga indibidwal at organisasyon.
Lubos ang pasasalamat ng Iwahori MPC sa lahat ng sponsors na buong pusong sumuporta sa programa. Ayon sa pamunuan, ang kanilang suporta ay hindi lamang simpleng sponsorship kundi simbolo ng malasakit, tiwala, at pagkakaisa para sa komunidad. Dahil sa kanilang tulong, naging mas makabuluhan ang bawat hakbang ng mga runners sa araw ng takbuhan.
🏅 MAJOR SPONSORS
SILRAB
TAI-TAN Packaging of the Phils. Inc.
A.R.T.A Construction Services
Konsehal Worthy Acosta
🥇 GOLD SPONSOR
LandBank of the Philippines
🥈 OTHER SPONSORS
Watchlife Workers Multipurpose Cooperative
1834 Brotherhood Transport Tricycle MPC
Arise Dignity Credit Cooperative
Mariveles Bagmakers Multi-Purpose Cooperative
Peoples MPC
Bagong Maligaya MPC
Dynamic Multipurpose Cooperative
PNB (Philippine National Bank)
EastWest Bank
RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation)
Mother Rita Multipurpose Cooperative
1CISP
PFCCO–CLRL
Konsehal Jun Villapando
Mariveles Public Market Development Cooperative
Nagpahayag din ng taus-pusong pasasalamat ang Iwahori MPC sa kanilang mga kapartner na LGU Mariveles, Iwahori Guesthouse, AFAB, at higit sa lahat sa Mariveles Bataan Runners, na tumulong upang maging maayos at mahinahon ang daloy ng programa. Pinasalamatan din si Sir RD Joel ng Tribong Malasakit sa pagpapahiram ng inflatable arch na ginamit sa nasabing event. Nagpasalamat din ang Iwahori MPC sa Mariveles Rescue Medics at FAB Security na walang sawang sumuporta sa nasabing programa.
Isa rin sa mga tampok na bahagi ng programa ang pakikilahok ng dalawang guest runners na sina Mark Joseph Casidsid at Renson Embradura nagpatunay na hindi hadlang ang kapansanan upang makatulong sa kapwa. Isang bulag at isang pilay ang buong tapang na lumahok sa 10KM category, na nagbigay inspirasyon sa lahat ng dumalo.
Hindi rin nakalimutang kilalanin ng Iwahori MPC ang Iwahori Committee Team na bumuo at nagpatupad ng programa—sa kabila ng pagod, puyat, at stress, nanatili ang kanilang dedikasyon para sa tagumpay ng event. Gayundin, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa lahat ng staff at officers ng Iwahori MPC na walang sawang sumuporta sa programa.
Sa pagtatapos, muling pinagtibay ng Iwahori MPC ang kanilang pangakong magpatuloy sa mga programang may malinaw na adhikain na tumulong sa kapwa at sa komunidad. Hanggang sa susunod na adbokasiya, nawa’y patuloy itong suportahan at mahalin ng bawat isa.
Mula sa Iwahori Multipurpose Cooperative — sama-sama, may puso, at may layunin. ❤️🏃♀️🏃♂️✨