IWHT NEWS | IWAHORI MPC NAKAPAGTALA NG HIGIT 1,500 NA MIYEMBRO SA TAUNANG YEAR-END PARTY
IWHT NEWS | IWAHORI MPC NAKAPAGTALA NG HIGIT 1,500 NA MIYEMBRO SA TAUNANG YEAR-END PARTY
AGLES, Mariveles — December 7, 2025
Naging matagumpay at mas pinasayang selebrasyon ang taunang Year-End Party ng Iwahori Multipurpose Cooperative, matapos itong makapagtala ng higit 1,500 miyembrong dumalo mula sa iba’t ibang barangay at sektor ng komunidad.
Ang nasabing pagtitipon ay ginanap sa AGLES kung saan muling nagtipon-tipon ang mga ka-may-ari upang magsaya, magpasalamat, at ipagdiwang ang isang taon ng pagkakaisa, paglago, at pagsuporta sa kooperatiba.
Ayon sa pamunuan ng Iwahori MPC, ang mataas na bilang ng attendees ngayong taon ay patunay ng patuloy na pagtitiwala at aktibong partisipasyon ng mga miyembro, na siyang tunay na haligi ng kanilang organisasyon.
Naging makulay ang programa sa tulong ng Redlex Music and Lights, at pinangunahan ng mahusay na host na si Barbie Depenoso, na nagbigay-enerhiya at saya sa buong seremonya.
Kabilang sa mga naging panauhin at nagsilbing hurado sa mga patimpalak ay sina Dr. Joy Rodriguez, Rolando Cruz, Nerissa Villanueva, at Atty. Marian Domalanta, na nag-ambag ng kanilang oras at husga sa kaganapan.
Nagpaabot din ng munting regalo si Konsehal Jun Villapando, na nagdala ng dagdag na saya at ngiti sa mga miyembrong umuwi nang may magandang alaala.
Nagpasalamat naman ang Iwahori MPC sa pamunuan ng AGLES sa patuloy nitong suporta at pagbibigay daan upang magamit ang venue para sa taunang selebrasyon.
Patuloy na umaasa ang kooperatiba na mas lalo pang lalaki at lalalim ang ugnayan sa kanilang mga miyembro, at taon-taon ay mas marami pang makikiisa sa mga programa at aktibidad ng Iwahori MPC.