🗣️Inihula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, Siya ay babalik muli bilang Anak ng Tao upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Ito ay nabanggit nang mahigit sa 200 beses sa Bibliya. Dahil maraming propesiya ang Bibliya tungkol sa Diyos na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, ito ay isang gawain na kailangang matupad ng Diyos.
Tanong: Pinatawad na ng Panginoong Hesus ang ating kasalanan Bakit kailangan Gawin ng Diyos ang gawaing paghatol ???
a. Upang tanggalin At linisin ang Makasalanang kalikasan ng tao na nakaugat sa ating mga puso na nagmumula kay satanas katulad ng pagkamakasarili, pagmamataas, pagkamainggitin, panlilinlang, kasakiman,
b. Naniniwala na ako sa Diyos, nagsisimba, nagdarasal, nagbabasa ng Bibliya hindi na ako kailangang Hatulan.
c. Nakalimutan ko
🎉🎉🎊Amen ang tamang Sagot ay 🥰🥰🥰
a. Upang tanggalin ang Makasalanang kalikasan ng tao na nakaugat sa ating mga puso na nagmumula kay satanas katulad ng pagkamakasarili, pagmamataas, pagkamainggitin, panlilinlang, kasakiman
Ang kalikasan ni Satanas ay ang tiwaling disposisyon ng,
😈😑Maging makasarili.
😈😑Maging mapagmataas At mayabang.
😈😑Maging mainggitin.
😈😑Maging Tuso at Mapanlinlang.
😈😑Maging Sakim.
😈😑Sambahin sa Pera at kayaman.
💞IMPORTANTENG TANDAAN:
⭐️⭐️Dapat nating tanggapin ang salita ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, para maalis ang ating makasalanang kalikasan, at maging malinis bago tayo makapasok sa kaharian ng langit⭐️⭐️
Pambungad na Salita:
Sa pamamagitan ng pagbabahagi kahapon, nalaman natin na ang Panginoong Jesus ay muling babalik sa ikalawang pagkakataon sa anyong-tao upang gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Tanging sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng Kanyang mga salita lamang natin matatanggap ang pangakong makapasok sa kaharian ng langit na ibinigay ng Panginoong Jesus. May ilang tao na naniniwala na dahil si Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at iniligtas ang buong sangkatauhan, ganap na ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao at wala nang kailangan pang karagdagang gawain. Kung ganoon, bakit may isa pang yugto ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Ilang yugto ba mayroon sa gawain ng Diyos? Bakit ang huling yugto ng gawain—ang paghatol at paglilinis—ang pinakamahalaga sa pagpapasya sa magiging hantungan ng sangkatauhan? Ang paksa natin ngayon ay napakahalaga, sapagkat tinutulungan tayong maunawaan ang buong proseso ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at kung paano Niya tayo pinamunuan, tayong mga tao, hakbang-hakbang hanggang sa araw na ito. Kung naniniwala tayo sa Panginoon ngunit hindi natin Siya tunay na nakikilala, o kung pinanghahawakan lamang natin ang isang yugto ng gawain ng Panginoon, napakadaling labanan ang Diyos at kondenahin ang Kanyang gawain, tulad ng mga Fariseo, na nilimitahan ang Panginoong Jesus sa batas at sa saklaw ng Lumang Tipan, at sa huli ay pinarusahan ng Diyos. Kaya ngayong araw, tatalakayin natin nang detalyado ang plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas sa tao.
✝️ Pagbabalik ni Panginoong Jesus sa Ikalawang Pagkakataon
Ang Panginoong Jesus ay babalik sa anyong-tao upang:
Gawin ang gawain ng paghatol
Linisin ang sangkatauhan
Tanging sa pagtanggap ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw matutupad ang pangako na makapasok sa kaharian ng langit
❓ Kadalasang Tanong ng Iba
“Hindi ba tapos na ang gawain ng pagliligtas nang si Jesus ay ipako sa krus?”
Sagot: Hindi pa lubos – dahil may natitirang ugat ng kasalanan sa tao na kailangang linisin.
🧼 Bakit Mahalagang-Mahalaga ang Huling Yugto ng Gawain?
Ang paghatol sa mga huling araw ang:
Nagpapasya sa magiging hantungan ng sangkatauhan
Nagdadalisay sa makasalanang disposisyon
Nagdadala sa tao sa buong kalinisan at pagkakamit ng kaligtasan
⚠️ Babala ng Kasaysayan: Ang Halimbawa ng mga Fariseo
Ang mga Fariseo ay:
Nanatili lamang sa Lumang Tipan
Tumanggi at kinondenang si Panginoong Jesus
Pinarusahan ng Diyos
Aral: Kung hahawakan lang natin ang isang yugto at hindi kikilalanin ang bagong gawain ng Diyos, maaaring kalabanin natin Siya nang hindi natin namamalayan.
💡 Layunin ng Ating Paksa Ngayon
Upang lubos nating maunawaan:
Ang buong proseso ng pagliligtas ng Diyos
Paano pinamunuan ng Diyos ang sangkatauhan, hakbang-hakbang
Kung paano makapasok sa kaharian ng Diyos
Mga kapatid, lahat tayo ay mga mananampalataya sa Panginoon at nakabasa na ng Bibliya. Kaya, ilang yugto ng gawain ng Diyos ang nakatala sa Bibliya?
May nagsasabi na dalawang yugto. Tama ba iyon, mga kapatid? Aling dalawang yugto ng gawain ang tinutukoy? Ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan, tama ba?
Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng pagpapalabas ng kautusan ng Diyos na si Jehova; ito ay isang yugto ng gawain. Ang Bagong Tipan naman ay nagtatala ng pagpapapako sa krus ng Panginoong Jesus bilang handog para sa kasalanan, na tumubos sa sangkatauhan.
Ito ay dalawang yugto ng gawain, tama ba?
Kaya pagkatapos bang matapos ng Diyos ang dalawang yugtong ito ng gawain, tapos na ba ang Kanyang gawain? Lahat ba ay ganap nang natapos?
Maliligtas na ba at madadala na sa kaharian ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan lamang ng paniniwala muna kay Jehova na Diyos at pagkatapos ay sa Panginoong Jesus? Ganoon na nga ba ito?
📖 Ano ang Nakatala sa Biblia?
Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ng Diyos na si Jehova:
Pagpapahayag ng Kautusan
Pagsisimula ng Panahon ng Kautusan
📖Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ng Panginoong Jesus:
Pagpapako sa krus
Pagtubos sa kasalanan ng tao
✌️ Dalawang Yugto ng Gawain ng Diyos
Panahon ng Kautusan – sa ilalim ng Lumang Tipan
Panahon ng Biyaya – sa ilalim ng Bagong Tipan
Tama ba ito? Oo, tama — dalawang yugto ang naitala sa Biblia.
Maraming tao ang naniniwala na:
“Dahil sa dalawang yugto — sa Lumang at Bagong Tipan — tapos na ang gawain ng Diyos.”
Pero ito ba’y ganap na totoo?
Nalilinis na ba ang makasalanang kalikasan ng tao?
Hindi na ba tayo nagkakasala kahit na tayo’y naniwala na kay Jesus?
Ligtas na ba agad ang lahat at dadalhin sa kaharian ng Diyos?
Tinubos lang tayo ni Jesus, pinatawad, pero hindi pa tayo nalinis.
Ang ugat ng kasalanan — ang tiwaling disposisyon ng tao — ay nananatili pa rin.
Kaya may pangatlong yugto ng gawain:
➤ Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw
➤ Ito ang pinakahuling yugto upang lubos tayong maligtas at malinisan
Sa mga nakaraang araw ng ating pagbabahaginan, dapat na malinaw sa lahat na ang kapatawaran ng mga kasalanan ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay hindi na nagkakasala, at hindi rin ito nangangahulugang ang isang tao ay maliligtas na at makapapasok sa kaharian ng langit. Dahil hindi pa nareresolba ang makasalanang kalikasan ng tao, patuloy silang nagkakasala at paulit-ulit na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan. Ang sangkatauhan, na laging nagkakasala, ay hindi maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Kaya hindi totoo na matapos ng Diyos ang gawain ng pagtubos, ay natapos na rin ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at karapat-dapat na ang tao na makapasok sa kaharian ng langit; ito ay ganap na imposible. Pag-isipan natin ito: Hindi ba’t kailangan pa ring gawin ng Diyos ang isang yugto ng gawain upang linisin ang tiwaling disposisyon ng tao? Kung hindi, kailanman ay hindi makakatakas sa kasalanan ang tiwaling sangkatauhan at hindi maliligtas. Kaya nga ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik sa mga huling araw upang isagawa ang isa pang yugto ng gawain—ang gawain ng paghatol at paglilinis—upang lubos na iligtas ang tao mula sa kasalanan.
Kaya, ilang yugto nga ba talaga ang gawain ng Diyos? Ang unang dalawang yugto ay ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan at ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan. Bukod pa rito, may gawain ng paghatol sa mga huling araw na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag. Ilang yugto ng gawain ang kabuuan nito?
❌ Hindi Pa Tapos ang Gawain ng Pagliligtas
Ang kapatawaran ng kasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi nangangahulugang hindi na nagkakasala ang tao.
Patuloy pa rin sa pagkakasala ang tao at paulit-ulit ang pagsisisi.
Ang makasalanang kalikasan at tiwaling disposisyon ay hindi pa nareresolba.
❗ Hindi pa Rin Awtomatikong Ligtas ang Tao
Kahit pinatawad na, kung ang ugat ng kasalanan ay hindi naalis, hindi pa rin karapat-dapat ang tao sa kaharian ng langit.
Kaya hindi totoo na:
“Tapos na ang gawain ng pagliligtas sa pagtubos pa lang ni Jesus.”
Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik sa mga huling araw upang gawin ang:
Gawain ng paghatol
Pagdadalisay sa tiwaling sangkatauhan
Ito ang pangatlong yugto ng gawain na lubusang magliligtas sa tao mula sa kasalanan.
1. Panahon ng Kautusan
Lumang Tipan
Ipakita sa tao ang kasalanan; itakda ang batas
2. Panahon ng Biyaya
Bagong Tipan
Pagtubos sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus
3. Panahon ng Kaharian
Mga Huling Araw
Paghatol at paglilinis upang lubusang iligtas ang tao
✔️ Kabuuan: Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos
— (Tatlong yugto)
Tama, isinagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ang tatlong yugtong ito ay bumubuo sa kumpletong plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Marahil marami tayong kalituhan at hindi pagkakaunawaan sa ating mga puso: Bakit kailangang gawin ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan? Hindi ba sapat na ang dalawang yugto? Ang kalituhan at mga tanong na ito ay dahil hindi natin lubos na nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Tingnan natin ang dalawang talata mula sa mga salita.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—nangangahulugan ito ng ganap na kaligtasan ng tao mula sa kapangyarihan ni Satanas.”
(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga ito ay para sa kaligtasan ng isang sangkatauhan na labis na pinasama ni Satanas. Ngunit, kasabay nito, ang mga ito ay para rin makapagsagawa ang Diyos ng pakikidigma kay Satanas. Kaya, yamang ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, kaya ang pakikidigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspeto ng gawain ng Diyos ay sabay na pangangasiwaan. Ang pakikidigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, at dahil sa ang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi isang bagay na maaaring matagumpay na makumpleto sa iisang yugto, ang pakikidigma kay Satanas ay hinati rin sa mga bahagi at yugto, at isasagawa ang digmaan kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng katiwalian ni Satanas sa kanya. ....Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao.
(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).
Malinaw na isinasaas sa talatang ito na ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan ay ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, na isinasagawa ayon sa pangangailangan ng tao. Sa pamamagitan ng tatlong yugto ng gawain, unti-unting inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa ilalim ng dominyon ni Satanas, upang ang tao ay lubos na makamit ng Diyos. Mula nang ang sangkatauhan ay natiwali ni Satanas, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at dahil sa kasalanan, naharap ang tao sa kamatayan, gaya ng sinasabi sa kasulatan: “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Upang lubos na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, upang hindi na sila magkasala at makapamuhay nang walang hanggan sa ilalim ng pag-iingat at pagkalinga ng Diyos, sinimulan ng Diyos ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, na ang layunin ay isagawa ang tatlong yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan: una, upang ipaalam sa tao ang tungkol sa kasalanan; pagkatapos, upang tubusin ang kasalanan ng sangkatauhan; at sa huli, upang lubos na lutasin ang ugat ng makasalanang kalikasan ng tao, na ibig sabihin, alisin ang kasalanan para sa sangkatauhan. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay may malalim na kahalagahan; lahat ito ay mahalagang bahagi ng plano ng Diyos sa pamamahala para sa pagliligtas sa sangkatauhan, at isa ring kinakailangang proseso upang makalaya ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan at impluwensya ni Satanas. Sunod, magbahaginan tayo nang mas detalyado tungkol sa kung paano lubos na nililigtas ng Diyos ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng tatlong yugto ng gawain.
•┈🗣┈•😍Sa plano ng pamamahala ng Diyos sa 6000 na taon, ilang yugto ang Gawain ng Diyos ? •┈🤔┈•
1 yugto•┈🤔┈• 2 yugto•┈🤔┈• 3 yugto•┈🤔┈• 4 yugto•┈🤔┈•
Tatlong kapanahunan 📜✝️📕
1. Ang Panahon ng Kautusan 📜
2. Ang Panahon ng Biyaya ✝️
3. Ang Panahon ng Kaharian📕
📜Background: Ang mga taong nilikha ng Diyos sa simula ay walang kasalanan. Matapos silang maakit ni Satanas, nagsimula silang lumayo sa Diyos. Tiniwali sila ni Satanas, at unti-unti silang namuhay sa kasalanan, at naging mga alipin ni Satanas. Upang iligtas sila mula sa kapangyarihan ni Satanas, matapos silang akayin ng Di yos palabas ng Ehipto, gumawa Siya ng mga batas para sa kanila, gaya ng:
📜"Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko" (Exodo 20:3),
📜"Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan" (Exodo 20:4),
📜"Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin" (Exodo 20:8),
📜"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina" (Exodo 20:12),
📜"Huwag kang papatay" (Exodo 20:13),
📜"Huwag kang mangangalunya" (Exodo 20:14),
📜"Huwag kang magnanakaw" (Exodo 20:15),
📜"Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa" (Exodo 20:16),
📜"Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga" (Levitico 19:13),
📜 at iba pa.
Sabi ng Diyos, “Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila. Kung sinunod nila ang Sabbath, kung iginalang nila ang kanilang mga magulang, kung sinamba nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa: ito ang mga prinsipyo kung saan sila ay hinatulan na puno ng kasalanan o matuwid. Sa kanilang kalagitnaan, mayroong ilan na tinamaan ng apoy ni Jehova, may ilan na binato hanggang sa mamatay, at may ilan na tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at ito ay pinagpasyahan ayon sa kung sila ay sumunod o hindi sumunod sa mga utos. Ang mga hindi nakasunod sa Sabbath ay babatuhin hanggang mamatay. Ang mga saserdote na hindi sumunod sa Sabbath ay tatamaan ng apoy ni Jehova. Ang mga saserdote na hindi nagpakita ng paggalang sa kanilang mga magulang ay babatuhin din hanggang mamatay. Lahat ng ito ay itinagubilin ni Jehova. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan.”
(“Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Malinaw na sinabi ng mga batas na ito sa mga tao kung ano ang pwede at hindi nila pwedeng gawin. Binalaan nito ang mga tao kung anong landas ang dapat nilang tahakin at kung anong mga tuntunin ang dapat nilang sundin, at tinuruan sila kung ano ang tama at mali. Sa paggawa ng mga batas na ito, nilinaw din ng Diyos sa mga tao kung ano ang kasalanan at kung anong mga kilos ang makasalanan. Gamit ang mga batas na ito bilang kanilang pamantayan ng pagsukat, nagkaroon ng pagtitimpi at kontrol sa pag-uugali ng mga tao hangga't maaari.
Gamit ang regulasyon ng mga batas ng Diyos, hindi na naging magulo ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao; sa halip, nagkaroon sila ng mga malinaw na layon at saklaw. Habang namumuhay sa ilalim ng mga batas na itinatag ng Diyos, naging mas mabuti ang asal ng mga tao, at nagkaroon ng kaayusan sa pang-araw-araw na buhay ng sangkatauhan. Binigyan ng mga batas na ito ng malinaw na pamantayan ang mga tao sa mga panlipunang moralidad, at tinuruan sila kung pa'no mamuhay. Ang sangkatauhang ito ay hindi na ang sadyang tinukso, tiniwali, at inalipin ni Satanas, at ang walang abilidad na labanan si Satanas. Sa halip, isang sangkatauhan ito na kusang sumusunod sa mga batas ng Diyos, kusang sumasamba sa Diyos na si Jehova, at namumuhay sa ilalim ng batas ayon sa mga pamamaraan na itinuro ni Jehova. Ito ang unang yugto ng gawain ng Diyos sa tao, at ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Kung gayon, ang Lumang Tipan ay ang Kapanahunan ng Kautusan.
Ibigay sa tao ang mga batas upang pamahalaan ang kanilang pamumuhay
Turuan ang tao kung paano mamuhay nang may moralidad, kaayusan, at kabanalan
Itakda ang pamantayan ng tama at mali, ng kabanalan at kasalanan
Ang Diyos ay nagbigay ng mga kautusan sa pamamagitan ni Moises
Nakatuon sa panlabas na pag-uugali ng tao at pagsunod sa kautusan
Ipinakita ang kabanalan at katarungan ng Diyos
Nagkaroon ng kaayusan at direksyon ang pamumuhay ng tao
Ang mga tao ay natutong sumamba at sumunod sa Diyos na si Jehova
Nakilala ng tao ang kasalanan at kung paanong pinarurusahan ang pagsuway
Nabuo ang pundasyon ng pananampalataya ng sangkatauhan
Mahigpit na ipinatutupad ang mga kautusan
May parusa para sa pagsuway at gantimpala para sa pagsunod
Hindi pa ibinibigay ang ganap na kaligtasan—tanging pagkontrol sa kasalanan ang layunin
Ano ang tinutukoy ng pangalang Jehova? Ito ay ang Diyos na umiiral sa sarili at walang hanggan. “Self-existent and everlasting” ay nangangahulugang Siya ang iisang tunay na Diyos na umiiral nang hindi nilikha at walang hanggan. "Self-existent" ay nangangahulugang Siya ay umiral na mula pa sa simula, at Siya ang Diyos na umiiral magpakailanman. Ang ganitong Diyos ang lumikha ng langit at lupa, at lahat ng bagay, at nilikha ang sangkatauhan, at personal na nag-akay sa sangkatauhan, na namamahala sa lahat ng bagay. Kapag sinasabing "self-existent at everlasting", ito ay nagsasabi sa iyo na Siya ang tanging tunay na Diyos, at walang ibang Diyos bukod sa Kanya. Ito ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan.
Self-existent – Ang Diyos ay hindi nilikha; Siya ang simula ng lahat ng bagay
Everlasting – Walang hangganan ang Kanyang pag-iral; hindi Siya nagbabago o nagwawakas
Ito ay nagpapakita ng kalikasan ng Diyos bilang tanging tunay na Diyos na may kapangyarihan sa lahat ng bagay
Ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pangalan bilang “Jehova” (Exodo 6:2–3)
Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Jehova ang mga kautusan at itinatag ang Kapanahunan ng Kautusan
Ipakilala ang Diyos bilang banal, matuwid, at maringal
Ipatupad ang Kanyang mga batas at utos
Pamahalaan at akayin ang sangkatauhan sa tamang pamumuhay
Ang “Jehova” ay pangalan ng Diyos na nagpapahayag ng Kanyang sariling pag-iral, walang hanggang kapangyarihan, at katayuan bilang Maylalang ng lahat ng bagay. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ito ang pangalan na ginamit ng Diyos upang:
Ipakilala ang Kanyang sarili
Ipatupad ang Kanyang katarungan at kabanalan
Mag-akay sa sangkatauhan sa ilalim ng Kanyang mga kautusan
✅Ang Kapanahunan ng Kautusan✅
👨🏫👉Pangalan: Jehova (Exo 3:15)
👨🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan
👨🏫👉Gawain: Gumawa ng Kautusan (Pamunuan ang Buhay ng tao)
👨🏫👉Resulta: Ipabatid sa Tao ang Kanyang mga Kasalanan (Romans 3:20)
👨🏫👉Disposisyon: Sumpa, Nag-aalab, Awa
Exodo 3:15 Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Jehova, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman.
☘️🙏 Q: Anong gawain ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan?
A- Pinatawad ang kasalanan ng tao
B- Naglabas ng mga batas para ipinaalam sa atin ang mga kasalanan
C- Wala akong Idea
✅ ✅SAGOT: B is correct👏👏👏 -B- Gumawa ng Kautusan para Pamunuan ang Buhay ng tao
Mga Kapatid . 😁😁Yamang ang mga batas ay napaka-bisa para sa sangkatauhan, bakit tinapos ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya? 🧐
Hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang sagot dito😮😮
👨🏫🗣👉Mga kapatid, Sa bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan, buong sangkatauhan ay lubos na nagawang tiwali ni Satanas kaya mas lalo silang nagkasala, at hindi na sila mapigilan ng kautusan. Wala silang sapat na mga sakripisyo para sa kanilang kasalanan, kaya naharap sila sa pagkondena at pagpaparusa sa ilalim ng kautusan, lahat ay nananawagan sa Diyos sa kanilang pasakit. Kaya nga, personal na naging tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus at isinagawa ang gawain ng pagtubos, na nagpasimula sa Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas sa Kapanahunan ng Kautusan.
Kaya magbasa tayo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito💪💪
Kaya sino po ang nais magbasa?
Galacia 3:13 “Tinubos tayo ni Kristo mula sa sumpa ng kautusan.
“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” (Isaias 9:6). “At ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Pagkatapos, tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Panginoong Jesus upang isagawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan.
“Pagkatapos, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong sangkatauhang makasalanan (hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal na kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal na kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagkat naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nagawa Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tubusin ng pagpapako sa Kanya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal na kabaitan; ibig sabihin, naging isa Siyang handog dahil sa kasalanan para sa tao at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng tao, upang sila ay mapatawad magpakailanman.
Sa Kapanahunan ng Biyaya, namuhay ang Panginoong Jesus sa piling ng mga tao, nangaral, “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Tinuruan Niya ang mga tao na ipahayag ang kanilang mga kasalanan at magsisi, ibigin ang kapwa gaya ng kanilang sarili, magpatawad ng makapitumpu’t pitong ulit, ibigin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, at sumamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan, at iba pa. Pinahintulutan nito ang mga tao na maunawaan ang layunin ng Diyos; ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay nagkamit ng isang malinaw na layunin at direksyon, at sila ay ganap na lumayo sa pagkaalipin ng batas. Nagsagawa rin ang Panginoong Jesus ng maraming himala at kababalaghan, nagpagaling Siya ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, nagpatawad ng mga kasalanan, at nagpakita ng lubos na pagtitimpi at pagtitiis sa mga tao.
Nadama ng mga tao ang pag-ibig at awa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at naging mas malapit ang kanilang relasyon sa Diyos. Sa huli, ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa sangkatauhan, naging walang hanggang handog para sa kasalanan, at pinatawad Niya ang mga kasalanan ng tao minsan at magpakailanman. Mula noon, hangga't ang mga tao ay nagpahayag ng kanilang mga kasalanan sa Panginoon at nagsisi, ang kanilang mga kasalanan ay patatawarin. Hindi na sila hahatulan o parurusahan ng batas, at magiging kwalipikado silang lumapit sa Diyos upang manalangin at tamasahin ang kapayapaan, kagalakan, at masaganang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon. Maliwanag na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagdulot ng malaking kaligtasan sa sangkatauhan, na nagpapahintulot sa sangkatauhan na mabuhay at umunlad hanggang ngayon.
📝 Konklusyon:
Ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay pundasyon ng ating pananampalataya—ito ang gawaing pagtubos na nagbukas ng daan tungo sa kaligtasan at mas malapit na ugnayan sa Diyos. Ngunit ito ay hindi pa ang wakas ng gawain ng Diyos, kundi paghahanda para sa susunod na yugto sa mga huling araw—ang gawain ng paghatol upang dalisayin ang tao at dalhin siya sa kaharian ng Diyos.
(Mateo 4:17)
Ihatid ang mensahe ng pagsisisi at kapatawaran
Ihanda ang daan para sa paglapit ng tao sa Diyos
Palayain ang tao mula sa pagkaalipin sa batas
Pagsisisi at pag-amin ng kasalanan
Pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili
Pagpapatawad ng makapitumpu’t pitong ulit
Pag-ibig sa Diyos nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip
Pagsamba sa espiritu at katotohanan
Pagpapagaling ng maysakit
Pagpapalayas ng mga demonyo
Pagpapatawad ng mga kasalanan
Pagpapakita ng awa, pagtitiis, at pagmamahal
Ipinako sa krus para sa sangkatauhan
Naging walang hanggang handog para sa kasalanan
Pinatawad ang mga kasalanan ng tao minsan at magpakailanman
Pinayagan ang tao na lumapit sa Diyos at manalangin
Tinamasa ang kapayapaan, kagalakan, at biyaya
Ang sangkatauhan ay naligtas mula sa tiyak na kapahamakan
Nabigyan ng pag-asa para sa buhay at paglago sa pananampalataya
✅Ang Kapanahunan ng Biyaya✅
👨🏫👉Pangalan: Jesus (Jesus) (Mat. 1:21)
👨🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya
👨🏫👉Gawain: Pagpapako sa krus (Tubusin ang kasalanan ng tao)
👨🏫👉Resulta: Patawarin ang Kasalanan ng Tao (Mat. 26:28)
👨🏫👉Disposisyon: Mapagkandiling-pagmamahal, Awa, Pagtitiis, Pagpapatawad
☘️🙏 Q: Anong gawain ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya?
A- Nagpapako sa krus para mapatawad ang ating mga kasalanan
B- Alisin ang ating makasalanang kalikasan
C- Walang Idea
💘💚Ang tamang Sagot: 🥳🥳A- Nagpapako sa krus para mapatawad ang ating mga kasalanan
NEW WAY:
Nang sabihin ni Jesus na "Natapos na," ang gawain ng kaligtasan ay ganap na natapos, at walang bagong gawain ang gagawin;
Mayroong dalawang paraan upang ipakita ito:
① Pagkatapos pag-usapan ang Kapanahunan ng Biyaya at ipakilala ang Kapanahunan ng Kaharian, maaari tayong makipag-ugnayan sa mga inaasahan sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tulad ng, “Sinabi ng Bibliya na tapos na. Ang pagtatapos ba ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay talagang nangangahulugan na ang Diyos ay hindi gagawa ng bagong gawain? Ngunit ang mga tao ngayon ay nabubuhay pa rin sa kasalanan, at ang alipin ng kasalanan ay mamamatay. Ito na ba ang natapos?
Sinabi ng Panginoong Jesus,
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan…” (Juan 16:12–13).
Background: Bagamat ipinako sa krus ang Panginoong Jesus bilang handog para sa kasalanan para sa tao, na tumutubos sa tao,hindi naiwaksi ng tao ang kanyang makasalanang kalikasan.Namumuhay pa rin ang mga tao sa gapos ng kasalanan,kaya pa rin nilang labanan ang Diyos at maghimagsik laban sa Kanya.Kaya, kahit nakapagtamasa sila ng labis na biyaya ng Diyos, at napatawad na ang kanilang mga kasalanan,hindi pa rin marunong ang mga tao na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, o sumunod sa daan ng Diyos.Ga'no man sila mukhang maka-diyos, mapagpasensiya, at mapagmahal, ang ugat at diwa ng kanilang paglaban sa Diyos ay nanatiling buo at wala silang landas at abilidad na iwaksi ang kasalanan.Namuhay lamang sila sa isang siklo ng pagkakasala sa araw, at pagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan sa gabi,nang walang landas na sinusunod.
Oo. Ang mas malala pa, Pagpapahalaga sa sarili,Pagnanakaw,Pagkamakasarili,Pagsisinungaling,Panghuhusga,Kasakiman,Pangangalunya,Panlilinlang,Pagkainggit,alam na alam nila kung ano ang kasalanan, at kung ano ang paglaban at paghihimagsik laban sa Diyos,pero hindi nila mapigilan na gawin ang mga bagay na ito.
Patuloy silang namumuhay rito, at nagdurusa.Ang ugat ng lahat ng problemang ito ay ang kanilang makasalanang kalikasan,dahil sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao ang mga ito.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35).
“Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).
“...ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon...Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan...Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas.
Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na bagaman sumailalim na tayo sa pagtubos ng Panginoong Jesus at napatawad ang ating mga kasalanan, at kahit na, matapos magkasala, nagdarasal tayo, nagtatapat at nagsisisi sa Panginoon at hindi na tayo tinitingnan ng Panginoon bilang mga makasalanan, ang ating makasalanang kalikasan ay umiiral pa rin; may kakayahan pa rin tayong madalas na magkasala, magbunyag ng ating mga tiwaling disposisyon, at ang mamuhay sa kasalanan sa araw upang ipagtapat lamang sa gabi.
Halimbawa, kapag ang ibang tao ay nagsabi o gumawa ng mga bagay na nakakasakit sa ating sariling mga interes, kinamumuhian natin sila; alam na alam natin na minamahal ng Diyos ang mga matatapat, subalit madalas tayong nagsisinungaling at nandadaya para sa kapakanan ng ating mga sariling interes; kapag pinagpala ng Diyos, patuloy tayong nagpapasalamat sa Diyos; kapag nasasalanta ng mga kalamidad, nagsisimula tayong magmaktol sa Diyos, at maaari pa nga tayong magreklamo laban sa Diyos, hayagang nagpapakalat ng panlalait sa Kanya. At kaya maaaring makita na bagaman ang ating kasalanan ay napatawad, ang mga tiwaling disposisyon sa loob natin ay hindi pa nalinis, sapagkat ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagpapapako at pagtubos sa sangkatauhan.
Tayo ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong mga taon at ang ating mga maka-satanas na disposisyon ay matatag na nakaugat sa loob natin. Ang pagiging mayabang, katusuhan, katigasan, karahasan, kasamaan, at pagkasuklam sa katotohanan—lahat ng ito ay higit na suwail kaysa sa kasalanan at maaaring gawin ang taong direktang salungatin ang Diyos. Kung ang mga ugat na sanhing ito ay hindi napagtuunan, magkakasala tayo ngayon at gayundin ay magkakasala bukas, lubos na walang kakayahang makawala sa mga gapos at hadlang ng kasalanan.
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan…” (Juan 16:12–13).
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan” (Juan 17:17).
“Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).
📕Juan 5:22, Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol;
📕Juan 5:27 At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.
Kapag sinabi nating napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, ibig sabihin:
Hindi na tayo hinahatulan sa ilalim ng batas, dahil tinubos na tayo ni Jesus,
Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nagbago na ang ating likas na pagkatao.
Tulad ng sabi mo:
“Mamuhay sa kasalanan sa araw, ipagtapat lamang sa gabi.”
Ito ang paulit-ulit na siklo ng kasalanan → pagsisisi → kasalanan muli, na nagpapakitang hindi pa talaga nalulutas ang ugat ng kasalanan.
Kahit mga matagal nang mananampalataya, dala-dala pa rin ang:
Pagmamataas – gusto laging tama, hindi marunong tumanggap ng pagsaway,
Panlilinlang – madaling magsinungaling kapag personal na kapakanan ang nakataya,
Pagkamuhi sa katotohanan – ayaw tanggapin ang matitigas na salita ng Diyos,
Pagiging makasarili at sakim – inuuna ang sariling interes higit sa katotohanan,
Paglabag at pagrerebelde sa Diyos – kapag nasubok, agad nagrereklamo o bumabalik sa mundo.
Kaya nga totoo ang sinabi mo:
"Kung ang mga ugat na sanhing ito ay hindi napagtuunan... lubos na walang kakayahang makawala sa gapos ng kasalanan."
Hindi sapat ang panlabas na relihiyon o tamang doktrina. Kahit nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at umaawit, kapag hindi nadalisay ang disposisyon:
Nananatili tayong mapanghusga sa Diyos kapag hindi tugma ang Kanyang ginagawa sa inaasahan natin.
Nagagalit tayo kapag hindi tayo pinagpapala, at hindi mapakali sa gitna ng pagsubok.
Nagsasalita pa nga ng laban sa Diyos—na hindi natin inaakalang paglaban na pala sa Kanya.
Kailangan natin ang isa pang yugto ng gawain ng Diyos:
Ang paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos sa mga huling araw,
Upang ilantad ang ating kalikasan, linisin tayo, at baguhin ang ating disposisyon.
Ito ang dahilan kung bakit sinasabi sa 1 Pedro 4:17:
“Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.”
Makikita na ipahahayag ng Panginoon ang katotohanan at gagawa ng isang yugto ng gawaing paghatol kapag Siya'y bumalik, papatnubayan ang mga tao na maunawaan at pasukin ang lahat ng katotohanan, iyan ay, upang iligtas ang mga tao mula sa kasalanan at sa impluwensya ni Satanas nang lubusan, at dalhin ang mga tao sa kaharian ng Diyos. Ito ay isang yugto ng gawain na matagal nang plinano ng Diyos, at ito rin ang huling yugto ng gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos. Basahin natin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos, at mauunawaan natin ang katotohanan sa bagay na ito.
Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya.
“Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita;”*
Kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw, hindi lamang Niya ibubunyag ang lahat ng mga hiwaga sa Biblia, kundi ipapahayag din Niya ang buong kuwento ng plano ng pamamahala ng Diyos, tulad ng layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, kung paano isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol upang linisin at iligtas ang tao, ang kalalabasan at destinasyon ng iba't ibang uri ng tao, at kung paano isasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa, at iba pa. Ihahayag at hahatulan din Niya ang ugat ng kasalanan at paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, iyon ay, ang satanikong kalikasan at satanikong disposisyon sa loob ng tao, at ipapahayag ang iba't ibang katotohanan na dapat isagawa at pasukin ng tao upang maniwala sa Diyos, tulad ng tamang pananaw na dapat taglayin ng mga mananampalataya, kung paano magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung paano maging isang tapat na tao, kung paano matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, at kung paano makamit ang pagpapasakop sa Diyos at pagmamahal sa Diyos, atbp. Ang mga katotohanang ito ang mga realidad ng katotohanan na dapat pasukin ng tao upang maiwaksi ang katiwalian at maligtas ng Diyos.
Ang mga nalinis sa pamamagitan ng paghatol ay poprotektahan ng Diyos at makakaligtas sa sakuna. Pagkatapos, ang bagong langit at ang bagong lupa—ang kaharian ni Cristo—ay lilitaw sa lupa. Ang mga makaliligtas ay magiging bayan ng Diyos, na nabubuhay magpakailanman sa kaharian ng Diyos at tinatamasa ang mga pangako at pagpapala ng Diyos. Ito ang eksaktong katuparan ng propesiya sa Pahayag:
Kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw bilang Anak ng tao, ipapahayag Niya ang lahat ng hiwagang matagal nang itinago mula pa sa simula:
Layunin ng Kanyang planong pamamahala sa sangkatauhan
Ang hiwaga ng pagkakatawang-tao
Ang katotohanan sa likod ng gawain ng paghatol para sa paglilinis ng tao
Ang kalalabasan at destinasyon ng bawat uri ng tao
At kung paano maghahari si Cristo sa lupa at itatatag ang Kanyang kaharian
Hindi lang ang panlabas na kasalanan ang hinahatulan, kundi ang:
Satanikong kalikasan ng tao
Tiwaling disposisyon, gaya ng kayabangan, panlilinlang, pagiging makasarili, pagkamuhi sa katotohanan, at higit pa
Ito ang ugat kung bakit hindi kayang tumigil ng tao sa pagkakasala kahit pa pinatawad na ang kanyang mga kasalanan.
Ipapahayag ng Diyos ang lahat ng katotohanang dapat pasukin at isagawa ng mga tao upang maligtas:
Tamang pananampalataya at tamang pananaw sa buhay
Paano maging tapat at mapagpakumbaba
Paano matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan
Paano magpasakop sa Diyos at magtaglay ng tunay na pagmamahal sa Kanya
Yaong tumanggap ng paghatol at nalinis:
Ay poprotektahan ng Diyos sa mga sakuna
Sila ang maliligtas at makakapasok sa bagong langit at bagong lupa
Sa huli, itatatag ang kaharian ng Diyos sa lupa:
Ang mga naligtas ay magiging bayan ng Diyos
Maninirahan magpakailanman sa Kanyang presensyaa
At tatanggap ng walang hanggang pagpapala
“Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15).
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4)
Para saan ang paghatol ng Diyos sa kapanahunan ng laharian ?
👉- Pagtubos sa kasalanan
👉- Alisin ang kasalanan ng tao at maging Banal
👉- Hindi ko alam
Q1- Tanong, Ano ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ?
1 Kapanahunan ng —-❓----
2 Kapanahunan ng —-❓----
3 Kapanahunan ng —-❓----
Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡
👇👇👇👇👇👇👇
✅Ang Kapanahunan ng Kaharian✅
👨🏫👉Pangalan: (Makapangyarihang Diyos)
👨🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Kaharian
👨🏫👉Gawain: Paghatol gamit ang bagong salita ng Diyos (Dalisayin ang Tao)
👨🏫👉Resulta: Alisin ang mga Kasalanan ng Tao (Pahayag 19:8)
👨🏫👉Disposisyon: Katuwiran, Kabanalan, Kamahalan at Poot
☘️🙏 Q: Anong gawain ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?
A- Gawaing paghatol — alisin ang ating makasalanang kalikasan
B- Gawain; gawaing pagpapako sa krus --- pinatawad ang ating mga kasalanan
C- Gawain; naglabas ng mga batas --- ipinaalam sa atin ang mga kasalanan
💘💚Ang tamang Sagot: 🥳🥳A- Nagpapako sa krus para mapatawad ang ating mga kasalanan
Pangalan ng Diyos: Magkakaroon ba ng bagong pangalan ang Diyos sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Sa katunayan, matagal nang ipinropesiya ng Bibliya na darating ang Panginoon na may bagong pangalan. Maliwanag na ipinropesiya ni Isaias:
“At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon” (Isaias 62:2).
At sinasabi ng Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12).
at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan (Isaias 62:2).
at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12).
Malinaw na binanggit ng dalawang talatang ito na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Dahil ito ay isang bagong pangalan, na hindi pa Niya nagamit noon, tiyak na kapag bumalik ang Panginoon hindi na Siya tatawaging Jesus. Kung gayon ano ang Kanyang bagong pangalan? Ito ay ang Makapangyarihang Diyos. Ito ay ganap na naaayon sa propesiya ng Pahayag:
📜 “Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8).
📜 “Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6).
📜At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.(Revelation 16:7)
📜At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na (Revelation 15:3)
sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ang kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan.”
Ang salitang “Makapangyarihan” ay sumasaklaw sa likas na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ang gawain ng Diyos, at lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos—lahat ay kasama sa pangalang ito, ang Makapangyarihang Diyos. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, malalaman mo ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagiging praktikal ng Diyos, ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, ang paraan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at sa huli, kung paano Niya pinamumunuan ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian at pagkatapos ay sa isang magandang destinasyon, at iba pa—magkakaroon ka ng kaalaman sa lahat ng ito. Ang lahat ng ito ay mga bungang nakamit sa pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Bukod dito, sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita lamang; sa pamamagitan ng mga salita ay hinahatulan Niya at inihahayag ang ating tiwaling disposisyon, sa pamamagitan ng mga salita ay dinadalisay at inililigtas Niya tayo, sa pamamagitan ng mga salita ay pinarurusahan Niya ang lahat ng mga kaaway na puwersa, at sa pamamagitan ng mga salita ay itinatatag Niya ang Kanyang kaharian. Ang lahat ay naitatatag at natutupad sa pamamagitan ng mga salita mula sa Kanyang bibig; lalo pa itong nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya, ang pangalang “Makapangyarihang Diyos” ay hindi lamang kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas at sa pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos, kundi higit sa lahat, ito’y nangangahulugan na tinatapos ng Diyos ang buong Kapanahunan ng Biyaya, dinadala ang sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan—ang Panahon ng Milenyong Kaharian—at tinatapos ang buong kasaysayan ng sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay natatapos sa pamamagitan ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos.
Sa pagsasalita tungkol dito, marahil ang ilang mga tao ay magtatanong, bakit nagbabago ang pangalan ng Diyos? Ano ang kahalagahan nito? Mauunawaan natin pagkatapos basahin ang ilang sipi ng mga salita nang magkakasama.
Sabi ng Diyos, “Sabi ng ilan, ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago. Kung gayon, bakit naging Jesus ang pangalan ni Jehova? Ipinropesiya na darating ang Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang taong nagngangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba matagal nang isinagawa ang gawaing iyon? Maaari bang hindi makagawa ang Diyos ng mas bagong gawain ngayon? Ang gawain ng kahapon ay maaaring baguhin, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula roon kay Jehova. Kung gayon, hindi ba maaaring sundan ng ibang gawain ang gawain ni Jesus? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring palitan ng Jesus, hindi ba maaaring palitan din ang pangalan ni Jesus? Walang kakaiba rito; kaya lang napakakitid ng isipan ng mga tao. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Paano man magbago ang Kanyang gawain, at paano man maaaring magbago ang Kanyang pangalan, hindi magbabago ang Kanyang disposisyon at karunungan kailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalang Jesus, napakalimitado ng iyong kaalaman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?).
“Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan”
Matapos basahin ang mga salitang ito, mauunawaan natin ang kahalagahan ng pagbabago ng Diyos sa isang bagong pangalan. Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma, ang Kanyang gawain ay palaging sumusulong, at ang pangalan ng Diyos ay patuloy na nagbabago sa kapanahunan at sa Kanyang gawain. Sa bawat pagkakataon na isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain at nagbubukas ng isang bagong kapanahunan, kumukuha Siya ng isang pangalan na may makasaysayang kahalagahan upang katawanin ang Kanyang gawain at ang disposisyong ipinapahayag Niya sa panahong iyon. Sa ganitong paraan, hindi natin malilimitahan ang Diyos sa iisang pangalan na “Jehova” o “Jesus,” o sa dalawang pangalan, at hindi natin Siya malilimitahan sa hangganan ng sarili nating mga kuro-kuro at imahinasyon. Alam nating lahat na ang lahat ng kung sino at ano ang Diyos ay sumasaklaw sa lahat ng bagay; ang Diyos ay lubhang marunong at lubos na makapangyarihan. Ang wika ng tao ay walang kakayahang ilarawan Siya; pabayaan ang isa o dalawang pangalan, kahit na marami pang mga pangalan ay hindi ganap na kumakatawan sa lahat ng kung ano at mayroon ang Diyos. Samakatwid, ang Diyos ay kumuha ng iba't ibang pangalan sa bawat kapanahunan.
Tulad ng sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay "Jehovah." Ang pangalang "Jehova" ay ang tiyak na pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, na kumakatawan lamang sa gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang disposisyon ng awa, kamahalan, at poot na Kanyang ipinahayag. Nang maglaon, ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao bilang Anak ng Tao, nagpakita, at gumawa, gamit ang pangalang "Jesus" upang gawin ang gawain ng pagtubos, pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Binigyan ng Panginoong Jesus ang tao ng daan ng pagsisisi, pinatawad ang mga kasalanan ng tao, ipinagkaloob sa tao ang kapayapaan, kagalakan, at masaganang biyaya, at sa wakas ay ipinako sa krus para sa tao, tinubos ang buong sangkatauhan. Ang pangalang "Jesus" ay ang tiyak na pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, na kumakatawan sa gawaing pagtubos na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ang disposisyon ng maibiging-kabaitan at awa na Kanyang ipinahayag. Katulad nito, sa mga huling araw, kung ang nagbalik na Panginoong Jesus ay tinatawag pa ring Jesus, kung gayon ang gawain ng Diyos ay mananatiling nakakulong sa gawaing pagtubos. Sa mga huling araw, nais ng Diyos na magbukas ng bagong kapanahunan at magsagawa ng bagong gawain; tatawagin pa ba Siya sa pangalang Panginoong Jesus? Tiyak na hindi. Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbalik, nagpakita at gumagawa sa pangalang "Makapangyarihang Diyos," binubuksan ang Kapanahunan ng Kaharian at tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ipinahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at mula sa impluwensya ni Satanas, upang makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, ipapadala Niya ang malalaking sakuna upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang kasamaan, sisirain itong madilim at masamang lumang kapanahunan, at pagkatapos ay lilitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa. Ito ay ganap na tumutupad sa mga propesiya sa Pahayag: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). at “Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6). Upang mas maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, kumuha tayo ng isang halimbawa:
Halimbawa, kung ikaw ay isang guro sa paaralan, ano ang tawag sa iyo ng mga estudyante? Tinatawag ka nila na “guro,” tama? At kung ikaw ay naging doktor? Tatawagin kang “doktor.” Paano naman kung magbukas ka ng tindahan at ikaw na ang may-ari? Siyempre, ang tawag sa iyo ay “boss”! Kita mo, kapag nagbago ang iyong propesyon pero hindi nagbago ang iyong titulo, hindi malalaman ng ibang tao kung ano na ang bago mong propesyon. Kaya kapag nagbago ang propesyon, nagbabago rin ang tawag sa iyo. Pero kahit magbago ang tawag sa iyo ng ibang tao, ikaw pa rin ba ang dating ikaw? Gayon din naman, ang Diyos ay gumagawa ng iba’t ibang gawain sa bawat kapanahunan at gumagamit ng mga pangalan upang buksan ang bagong kapanahunan. Bagama’t nagbabago ang pangalan ng Diyos at ang Kanyang gawain, ang Kanyang diwa ay kailanman hindi nagbabago; lahat ng ito ay gawain ng iisang Diyos. Ibig sabihin, ang diwa ng Diyos ay hindi nagbabago, ngunit ang Kanyang pangalan ay maaaring magbago.
🌼🌼 Ano ang bagong pangalan ng Diyos sa kapanahonan ng kaharian?
🍏Jehovah
🍏Jesus
🍏Makapangyarihang Diyos
click mo ang link at Send mo ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Tatlong kapanahunan 📜✝️📕
✝️ Ang Panahon ng Kautusan
📜2. Ang Panahon ng Biyaya
📕 Ang Panahon ng Kaharian
Bawat gawain sa kapanahunan.📜✝️📕
📜Kapanahunan ng Kautusan --- --- Gawain; naglabas ng mga batas --- ipinaalam sa atin ang mga kasalanan.
✝️Kapanahunan ng Biyaya --- --- Gawain; Ipinako sa krus si Jesus --- para tubusin at mapatawad ang ating mga kasalanan
📕Kapanahunan ng Kaharian--- ---Gawain; Pag hahatol gamit ang mga bagong salita ---alisin ang ating makasalanang kalikasan upang maging banal na ang tao .
Pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan 📜✝️📕
📜Kapanahunan ng Kautusan --- Pangalan ng Diyos Jehovah
✝️Kapanahunan ng Biyaya ---Pangalan ng Diyos Jesus
📕Kapanahunan ng Kaharian---Pangalan ng Diyos Makapangyarihang Diyos
Kaya, malinaw na ba ang lahat ngayon? Ang tatlong yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian ay ang tatlong magkakaibang yugto ng gawaing ginawa ng Diyos sa iba't ibang kapanahunan upang iligtas ang sangkatauhan.
⭐ Unang yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan. Naglabas si Jehova ng mga batas at utos para gabayan ang mga tao sa kanilang buhay at ipaalam sa kanila ang kasalanan.
⭐ Pangalawang yugto: ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan, na nagpapahintulot sa mga tao na magtapat at magsisi ng kanilang mga kasalanan.
⭐ Ikatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng lahat ng katotohanan upang hatulan at linisin ang makasalanang kalikasan ng mga tao, na nagbibigay-daan sa kanila na maging dalisay at makapasok sa kaharian ng Diyos
Ang tatlong yugto ng gawain ay mahigpit na magkakaugnay, patuloy na tumataas at lumalalim. Bawat yugto ng gawain ay nakabatay sa pundasyon ng naunang yugto—bawat hakbang ay mas malalim at mas mataas kaysa sa nauna, nagpupuno sa isa’t isa at mahigpit na magkakaugnay; wala ni isa man sa mga ito ang maaaring mawala. Kita niyo, kung wala ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi malalaman ng sangkatauhan kung ano ang kasalanan at mamumuhay sila sa kasalanan, niyuyurakan ni Satanas, at sa huli ay mabibihag ni Satanas at mauuwi sa wala. Sa gayon, hindi rin maisasakatuparan ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung wala ang pagtubos na ginawa sa Panahon ng Biyaya, ang sangkatauhan ay sana'y naparusahan na dahil sa labis na pagkakasala, at ang buong sangkatauhan ay hindi sana umabot sa panahong ito. At kung wala naman ang paghatol sa mga huling araw? Ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakawala sa gapos at kontrol ng kasalanan, hindi kailanman magiging kwalipikado na makapasok sa kaharian ng langit, at sa huli ay lubusang malilipol dahil sa matinding mga kasalanan. Kaya kung alinman sa tatlong yugto ng gawain ay nawawala, ang sangkatauhan ay mabibihag ni Satanas at hindi kailanman makakamit ang kaligtasan.
Ang tatlong yugto ng gawaing ito ay bumubuo sa kumpletong plano ng pamamahala ng Diyos para sa pagliligtas sa sangkatauhan, ang bawat hakbang ay pangunahing kailangan at mahalaga kaysa sa huli. Ang lahat ng ito ay maingat na pinlano at inayos ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ay ganap na nagpapakita ng dakilang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa tao, at lubos ding nagpapahayag ng karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Mga kapatid, ang tatlong yugto ng gawain ay lumalalim sa bawat hakbang. Sina Jehova, ang Panginoong Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ba ay iisang Diyos? Tunay nga, ito ay gawain ng iisang Diyos. Bagaman magkakaiba ang mga pangalan ng Diyos, at magkakaiba ang paraan at nilalaman ng Kanyang gawain, ang tatlong yugto ng gawain ay isinakatuparan ng iisang Diyos. Kung gayon, maaaring may ilan na magtanong: Sa tatlong yugto ng gawain, magkaiba ang mga pangalan ng Diyos at magkaiba rin ang Kanyang mga gawain, kaya paano natin masasabing ito ay gawa ng iisang Diyos? Ito ay isang magandang tanong; tingnan natin ang ilang sipi ng mga salita at magiging malinaw ang lahat
“Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).
“Bagama’t magkaiba ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman, ang diwa ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; kaya lamang ay umiiral Sila para isagawa ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ano’t anuman, iisa ang diwa at pinagmulan ng mga nagkatawang-taong laman ng Diyos—ito ay isang katotohanan na walang sinumang makapagkakaila”
Hindi ba malinaw na nakasaad mga siping ito na ang gawain ng Diyos ay palaging sumusulong? Sa bawat pagkakataong isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain, gumagamit Siya ng ibang pangalan upang buksan ang isang kapanahunan at wakasan ito sa parehong pangalan, at upang katawanin ang gawain na isasakatuparan Niya sa bawat panahon sa pamamagitan ng pangalang iyon. Sa ganitong paraan, hindi natin malilimitahan ang Diyos sa iisang pangalan na 'Jehova' o 'Jesus,' o sa dalawang pangalan, at hindi rin natin Siya mailalagay sa hangganan ng ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Ngunit anuman ang maging pagbabago sa pangalan ng Diyos o sa paraan ng Kanyang paggawa, iisang Espiritu pa rin ang gumagawa. Ang kalikasan ng Diyos ay hindi magbabago kailanman; ang Diyos ay Diyos magpakailanman. Ito ay tiyak. Kaya paano natin matitiyak kung iisang Espiritu, iisang Diyos, ang gumagawa ng gawain? Ano ang pangunahing bagay na dapat tingnan? Ito ay kung kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at isakatuparan ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sinuman ang kayang magpahayag ng katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos, at isagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, siya ay walang pag-aalinlangang ang Diyos Mismo. Ito ang pinakamahalagang punto. Tulad ng sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Diyos, sa pangalang "Jehova," ay nagpahayag ng mga batas at utos na gagabay sa buhay ng sangkatauhan, na ipinaalam sa mga tao kung ano ang kasalanan. Ang mga batas at utos na ito ang pinakapangunahing katotohanan para sa pag-uugali ng tao. Pagkatapos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos, sa pangalang "Panginoong Jesus," ay nagsimula ng bagong gawain. Ang Panginoon ay nagpahayag ng maraming katotohanan, nagbigay sa tao ng paraan ng pagsisisi, at ipinako sa krus para sa sangkatauhan, kinumpleto ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Panginoong Jesus ay nagligtas sa tao mula sa pagkondena ng batas, winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, at dinala ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ay sapat na upang patunayan na ang Panginoong Jesus ay ang Tagapagligtas. Bagaman ang Kanyang pangalan at gawain ay iba sa kay Jehova, ang katotohanang ipinahayag Niya ay kumakatawan sa kalikasan ng Diyos at nagmumula sa parehong pinagmulan ng Diyos na si Jehova. Mula rito, malinaw na ang Panginoong Jesus at si Jehova ay isang Espiritu, isang Diyos.
Ang yugto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay pagpapatuloy sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Ang Espiritu ng katotohanan ang dumating, na maaaring magpahayag ng katotohanan upang hatulan ang sangkatauhan at iligtas ang tao sa pamamagitan ng pag-alis ng kanyang makasalanang kalikasan. Samakatwid, ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay ang pangalawang pagkakatawang-tao ng Banal na Espiritu. Kapag ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol, bagaman ang Kanyang pangalan at ang gawain na Kanyang ginagawa ay iba sa Panginoong Jesus, ang kanilang pinagmulan ay iisa; ito ay isang Espiritu na nagsasalita at nagbibigkas ng mga salita; ito ay isang Diyos na gumagawa sa iba't ibang kapanahunan, na gumagamit ng iba't ibang paraan ng gawain upang gawin ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. Kung ang mga tao, dahil ang pangalan ng Diyos ay nagbago at ang Kanyang gawain ay iba, ay itinatanggi na ang tatlong yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, at itinatanggi na ang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoon, hindi ba't iyon ay masyadong hangal at kamangmangan?
Tanong: Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya at tinatanggap lamang ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, ngunit hindi tinatanggap ang gawaing paghatol na isinagawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, sa palagay mo ba ay makakapasok sila sa kaharian ng Diyos?
A. Sa palagay ko, oo; yaong mga naniniwala kay Jesus ay makakapasok sa kaharian ng Diyos ano man ang mangyari.
B. Sa palagay ko, hindi. Dapat nating sundan nang mabuti ang mga yapak ng Diyos at maranasan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang tayo ay madalisay.
C. Hindi sigurado
Tamamg sagot✅: B. Sa palagay ko, hindi. Dapat nating sundan nang mabuti ang mga yapak ng Diyos at maranasan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang tayo ay madalisay.
📜Kapanahunan ng Kautusan --- Jehovah --- naglabas ng mga batas --- ipinaalam sa atin ang mga kasalanan
✝️Kapanahunan ng Biyaya --- Jesus --- gawaing pagpapako sa krus --- pinatawad ang ating mga kasalanan
📕Kapanahunan ng Kaharian ---Makapangyarihang Diyos --- gawaing paghatol gamit ang mga bagong salita ng Diyos — alisin ang ating makasalanang kalikasan
Mga kapatid, sa pamamagitan ng pagbabahaginan ngayon, natutunan natin na ang plano ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto. Para sa atin na isinilang sa mga huling araw, aling yugto ang pinakamahalaga para sa atin at siyang tuwirang nagpapasiya sa magiging wakas at hantungan ng tao?
Kapag ang Diyos ay bumalik sa mga huling araw, wawakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, bubuksan ang Kapanahunan ng Kaharian, at isasagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto sa tatlong yugto ng Kanyang gawain; ito ang pangwakas na gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos. Kung matatanggap at masusunod ito ng tao ay may direktang kaugnayan sa kanyang magiging wakas. May ilang nagsasabi, “Naniniwala lang ako kay Jesus; hindi ko tinatanggap ang pagbabalik ni Jesus, at hindi ko susundan ang bagong gawain ng Diyos. Ayos lang ba iyon?” Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus?
“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23).
Maraming tao ang hindi nakauunawa kung bakit ang mga taong ito na naniwala sa Panginoon sa buong buhay nila, labis na nagdusa, at iningatan ang pangalan ng Panginoong Jesus, ay hindi natanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon ngunit sa halip ay hinatulan ng Panginoon bilang mga manggagawa ng kasamaan. Ano nga ba talaga ang nangyayari rito? Ito ay dahil hindi nila tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; ang kanilang tiwaling disposisyon ay hindi nadalisay, at maaari pa rin nilang suwayin ang Diyos, labanan ang Diyos, itanggi ang Diyos, at ipagkanulo ang Diyos. Ginawa ng Diyos ang gayong dakilang gawain upang iligtas ang sangkatauhan at nagbayad ng napakalaking halaga, ngunit hindi lamang ito pinaniniwalaan o tinatanggap ng tao kundi nilalabanan din ang Diyos, itinatanggi ang Diyos, at hinahatulan ang Diyos. Ito ang pinakaseryosong pagtataksil sa Diyos; ito ay paglapastangan laban sa Diyos! Ang ganitong mga tao ay wala nang natitirang handog para sa kasalanan; sila'y mga taong itinakwil at lilipulin ng Diyos magpakailanman. Samakatwid, ang hindi pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang pagtanggi sa Cristo ng mga huling araw, at ang pag-ayaw tumanggap sa kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw—ito ay malinaw na katibayan ng pagkondena. Ang wakas ay ang paglubog sa kapahamakan at pagkawasak, na wala nang pag-asang maligtas ni makapasok sa kaharian ng langit. Ngunit yaong mga tunay na nananampalataya sa Diyos, nananabik sa pagpapakita ng Diyos, at tumatanggap sa paghatol at pagkastigo sa mga huling araw upang matamo ang pagdadalisay ay ang mga pinakamapalad na tao; sila ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos sa mga huling araw, na makakapasok sa susunod na kapanahunan kasama ang Diyos at magtatamasa ng walang hanggang kapahingahan..
Ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit nang matapos, at ang pintuan ng arka sa mga huling araw ay malapit nang magsara. Wala na tayong gaanong oras.
Ngayon, ang malalaking sakunang ipinropesiya sa Bibliya ay nagsimula nang bumagsak. Kung hindi sasalubungin ng isang tao ang Panginoon, siya ay mahuhulog sa mga sakuna. Ang mga darating na sakuna ay magiging mapanira: mga lindol, mga bagyo, pagputok ng bulkan, at iba pa. Isang sakuna ang dumarating at sumisira sa ilan, kasunod nito'y isa pang sakuna na muling wumawasak sa iba; bawat alon ng sakuna ay sumisira sa bawat alon ng mga tao. Sa huli, ang lahat ng hindi mananampalataya at mga taong gumagawa ng masama ay malilipol. Tanging yaong tumatanggap at nakakaranas ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at nakapagtamo ng pagdadalisay ang ililigtas ng Diyos sa gitna ng mga sakuna at makaliligtas. Lubusang tatalunin ng Diyos si Satanas at ganap Siyang luluwalhatiin, at ang anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos ay matagumpay na maisasakatuparan. Pagkatapos nito, ang bagong langit at bagong lupa—ang kaharian ni Cristo—ay lilitaw sa lupa. Ang mga makaliligtas ay magiging bayan ng Diyos, mamumuhay magpakailanman sa kaharian ng Diyos, at tatamasahin ang mga pangako at mga pagpapala ng Diyos. Sa kabaligtaran, kahit na tinanggap ng isa ang unang dalawang yugto ng gawain, nagdusa nang husto, at nagbayad ng malaking halaga, kung hindi tatanggapin ng isa ang huling yugto ng gawaing ito at hindi makakamit ang pagbabago sa disposisyon sa buhay, kung gayon hindi siya maliligtas. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Para sa gayong tao, ang paniniwala sa Diyos ay pagsuko sa kalahati, na ang lahat ng nakaraang pagsisikap ay nasayang. Napakalaking awa at panghihinayang! Panghuli, ibahagi natin ang isa pang sipi ng mga salita:
Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap.
Tanong , Ano ang Tatlong kapanahunan 📜✝️📕
1 Kapanahunan ng —-❓----
2 Kapanahunan ng —-❓----
3 Kapanahunan ng —-❓----
Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡
👇👇👇👇👇👇👇
Ano ang Pangalan ng Diyos sa kapanahunan ng Kautusan —-❓----🤔
Ano ang Pangalan ng Diyos sa kapanahunan ng Biyaya —-❓----🤔
Ano ang Pangalan ng Diyos sa kapanahunan ng Kaharian —-❓----🤔
Q-Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡
👇👇👇👇👇👇👇
🌼 Ano ang bagong pangalan ng Diyos sa kapanahonan ng kaharian?🤔
🤫Jehov
🤫Jesus
🤫Makapangyarihang Diyos
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Ito ay hindi isang karaniwang pag-aaral ng Biblia.
Bawat araw ay may bagong paksa, at ang bawat paksa ay naglalaman ng isang hiwaga na hindi mo pa naririnig. Bukas, pag-aaralan natin ang isang bagong paksa, at ang paksang ito ang pinakamahalaga sa walong paksang tatalakayin. Sa pakikinig mo sa paksa bukas, malalaman mo rin ang tunay na dahilan kung bakit natin isinasagawa ang sermon na ito.
Paksa Bukas: Narinig niyo na ba ang tinig ng Diyos?
🌹Sinabi ng Panginoong Jesus:
“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
“Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).
Makikita natin na kung tayo ay mga tupa ng Diyos, at kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong makinig sa tinig ng Diyos, at ang tinig ng Diyos ay tiyak na may kakaibang katangian. Kaya:
1. Ano ang mga katangian ng tinig ng Diyos?
2. Paano natin makikilala ang tinig ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon?
Ang paksang ito ay tungkol sa kung maaari kang maging isang matalinong dalaga para salubungin ang Panginoon, at tungkol din ito sa ating buhay na walang hanggan. Ang ilan sa inyo ay mas matanda pa sa akin. Masasabing may mga kapatid na nanampalataya sa Panginoon sa buong buhay nila at naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon sa buong buhay nila.
Hindi ba ninyo nais na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa inyong buhay?
Gusto niyo bang palampasin ang pagkakataong makilala ang Panginoon pagdating Niya? Talagang hindi.
Kaya kung ikaw ay isang taong matagal nang nananabik sa pagbabalik ng Panginoon, kung nais mong maging isang matalinong dalaga upang masalubong Siya, kung ayaw mong maging isang mangmang na dalaga at mapalampas ang pagbabalik ng Panginoon, at kung nais mong malaman kung ikaw ay kabilang sa mga tupa ng Diyos, sumali ka sa pulong bukas at malalaman mo ang sagot.
Gaano man tayo kaabala, taos-puso kong inaasahan na hindi dapat palampasin ng lahat ang fellowship bukas. Kaya't idinadalangin ko na buksan ng Diyos ang daan para sa bawat isa sa inyo upang magkaroon ng pagkakataong makadalo muli sa fellowship bukas. Maririnig ninyo ang isang balitang kapwa nakakagulat ngunit lubos na nakapagbibigay ng kagalakan.
Dadalo ka ba bukas?
I
Ang anim na libong taong gawain ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto:
Kapanahunan ng Kautusan, ng Biyaya,
at ng Kaharian.
Lahat ay para iligtas ang tiwaling mga tao at labanan si Satanas,
kapwa nahahati sa tatlong yugto ng gawain.
Itong pakikipaglaban kay Satanas ay para sa kaligtasan ng tao,
'di kayang magtagumpay sa isang yugto, kaya't ang laban ay nasa mga yugto.
Ang pakikipagdigma kay Satanas ay ayon sa pangangailangan ng tao
at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas.
Ang gawain sa pagliligtas ng tao'y nahahati sa tatlong yugto,
gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas.
Ngunit ang resulta ng laban
ay galing sa pagbibiyaya sa tao,
pagiging handog sa kasalanan, paglupig at pagpeperpekto sa tao.
II
'Di armas ang gamit ng Diyos laban kay Satanas,
bagkus gumagawa sa buhay ng tao't nagliligtas,
binabago'ng disposisyon ng tao upang sila'y makapagpatotoo sa Kanya.
At ganito magagapi at mapapahiya si Satanas.
Kapag ito'y naigapos na, maliligtas na ang tao.
Ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikipaglaban kay Satanas,
ang laban na pinakita sa pagliligtas ng tao.
Ang yugto ng mga huling araw kung kailan tao'y malulupig
ay ang huling yugto ng digmaan,
ganap na nililigtas ang tao mula kay Satanas.
Kapag tao'y napalaya sa kamay ni Satanas, si Satanas ay mapapahiya.
Ang tao ay mababawi, si Satanas ay magagapi.
Ang tao'y magiging mga samsam at si Satanas ay parurusahan.
Ang gawain ng pagliligtas sa tao ay ganap na matutupad.
Ang gawain sa pagliligtas ng tao'y nahahati sa tatlong yugto,
gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas.
Ngunit ang resulta ng laban
ay galing sa pagbibiyaya sa tao,
pagiging handog sa kasalanan, paglupig at pagpeperpekto sa tao,
paglupig at pagpeperpekto sa tao, paglupig at pagpeperpekto sa tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan