Paano Magpamiyembro sa Iwahori Multi-Purpose Cooperative: Isang Gabay Para sa mga Nagnanais Maging Ka-May-ari
Published Jan. 9, 2026 | 10:00AM PHT
Paano Magpamiyembro sa Iwahori Multi-Purpose Cooperative: Isang Gabay Para sa mga Nagnanais Maging Ka-May-ari
Published Jan. 9, 2026 | 10:00AM PHT
Bataan, Central Luzon — Patuloy na inaanyayahan ng Iwahori Multi-Purpose Cooperative (Iwahori MPC) ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na nagnanais maging bahagi ng isang matatag, mapagkalinga, at makataong kooperatiba.
Bukas ang Iwahori MPC para sa mga nais magkaroon ng maaasahang serbisyong pinansyal, suporta sa oras ng pangangailangan, at aktibong pakikilahok sa mga programang pang-komunidad sa buong Central Luzon.
Ayon sa Iwahori MPC, bukas ang pagiging miyembro sa:
Mga residente ng Central Luzon
18 taong gulang pataas
Lalaki, babae, at bahagi ng LGBTQA+ community
Walang diskriminasyon—basta may hangaring maging miyembro at ka-may-ari ng kooperatiba, ay malugod na tinatanggap.
Bago opisyal na maging miyembro, kinakailangang dumalo sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) o Pre-Membership Education Webinar (PMEW).
Layunin ng seminar na ipaliwanag:
Kung sino at ano ang Iwahori MPC
Mga benepisyo, pribilehiyo, at obligasyon ng isang miyembro
Paano gumagana ang kooperatiba
Schedule ng PMES (Face-to-Face):
Tuwing Tuesday at Thursday
4:00 PM onwards
Maaari ring mag-PMES anytime kung handa nang magpamiyembro at bukas ang opisina ng Iwahori MPC
PMEW (Online Seminar):
Para sa mga walang oras pumunta sa opisina
Anytime of the day, basta bukas ang Iwahori MPC
⏰ Paalala: Ang PMES/PMEW ay may validity lamang na 6 na buwan. Kapag hindi nakapagpamiyembro sa loob ng panahong ito, kinakailangang umattend muli ng seminar.
Matapos ang seminar, maaaring iproseso agad ang membership sa pamamagitan ng:
Pag-fill out ng Membership Form
Pagsumite ng requirements, tulad ng:
2 pcs 2x2 picture
1 pc 1x1 picture
1 xerox copy ng valid government-issued ID na may 3 pirma
TIN Number/ID (kung mayroon)
FULL PACKAGE – ₱5,230
Monetary Requirements:
₱4,000 – Share Capital
₱200 – Regular Savings
₱300 – Membership Fee
₱700 – Life Insurance (renewable yearly)
₱30 – ID
Paraan ng Pagbabayad:
Online via GCash o bank transfer
Over-the-counter
Pagkatapos magbayad, ibibigay ang passbooks:
Share Passbook (Yellow) – para sa share capital at loan monitoring
Savings Passbook (Blue) – para sa personal savings
Kapag may minimum ₱4,000 share capital, maaaring mag-loan
Maximum initial loan: ₱10,000, subject sa Credit Investigation (CI)
Maaaring mag-file ng loan sa mismong araw ng pagiging miyembro
Loan Computation:
Loanable amount = Share Capital × 2.5
Hindi ito garantiya; dadaan pa rin sa 5C’s evaluation ng Loans Department
Loan Processing Time:
3–5 working days kung kumpleto ang requirements
5–7 days para sa mga bagong loaners dahil sa CI
Life Insurance Coverage: hanggang ₱100,000
Renewable yearly
Premium ay ibinabawas sa dividends
Regular Savings Interest: 1.5% per annum
Minimum balance: ₱1,000
Kapag walang galaw sa loob ng 2 taon, magiging dormant ang account
₱50 monthly dormancy penalty hanggang ma-activate muli
Inclusions:
₱1,000 – Share Capital
₱200 – Regular Savings
₱300 – Membership Fee
₱30 – ID
📌 Paalala:
Walang loan privilege sa package na ito dahil hindi pa umaabot sa ₱4,000 ang share capital. May obligasyon ang miyembro na kumpletuhin ang ₱4,000 share capital at ₱700 life insurance sa loob ng 6 na buwan.
Sa pamamagitan ng malinaw na proseso at abot-kayang membership packages, patuloy na binibigyang-daan ng Iwahori Multi-Purpose Cooperative ang mas maraming Pilipino na maging ka-may-ari, makinabang sa serbisyong pinansyal, at sabay-sabay na umunlad bilang isang komunidad.