🏮📯Lukas 12:40 Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang 𝘼𝙉𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙊 ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.
🏮📯(Lucas 17:24-25). "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang 𝘼𝙉𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙊 sa kaniyang *kaarawan.* Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito."
“Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15),
📜“Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya” (Pahayag 1:7).
Mga kapatid, pagkatapos manalig sa Panginoon sa loob ng maraming taon, ang pinakadakilang pag-asa natin ay ang masalubong ang Panginoon. Lalo na ngayon sa mga huling araw, kung kailan dumarami ang mga sakuna at marami na sa mga propesiya tungkol sa pagdating ng Panginoon ang natupad, maraming tao ang lalong nababahala, na nananabik sa pagbabalik ng Panginoon. Ang ilang mga kapatid ay nag-aayuno at nananalangin para rito, taimtim na tumatawag sa Panginoon. Mga kapatid, nananabik din ba kayo sa pagbabalik ng Panginoon? Handa ba kayong maging isang matalinong dalaga at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ngunit alam niyo ba ang landas sa pagsalubong sa Panginoon?
Sinabi ng Panginoong Jesus,
📖“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
📖“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
Sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoong Jesus, natagpuan na ba ninyo ang daan upang masalubong ang Kanyang pagbabalik? — Ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang kakayahang makilala ang tinig ng Diyos.
Lalo na sa Aklat ng Pahayag, pitong beses na nagpropesiya ang Panginoon: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Maliwanag na ang kakayahang makinig sa tinig ng Diyos ay napakahalaga! Kung hindi natin bibigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos, at sa halip ay mananatili tayo sa sarili nating mga kuru-kuro at imahinasyon habang naghihintay na dumating ang Panginoon, matutulad tayo sa mga hangal na dalaga—mapapalagpas natin ang pagkakataong masalubong ang Panginoon at mahuhulog tayo sa kapahamakan, umiiyak at nangangalit ang mga ngipin. Maaaring magtanong ang ilan, “Ano ang mga katangian ng tinig ng Diyos? Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos at masasalubong ang Kanyang pagbabalik?” Napakahalaga ng mga tanong na ito. Kaya sa sermon natin ngayon, ito mismo ang ating magiging pokus. Ang sermon na ito ay may kinalaman sa kung matutugunan ba natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at may kaugnayan din ito sa kapalaran ng bawat isa sa atin. Nawa’y makinig ang lahat hanggang sa dulo, at tunay na makakarinig kayo ng mabuting balitang kailanma’y hindi ninyo pa naririnig noon.
Review:
Ngayon, ang lahat ng nananampalataya sa Panginoon ay sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Karamihan sa mga tao ay naniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan nang pagbaba sa isang ulap. Gayunman, ayon sa mga propesiya ng Panginoong Jesus sa Bibliya, ang Panginoon ay babalik bilang Anak ng tao upang ipahayag ang Kanyang mga salita, sapagkat maraming ulit na ipinropesiya ng Panginoon na darating ang Anak ng tao, na magpapakita ang Anak ng tao. Ang pagdating ng Anak ng tao ay tumutukoy sa Diyos na nagkakatawang-tao upang magpakita at gumawa. Ito ang pinakadalisay na pagkaunawa. Ang pagdating at pagpapakita ng Anak ng tao ay isang malaking misteryo.
Maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, ngunit karamihan sa mga ito ay ipinahayag ng tao, tulad ng mga apostol, mga propeta, at habang ang ilan ay nagmula sa mga anghel. Karamihan sa mga tao ay umaasa sa mga propesiya ng tao at umaasa sa hayagang pagbabalik ng Panginoon sa mga ulap. Ngunit sa katunayan, ang pagbabalik ng Panginoon ay ang pinakatagong bagay.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36).
Dahil walang nakakaalam ng araw at oras na iyon, kahit na ang mga anghel sa langit, ngunit ang Diyos lamang ang nakakaalam, kung gayon, kung nais nating masalubong ang Panginoon, dapat tayong umasa sa mga propesiya ng Panginoong Jesus Mismo. Saka lamang tayo magkakaroon ng pag-asa na masalubong ang Panginoon. Ang mga taong matigas ang ulo na kumakapit sa paniniwalang bababa lamang ang Panginoon sa mga ulap ay tiyak na mahuhulog sa kapahamakan, umiiyak at nagngangalit ang kanilang mga ngipin.
“Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰” (Mateo 24:27).
“Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).
“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan … at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).
“Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).
Ano ang makikita natin sa mga propesiyang ito ng Panginoong Jesus? Ang Kanyang mga salita ay malinaw na nagsasabi sa atin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay darating bilang Anak ng Tao. Ang “Anak ng Tao” ay tumutukoy sa katunayan sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay magsalita, magpahayag ng maraming katotohanan, at gabayan ang mga taong hinirang ng Diyos sa lahat ng katotohanan. Kaya, anong gawain ang gagawin ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan? Ito ay ang isagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at gawin ang gawain ng ganap na pagliligtas sa sangkatauhan.
Pagsasakatuparan ng Gawain ng Paghatol
“Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay Siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).
1 Pedro 4:17: “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.”
Mga Awit 96:13: “Sa harap ng Panginoon; Sapagka't Siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, At ng Kaniyang katotohanan ang mga bayan.”
Ito ay higit na nagpapatunay na sa mga huling araw, ang Diyos ay magkakatawang-tao sa pangalawang pagkakataon upang isagawa ang gawain ng paghatol, na nagpapahayag ng katotohanan upang hatulan at dalisayin ang mga tao. Ang Diyos ay unang nagkatawang-tao at pumarito nang lihim, bilang Anak ng tao na nagpapahayag ng katotohanan, upang hatulan at dalisayin ang mga tao, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna.
Matapos makumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at madalisay ang mga tunay na naniniwala sa Kanya, Siya ay hayagan nang magpapakita sa lahat ng mga bansa at mga tao sa pamamagitan ng pagparito sa mga ulap. Sa panahong iyon, ang gawain ng paghatol at pagliligtas sa sangkatauhan ay matatapos na. Gagawin ng Diyos ang gawain ng paggantimpala sa mabubuti at pagpaparusa sa masasama. Lahat nang tumatangging tanggapin ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kokondenahin at lilipulin. Sa panahong iyon, matutupad ang propesiya ng Panginoon na bumababa sa isang ulap.
Pahayag 1:7: “Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.”
Ang Panginoon ay dumarating sa dalawang paraan:
Una, Siya ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at magsagawa ng Kanyang gawain sa lihim. Pagkatapos, Siya ay hayagang magpapakita sa isang espirituwal na katawan sa mga ulap.
Kaya, paano natin masasalubong ang Panginoon? Bakit paulit-ulit na sinabi ng Panginoon na dapat nating bigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos upang masalubong Siya?
Una, kailangan nating maging malinaw: Kung ang Panginoon ay tunay na bumalik sa pamamagitan nang pagbaba sa isang ulap mula sa langit, makikita Siya ng lahat, kung gayon ay wala nang pangangailangang pakinggan ang tinig ng Diyos; maaari na lamang maniwala ang mga tao batay sa nakikita ng kanilang mga mata.
Dahil ang Panginoon ay unang darating sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao, at ang Anak ng tao ay magkakaroon ng karaniwang at normal na hitsura, na walang anumang supernatural sa panlabas. Iyon ang dahilan kung bakit walang sinuman ang makakakilala sa Kanya bilang Diyos sa pamamagitan nang pagtingin lamang sa Kanyang panlabas na hitsura.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
Ang Aklat ng Pahayag ay paulit-ulit na nagpropesiya, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag kabanata 2 at 3). Ang pariralang ito ay inuulit ng pitong beses
🔔Samakatuwid, ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang marinig ang tinig ng Diyos, upang makilala kung ang pagbigkas ng Anak ng tao ay ang tinig ng Diyos. Ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at nagbubukas ng pinto para sa Panginoon ay masasalubong Siya. Kung ang Panginoon ay nagpapahayag ng katotohanan ngunit ang mga tao ay nagbibingi-bingihan, hindi nila magagawang salubungin ang Panginoon. Ngayon, alam niyo ba kung ano ang susi sa pagsalubong sa Panginoon? Upang masalubong ang Panginoon, dapat nating hangarin na “marinig” ang tinig ng Diyos.
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, nang sumunod ang mga disipulo sa Panginoong Jesus, sa simula ay hindi nila alam na Siya ang Mesiyas. Kahit si Pedro ay hindi alam, at tinawag lamang Siya na "Guro." Pagkatapos lamang Niyang sundin ang Panginoon, marinig ang Kanyang mga salita nang may awtoridad at kapangyarihan, at naliwanagan ng Banal na Espiritu na nakilala Siya ni Pedro bilang ang darating na Mesiyas mula sa Kanyang mga salita. Sinabi ni Pedro:“Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:68). Mula rito, makikita na ang paraan upang makilala ang Diyos ay ang pakikinig sa Kanyang tinig
Kaya, ang susi sa pagtanggap sa Panginoon ay ang marinig ang tinig ng Diyos. Ang susi ay pakinggan kung ang tinig ng Anak ng tao ay ang tinig ng Diyos. Ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at nagbubukas ng pinto para sa Panginoon ay tatanggapin ang Panginoon. Kung ang Panginoon ay nagpapahayag ng katotohanan ngunit ang mga tao ay nagbibingi-bingihan, hindi nila magagawang tanggapin ang Panginoon
Kaya ano ang susi para masalubong ang pagbabalik ng Diyos, ?
A- 👀Makita Ang Diyos ng personal gamit ang anting mga mata.👀
B- 👂Makinig sa tinig ng Diyos gamit ang ating mga tenga👂
C- Hindi ko alam 🫣
Ang sagot Tamang sagot ay 👏 👉B- Makinig sa tinig ng Diyos 🎊🎉 👏🗝️
Ano ang tinutukoy ng “tinig” na ito?
— —Ang tinig na ito ay hindi pisikal na tunog ngunit tumutukoy sa maraming katotohanang ipinahayag ng Panginoon sa Kanyang muling pagparito. Ito ay mga katotohanan na hindi pa naririnig ng mga tao, at ang mga ito ay mga salita na hindi nakatala sa Bibliya.
Bakit ang pakikinig sa mga katotohanang hindi kailanman narinig noon ay kumakatawan sa pagsalubong sa Panginoon? Sabay-sabay nating pag-isipan ang ilang katanungan.
Saan nagmumula ang katotohanan? Sino ang makapagpapahayag ng katotohanan? Kaya bang ipahayag ng tao ang katotohanan? Kaya bang ipahayag ni Satanas ang katotohanan? Kaya bang ipahayag ng mga pastor, matatanda, o siyentipiko ang katotohanan?
—Hindi, ang Diyos lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan; lahat ng katotohanan ay nagmumula sa Diyos. Gaya ng sinasabi sa Bibliya:
“Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos” (Juan 1:1).
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
“Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao” (Ang Salita, Vol. 1 Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).
Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos, at tanging ang Diyos lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan. Walang taong makapagpapahayag ng katotohanan. Tingnan ang lahat ng mga sikat at magagaling na mga tao, at ang mga pinaka-ginagalang na mga siyentipiko sa mundo—sino sa kanila ang makapagpapahayag ng katotohanan? Wala ni isa! Kaya, kung talagang nauunawaan mo ang katotohanang ito na ang Diyos lamang ang katotohanan, ang Diyos lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, at walang tao, si Satanas, o ang masamang espiritu ang makapagpapahayag ng katotohanan, kung gayon maaari kang maniwala na kahit na itong Anak ng tao na nagpapahayag ng katotohanan ay mukhang karaniwan, Siya nga ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagsasakatawan ng katotohanan, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos.
Kaya, ano ang katotohanan?
“Ang katotohanan ang pamantayan para sa asal, mga kilos, at pagsamba ng tao sa Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Hinihimok Nila ang Iba na sa Kanila Lang Magpasakop, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikatlong Bahagi)).
“Ang Diyos Mismo ang buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan” (Ang Salita, Vol. 1 Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Ang Diyos Mismo ay nagtataglay ng katoto-hanan, at Siya ang pinagmumulan ng katotohanan. Bawa't positibong bagay at bawa't katotohanan ay nagmumula sa Diyos. Maaari Siyang humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay at lahat ng kaganapan; maaari Siyang humatol sa mga bagay na nangyari, mga bagay na nangyayari ngayon, at mga bagay sa hinaharap na hindi pa alam ng tao. Siya ang tanging hukom na maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay, at ang ibig sabihin niyan ay Siya lamang ang maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay. Alam Niya ang mga panuntunan para sa lahat ng bagay. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan, na nangangahulugan na Siya Mismo ay nagtataglay ng diwa ng katotohanan….. Ano ba talaga ang diwa ng pinakalarawan ng katotohanan? Ito ang pinagmumulan na naglalaan ng katotohanan, ang pinagmumulan ng pamamahala at pamumuno sa lahat ng bagay, at ito rin ang mga pamantayan at panuntunan kung saan lahat ng bagay at kaga-napan ay hinahatulan. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan.
Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos; ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos; ang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos; ito ang hinihingi ng Diyos na taglayin ng tao at ang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao bilang buhay. Ang mga salita lamang na ipinahayag ng Diyos ang katotohanan. Ang lahat ng mga salita na ipinahayag ng Diyos sa bawat kapanahunan ay katotohanan, dahil ang diwa ng Diyos ay katotohanan, kaya ang mga salitang Kanyang sinasambit ay katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay maaaring maging buhay ng tao, maaaring gumabay sa sangkatauhan kung paano mabuhay, at magbigay-daan sa sangkatauhan na mamuhay sa liwanag at sa harap ng Diyos. Samakatuwid, ang mga salita ng Diyos ay pawang katotohanan; ang mga ito ay mga positibong bagay na hindi nagbabago.
1) Ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay naghahayag ng disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, makikita niyo ang disposisyon ng Diyos, katuwiran, kabanalan, pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos, at iba pa.
2) Ang mga prinsipyo kung saan ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay ay higit na katotohanan. Halimbawa, kung paanong ang Diyos ang may kapangyarihan sa sansinukob at sa lahat ng bagay, kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa materyal na mundo at sa di-nakikitang espirituwal na mundo, at kung paanong Siya ang nagtatakda ng mga hantungan at mga tadhana ng lahat ng uri ng tao.
3) Ang mga misteryong ibinunyag ng Diyos ay katotohanan din.
4) Ang lahat ng mga kinakailangan ng Diyos para sa tao ay katotohanan din. Halimbawa, ang mga batas na ipinahayag sa tao ni Jehova ay katotohanan, at ang mga turo ng Panginoong Jesus sa tao na maging matapat at magpatawad ay katotohanan din.
Bakit natin sinasabi na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan? Kung kikilos ka ayon sa mga salita ng Diyos at maaabot ang pamantayan ng mga salitang iyon, maaari kang maligtas, pagpalain ng Diyos, at magtamo ng buhay na walang hanggan. Halimbawa, kung isasabuhay mo ang mga salita ng Diyos at magiging tapat na tao, pagpapalain ka ng Diyos at magkakaroon ng magandang kalalabasan at destinasyon. Kung isa kang mapanlinlang na tao, masusumpa ka. Kahit na matapos ang isang milyon o isang daang milyong taon, ang mga tapat na tao ay ang mga taong nais ng Diyos. Ang katotohanang ito ay hindi magbabago kailanman; ito ay tinatawag na katotohanan. Ang katotohanan ay walang hanggan at hindi nagbabago; ito ay palaging mananatiling matatag, at walang sinuman ang maaaring lumabag dito. Ang bawat salitang binigkas ng Diyos ay maisasakatuparan at matutupad. Ito ay nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Hindi alintana kung matatanggap ng sangkatauhan ang katotohanan o hindi, ang katotohanan ay isang walang hanggang batas na walang sinuman ang maaaring lumabag. Ang sinumang lumabag o lumaban dito ay mapapahamak. Samakatuwid, ang katotohanan ay isang positibong bagay na umiiral magpakailanman; ito ang realidad ng lahat ng positibong bagay.
Kaya, ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay ang pagsalubong sa Anak ng tao na kayang magpahayag ng lahat ng katotohanan. Hangga't ipinapahayag Niya ang katotohanan, Siya ang nagbalik na Panginoon. Dahil tanging ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ang makapagpapahayag ng katotohanan, at si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6). Sinasabi nito sa mga tao na kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na nagpakita ang Diyos, gumagawa ng Kanyang gawain, at nagpapahayag ng maraming katotohanan, dapat nating hanapin kaagad at tingnan kung ang mga salitang ito ay mga salita ng Diyos. Kung ito ay katotohanan, dapat natin itong tanggapin at magpasakop dito, dahil naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Sa sandaling marinig nila ang mga salita ng Diyos, nararamdaman nila na ito ay katotohanan, na puno ng awtoridad at kapangyarihan, at pakiramdam nila na ang mga salitang ito ay malalim, mga misteryo, at hindi isang bagay na maipapahayag ng tao. Sa gayon, malalaman nila mula sa kanilang mga puso na ang mga salitang ito ay mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, ang tinig ng Diyos. Ganito naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at nasasalubong ang Panginoon. Tungkol sa mga nagsasara ng kanilang mga pinto at kumakapit sa mga luma nilang paraan, ang mga nakaririnig ng isang taong nagpapatotoo na nagbalik ang Panginoon ngunit hindi nagsisiyasat o tinatanggap ito, ang mga taong iyon ay nakatakdang hindi marinig ang tinig ng Diyos at hindi masasalubong ang Panginoon. Sila ay magiging mga mangmang na dalaga, na iiwan ng Panginoon, at maaari lamang umiyak at magngalit ang kanilang mga ngipin sa malalaking sakuna.
Sa puntong ito, maaaring magtanong ang ilang tao, “Kung gayon, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos?” Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Diyos“ (Juan 8:47). Sa katunayan, ang marinig ang tinig ng Diyos ay hindi isang mahirap na bagay. Pag-isipan ito: kapag naniniwala tayo sa Panginoong Jesus at naririnig natin ang maraming salitang Kanyang binigkas, ano ang ating nararamdaman? Bagamat wala pa tayong masyadong pang-unawang batay sa karanasan sa mga salita ng Panginoon, sa sandaling marinig natin ang mga ito, nadarama natin na ang mga ito ay katotohanan, na may awtoridad at kapangyarihan ang mga ito, at nadarama nating ang mga salitang ito ay malalalim, mga misteryo, at hindi maaarok ng tao. Ito ay epekto ng espirituwal na intuwisyon at panloob na pakiramdam. Hindi ito nakadepende sa kung gaano kaedukado ang isang tao, gaano karaming kaalaman sa Bibliya ang kanilang nauunawaan, o gaano kalalim ang kanilang karanasan. Hindi mahalaga kung maipaliwanag natin ito nang malinaw, ang pakiramdam na ito ay tumpak. Sapat na itong patunay na kung ang isang tao ay may puso at kaluluwa, kaya niyang madama ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos. Ganyan ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Upang palalimin pa ito nang kaunti, ano pa ang mga katangiang taglay ng mga salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng panustos para sa buhay; inihahayag nila ang mga misteryo, binubuksan ang isang bagong kapanahunan, at tinatapos ang lumang kapanahunan. Kung paanong ang Panginoong Jesus ay nakapagpahayag ng mga katotohanan sa anumang oras at anumang lugar upang magpastol, magdilig, at magtustos sa mga tao; inihayag din ng Panginoon ang mga misteryo ng kaharian ng langit, dinala sa sangkatauhan ang daan ng, “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit,” binuksan ang Kapanahunan ng Biyaya, tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, at kinumpleto ang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan. Ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng sinumang tao. Hindi ba ganoon ang kaso?
Mga Katangian ng Tinig ng Diyos:
🌹 Ang mga salita ng Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad.
🌹 Ang mga salita ng Diyos ay kayang magbunyag ng mga misteryo.
🌹 Ang mga salita ng Diyos ay kayang ilantad ang ating katiwalian, dalisayin at iligtas tayo, at bigyan tayo ng buhay.
Tama C: Sa pakikinig sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw at pakikinig sa tinig ng Diyos, mapapatunayan natin na ang Diyos ay nagbalik na
🌹 Ang salita ng Diyos ay maaaring magbunyag ng katiwalian ng tao, kanilang iniisip at mga intesyon.
Ang pag uusap ni Jesus at ang babeng samaritana.
https://www.youtube.com/watch?v=4sh3q-nNInA
🌺🌺 READ:🌺🌺
(Pahayag 5:1-5) *"At nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak. At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpapahayag sa malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?” At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat o makatingin man sa loob nito. Ako'y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito. At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.
(Daniel 12:8-10)“Humayo ka sa iyong lakad, Daniel; sapagkat ang mga salita ay mananatiling lihim at natatakan hanggang sa panahon ng wakas. Marami ang dadalisayin, lilinisin, at papuputiin, ngunit ang masasama ay magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan. Walang sinuman sa masasama ang makakaunawa; ngunit ang mga pantas ay makakaunawa.
Q 😇: Saan makikita ang mga bagong salita ng Makapangyarihang Diyos na bumalik..?
🅰️: Nasa Bibliya ang mga bagong salita ng Diyos
🅱️: Nasa selyadong aklat ang mga bagong salita ng Diyos
Ang tamang sagot ay 🅱️: Sa selyadong aklat na bubuksan
📚🖋Pahayag 5:1 " Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatang nakabalumbon, na may sulat sa loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
Q 😇: Kapag ang selyadong aklat Ay binuksan at nabasa na natin Ibig sabihin ba ay.?
🅰️; Ang Diyos ay nakabalik na dahil bukas na ang aklat at nabasa na natin.😇
🅱️; hindi pa kahit bukas na ito. 😲
Ang tamang sagot ay🅰️; Ang Diyos ay nakabalik na, dahil wala naman makakapag bukas ng aklat na ito tanging ang Diyos lang na nagbalik..
At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan” (Pahayag 14:6).
Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa "Bundok ng mga Olivo" ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang "sanggol" na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin! 🌾🌾
(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.
Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”)
“Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos
“Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan.”
“Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita.” “Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin.”
🤔🤔Pag-isipan natin: Sino ang maaaring makipag-usap sa buong sangkatauhan?
Sino ang makapagsasabi ng layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa sangkatauhan?
Sino ang makakapagpasiya ng kahihinatnan ng tao?
Sino ang makakakontrol sa buhay at kamatayan ng tao?
Sino ang maaaring makontrol ang mga bituin sa uniberso at magkaroon ng soberanya sa lahat?
Sino ang maaaring ihayag sa publiko sa sangkatauhan ang plano at pagsasaayos ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang kahihinatnan at destinasyon ng sangkatauhan nang maaga?
Sino ang makapagsasapubliko ng mga administratibong kautusan ng Diyos sa buong sansinukob?
Masasabi ba ng mga siyentipiko ang mga salitang ito? Masasabi ba sila ng mga literaturang pigura? Masasabi ba ng mga pangulo at pinuno ang mga salitang ito? Masasabi ba sila ng mga doktor ng teolohiya? ... Wala bang makakapagsabi ng mga ganyang salita? Walang makakagawa nito maliban sa Diyos
Ngayon, isipin natin ang isang tanong: Dahil dumating na ang mga bagong salita ng Diyos, at nabasa na ang mga ito nakabalik na din kaya ang Diyos?
😍Oo nakabalik na siya
🤔Hindi pa malapit na
Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay nagbalik at nagsalita ng humigit-kumulang sampung milyong salita ng katotohanan. Ang mga salitang ito ay ang selyadong aklat na binuksan ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na binubuksan ang lahat ng katotohanan at misteryo na hindi natin naunawaan noon. Maaaring hindi alam ng ilang tao kung ano ang ibig sabihin ng 10 milyong salita. Sa katunayan, ang buong Bibliya ay mayroon lamang mga 800,000 salita. Ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ngayon ay kasing dami na ng pito o walong Bibliya. Ito ang eksaktong katuparan ng inihula ng Panginoong Jesus:“
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan … at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).
Ngayon ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanang ito at ginagabayan tayo sa lahat ng katotohanan, at kapag ginabayan tayo sa lahat ng katotohanang ito, gagawin tayong mga mananagumpay ng Diyos, magiging mga unang bunga, at matatamo ng Diyos. Pagkatapos ay dadalhin tayo ng Diyos sa susunod na kapanahunan, takasan ang pagdurusa ng kapighatian, at papasok sa kaharian ng Diyos.”
Kaya ano nga ba ang nilalaman ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Tignan natin.
Ibinunyag ng Diyos ang maraming misteryo. Halimbawa
🟠Ang misteryo ng 6000-taong plano ng pamamahala ng Diyos
🟠Ang misteryo ng pangalan ng Diyos
🟠Ang misteryo ng pagkakatawang-tao
🟠Paano ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan
🟠Sino ang inililigtas ng Diyos at sino ang inaalis
🟠Paano binubuo ng Diyos ang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna
🟠Ang kahihinatnan at destinasyon ng sangkatauhan sa hinaharap
🟠Paano lumitaw ang kaharian ni Cristo
🟠Paano lutasin ang problema ng pagkakasala
🟠Paano bumuo ng normal na relasyon sa Diyos
🟠Paano matamo ang gawain ng Banal ng Espiritu
🟠Paano matamo ang tunay na pagsisisi
🟠Paano matamo ang tunay na pagmamahal sa Diyos
🟠At marami pang iba
Daniel 12:4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
“Sasabihin Ko ito sa inyo kapag binuksan Ko na ang Aking balumbon sa mga huling araw. (‘Ang balumbon’ ay tumutukoy sa lahat ng salita na nasabi Ko na—ang Aking mga salita sa mga huling araw; napapaloob dito ang lahat ng mga ito.)”
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 110
“Walang sinumang direktang makakaunawa sa kalooban ng Diyos, maliban kung ang Diyos Mismo ang nagpapaliwanag at naghahayag nito sa tao; kung hindi, mananatili ang mga yaon na palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang sarado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa mundo ng relihiyon; kung hindi kayo nasabihan ngayon, hindi rin kayo makakaunawa. Ang gawaing ito ng anim na libong taon ay higit na misteryoso kaysa lahat ng propesiya ng mga propeta. Ito ang pinakadakilang misteryo simula noong paglikha hanggang ngayon, at walang sinuman sa mga propeta ang nagawa kailanman na arukin ito, sapagkat ang misteryong ito ay inilalantad lamang sa panghuling kapanahunan at hindi pa kailanman nabunyag noong una. … Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malantad upang pahintulutan ang tao na masukat ang lalim ng mga ito at magkaroon ng lubos na malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Saka lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri.”
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Sabi ng Makapangyarihang Diyos “Ang gawain na Akin nang pinamamahalaan nang libu-libong taon ay ganap na nabubunyag sa tao sa mga huling araw lamang. Ngayon Ko lamang nailantad sa tao ang buong misteryo ng Aking pamamahala, at batid na ng tao ang layunin ng Aking gawain at, bukod dito, ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. Nasabi Ko na sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Nabuksan Ko na para sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo, mga misteryo na nakatago nang mahigit 5,900 taon” (“Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Kung hindi bumalik ang Diyos, sino ang kayang magpahayag ng mga bagong salitang ito para sa atin at buksan ang selyadong aklat? Sino ang may kakayahang buksan ang kabuuan ng misteryo ng kaharian ng langit sa sangkatauhan? Sino ang makakapagsabi sa atin ng kalalabasan at destinasyon ng sangkatauhan sa hinaharap? Ang mga misteryong ito ay Diyos lamang ang nakakaalam, at sa pagbabalik lamang ng Diyos mabubuksan ang mga misteryong ito.
Ngayon ang selyadong aklat ay nabuksan, ano ang ibig nitong sabihin? Pinatutunayan nito na ang Diyos ay nagbalik na sa ikalawang pagkakataon. Ang napakaraming pagbigkas ng Diyos ang napakahusay na ebidensiya na ang Diyos ay nakabalik na, at ito ay sapat upang ipakita na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus!
Mga kapatid, dama kong lubos akong pinagpala! Nasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon at natanggap ang lahat ng katotohanan pinahayag ng Diyos sa mga huling araw. Mayroon tayong pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit. Ang lahat ng ito ay inorden ng Diyos. Pasalamatan at purihin natin ang Panginoon. Ngayong araw, binahagi ko sa inyo ang ebanghelyo at nagpatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik. Tinutupad nito ang propesiyang sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
📕“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).
📕“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
📕“At binigyan niya Siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t Siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).
📕“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48)
Ginawang malinaw ng mga propsesiya: Ang paghatol ay nagsisimula sa sambahayan ng Diyos at ginagawa sa lahat ng taong tumanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang ibig sabihin ay ang Anak ng tao ay bumaba na sa lupa, nagpapahayag ng maraming katotohanan upang hatulan at linisin ang mga tao, at ginagabayan ang mga taong pinili ng Diyos patungo sa katotohanan. Ito ang gawain ng paghatol ng Tagapaglistas sa mga huling araw, ito ay plinano ng Diyos matagal nang panahon. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng sampung milyong salita, ng mga katotohanan ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang kompletong gawain ng mga salita na nakakapaglinis at nakaliligtas sa sangkatauhan
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao, at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin.
(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan)
Ngayon, ang nagkatawang-taong Anak ng tao, ang Makapangyarihang Diyos, ay dumating na at bumigkas ng maraming salita ng katotohanan na kailangan upang linisin at iligtas ang sangkatuhan, na nagpayanig sa buong mundo at sa lahat ng relihiyon at denominasyon. Parami ng parami ang mga taong nakinig sa tinig ng Diyos at nagsisiyasat sa tunay na daan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, unti-unting mababago ang disposisyon ng tao, at sila ay nagpatotoo ng mga karanasan kung paano nalinis ang kanilang kasalanan.
Nandito ang mga larawan: 👇
Mga kapatid, pag-isipan natin ito: Sino ang may kakayanang ilantad ang ugat ng epagkakasala ng sangkatauhan? Sino ang may kakayahang makagawa ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng nagkatawang-taong Diyos, sino ang may kakayanang malinis at iligtas ang sangkatauhan? Walang sino man! Sino ang may kakayahang ipakita ang kabanalan at pagkamakatuwirang disposisyon ng Diyos, na hindi nalalabag? Tanging ang nagkatawang-taong Diyos. Walang ibang makagagawa nito kundi ang nagkatawang-taong Diyos. Mula sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, nakumbinsi tayo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang praktikal na nagkatawang-taong Diyos, ang pagpapakita ng Cristo na tagapagligtas sa mga huling araw!
Ang Diyos ay kasing buti ng kanyang mga salita, at ang mga salita niya ay matutupad. Sa katunayan, ang mga salitang ito ay natupad na. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Panginoong Jesus na nagbalik sa laman, ay opisyal na nag-umpisang bigkasin ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol pasimula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw, na tumutupad sa propesiya ng Panginong Jesus.
Ang Makapangyarihang Diyos ay tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya at inumpisahan ang Kapanahunan ng Kaharian, dinadala ang ebanghelyo ng pagdating ng kaharian ng langit. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap sa iba't-ibang bansa sa buong mundo at naisalin sa dose-dosenang lenggwahe, na nagdudulot na maabot ang buong sangkatauhan. Ang ebanghelyo ng kaharian ay naabot ang maraming bansa sa ibayong dagat, kasama dito ang United States, Canada, Ukraine, France, Germany, Italy, Spain, South Korea, Pilipinas, at marami pang iba. Ang lahat ng tumanggap ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay dumalo sa pista ng Kordero at nag-umpisang mamuhay ng kaharap ang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagtutubig at pagpapastol, at ng paghatol at paglalantad ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nakatamo sila ng bagong pagkaunawa sa gawain ng Diyos at nakita ang katunayan ng kanilang katiwalian mula kay Satanas. Sila ay tunay na nagsisisi, kinasusuklaman ang kanilang sarili, at nag-umpisang isagawa ang katotohanan. Ang kanilang tiwaling diposisyon ay nabago, at sila ay nagkaroon ng maraming patotoo ng karansan kung paano nalilinis mula sa kurapsiyon. Ito ang ebidensiya na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nakagawa na ng grupo ng mananagumpay. Ang mga patotoo ng karanasan mula sa mga taong pinili ng Diyos mula sa iba't-ibang pelikula at videos na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nailathala online. Maraming mga tao na nauuhaw sa katotohanan na sinserong naniniwala sa Diyos ang nakakita sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa iba't-ibang patotoo ng karanasan mula sa mga taong pinili ng Diyos. Mula sa paghahanap at pag-iimbestiga, nakumpirma nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Naunawaan nila na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan, tinanggap nilang lahat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, dinala sila sa harap ng trono ng Diyos, tinanggap ang gawain ng paghatol at paglilinis sa harap ng luklukan ni Cristo, at dumalo sa pista ng Cordero.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hinilingan Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi Ko siya kinilala at nakadama ng pagkamuhi para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinangad ang paraan ng mga mangkukulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, sa gayon nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako'y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang.
🎈🎀🎊Maaaring magkaroon ng kalituhan ang ilang mga kapatid: malinaw na naitala ng Bibliya:📜 “Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36).
Walang nakakaalam kung kailan eksaktong darating ang Panginoon, ngunit nagpapatotoo ka na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, kung gayon paano mo malalaman ito?
Naniniwala ang ilang kapatid, batay sa talatang ito ng Biblia, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam,” na kapag nagbalik nga ang Panginoon, walang makakaalam. Ito ang dahilan kung bakit wala sa kanila ang naniniwala o nagsasaalang-alang sa mga sinasabi ng mga taong nagpapalaganap ng balita ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ba ay talagang tamang pagkaunawa, o hindi? Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon? Minsang inihula ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Makikita natin mula sa mga talatang ito ng banal na kasulatan na pagkatapos bumalik ng Panginoon sa mga huling araw, kakatok Siya sa ating pintuan gamit ang Kanyang mga salita, at palalabasin pa tayo upang batiin Siya sa pamamagitan ng isang sigaw ng tao na, “narito ang kasintahang lalaki.” Dahil mayroong mga taong ibinabalita sa atin ang pagbabalik ng Panginoon, ipinapakita nito na kapag dumating Siya, tiyak na ipaaalam Niya sa mga tao. Kaya paano natin talaga dapat intindihin ang siping ito ng banal na kasulatan? Maaari nating pag-ugnay-ugnayin ang mga talatang ito:
“Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). At sinasabi sa Pahayag 3:3, “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.”
Gumagamit ang mga siping ito ng mga tanda ng pagbabalik ng Panginoon upang sabihin sa atin. Binabanggit ng mga ito na “paririto ang Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Ang “Anak ng tao” ay talagang tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao; ang espirituwal na katawan ay hindi matatawag na Anak ng tao. Isang tao lamang na tulad ng Panginoong Jesus—ang Espiritu ng Diyos na nakasuot ng katawang-tao, na dumating kasama ng mga tao upang gumawa ng napakapraktikal na gawain, na nagtataglay ng normal na katauhan—ang maaaring tawaging Anak ng tao. Ang “gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na pagdating nang patago at palihim. Maliwanag mula rito na ang pagbabalik ng Panginoon ay kinapapalooban ng lihim na pagbaba sa katawang-tao bilang Anak ng tao. Dahil bumababa Siya nang lihim, hindi natin Siya madaling mapapansin, sapagkat ang araw at oras ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay hindi alam ng lahat. Ang ibig sabihin, ang “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam,” ay nangangahulugan na walang nakakaalam ng eksaktong oras ng pagbabalik ng Panginoon. Gayunpaman, pagkatapos na Siya ay dumating upang magsalita at gumawa ng gawain, tiyak na magkakaroon ng ilang tao na nakakaalam nito, at ito ang panahon kung kailan tayo dapat magising. Kapag naririnig natin ang mga tao na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maghanap at magsiyasat; saka lang natin masasalubong ang Panginoon at hahapong kasalo Niya.
Sabi ng Diyos “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang opisyal na pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Siyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan, at maliban kay Maria, maging si Juan ay hindi rin ito alam.
Q:Ano sa palagay mo ang tunay na kahulugan ng 📜“Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang sinumang nakaaalam”? 🧐🧐❓❓
🍉A: Nangangahulugan ito na ang eksaktong oras na Siya ay ipinanganak sa lupa ay hindi alam ng mga tao, ngunit pagkatapos Niyang magsalita ng mga bagong salita, makikilala Siya ng mga tao sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salita.
🍋B: Ibig sabihin walang nakakaalam ng Kanyang pagbabalik; malalaman lamang ito ng mga tao kapag nagpakita ang Diyos sa ulap.
🍇C. Hindi ko pa rin naintindihan😕
Mga kapatid, sa tingin niyo ba ay kayang makilala ng lahat ang bagong salita ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao?
A. Oo
B. Hindi
B ang tamang sagot.
📕Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25).
.
📕“Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).
📕“At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19–20).
Ang tunay na daan ay laging tinututulan ng karamihan sa mga tao, at kahit ng mundo. Dalawang libong taon na ang nakararaan, nuong ang Panginoong Jesus ay unang dumating upang gumawa at mangaral, hindi ba siya tinutulan ng kabuuan ng Judaismo? Ito ay dahil ay dahil ang paraan ng pagdating ng Messiah ay iba sa imahinasyon nila. Inisip nila na siya ay dapat katulad ng isang hari, nakaupo sa trono ni David, ngunit ang Panginoong Jesus ay pinanganak sa ordinaryong pamilya, may ordinaryong hitsura, at walang mataas na posisyon. Siya ay sobrang naiiba sa Mesiyas na inaantay nila ng libo libong taon. Kaya napakahirap sa kanila na tanggapin. Gaya din ito ngayon. Kapag ang mga tao ay narinig na ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao, maraming tao ang nahihirapang tanggapin ito, sila ay nagdududa din, tumatanggi at kinokondena siya
Ito ay tinupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14).
Kaya't hindi ito nakadepende kung tinanggap ito ng nakararami, kundi kung ito ba ay gawain ng Diyos, kung Siya ba ay makakapagpahayag ng katotohanan, at kung Siya ba ay makakagawa ng gawain ng pagliligtas sa mga tao.
May ilang tao na nagsasabi na ang inyong pagpapahayag na ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao. Kailangan kong itanong sa aming pastor dahil mas alam niya ang Biblia. Kung siya ay maniniwala, maniniwala na rin ako. Kung hindi siya maniniwala na bumalik na si Jesus, hindi ko rin ito paniniwalaan. Sumasang-ayon ka ba?
Pag-isipan natin ang isa pang tanong. Sino ang mga salarin sa pagpapako kay Jesus dalawang libong taon na ang nakalipas?
— Hindi ang pamahalaang Romano, kundi ang mga punong saserdote.
Kapag maraming tao ang narinig na bumalik na ang Diyos, ang unang reaksyon nila ay tanungin ang mga pastor at elder sa simbahan. Iniisip nila na ang mga pastor at matatanda ay pamilyar sa Biblia, at kung ang Panginoon ay babalik, tiyak na malalaman nila. Iniisip nila na kapag bumalik ang Panginoon, ang mga unang makakaalam ay ang mga nakakaunawa sa Biblia at may mataas na katayuan. Tama ba ang pananaw na ito? Tama ba?
Sinabi ba ng Panginoong Jesus na kapag Siya ay bumalik, ipapaalam Niya muna sa mga pastor at matatanda?
Wala pong sinabi ang Panginoong Jesus na ganoon. Hindi ba’t ito ay isang imahinasyon lamang natin? Anong klaseng tao ang pinili ni Jesus dalawang libong taon na ang nakalipas? Ang mga disipulo ay mga ordinaryong tao, di ba? Mga maniningil ng buwis, doktor, mangingisda. Ang mga taong nakakaalam ng Biblia at may mataas na katayuan, tulad ng mga Pariseo, mga saserdote, at mga eskriba, sumunod ba sa Panginoon? Sila ba ay mga disipulo ni Jesus? Hindi, sa halip, ang grupong ito ng mga taong nakakaalam ng Biblia ay sila pa ang tumutol kay Jesus.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol” (Mateo 11:25).
Alalahanin natin na dalawang libong taon na ang nakalipas, si Jesus ay nakipaglaban sa relihiyosong mundo. Nang ipangaral ni Jesus ang ebanghelyo, patuloy na kinondena ng relihiyosong mundo si Panginoon Jesus. Si Jesus ay nag-papahayag ng mahabang panahon, ngunit kakaunti ang mga tao sa relihiyosong mundo na tunay na sumunod kay Jesus. Bakit? Dahil ang mga tao noong panahon iyon ay naniniwala kay Jehova matapos basahin ang Lumang Tipan. Nang pakinggan nila ang mga sermon ni Jesus, naramdaman nilang tama ang sinasabi ni Jesus, at ang mga salitang iyon ay may kapangyarihan at awtoridad. Hindi nila alam kung kaninong mga salita ang tama, at hindi nila alam kung kanino sila susunod. Akala nila tama ang sinasabi ni Jesus, at nang marinig nila ang pagpapaliwanag ng mga Pariseo tungkol sa kasulatan, akala nila tama rin iyon. Kaya tumigil sila sa pakikinig sa mga sermon ni Jesus, at hindi nila ini-imbestiga ang gawain at mga salita ni Jesus. Sinunod nila ang mga Pariseo. Sinabi ng mga Pariseo sa mga Israelita: Ang mga punong saserdote at mga eskriba ay kinondena si Jesus, sinasabing siya ay nagsasalita ng mga salitang pagpapakumbaba at hindi Siya ang Anak ng Diyos. Huwag pakinggan si Jesus, o kayo ay madadaya. Sinunod nila ang mga Pariseo at tumigil sa pagsunod kay Jesus. Bukod dito, sumama sila sa pag-kondena kay Jesus at sa huli, nawalan sila ng kaligtasan. Ganito rin ngayon. Kung natutunan na natin ang magandang balita ng pagdating ng Panginoon ngunit tayo ay napipilitang sundin ang mga tao at bulag na sumusunod sa mga pastor, mawawala rin natin ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw.
Ang mga Fariseo, punong saserdote, at eskriba ay pawang mga pinuno ng mundo ng relihiyon na may kapangyarihan, at may katanyagan at posisyon; mukha silang maka-diyos, bihasa sa mga kasulatan, pamilyar sa batas, at naglingkod sa Diyos sa templo sa mga henerasyon. Ang mga Judio ay sumamba sa kapangyarihan at katayuan, kaya naisip nila na, dahil ang mga punong pari, eskriba at Pariseo ay naniniwala sa Diyos at nagbabasa ng mga kasulatan sa maraming taon, dapat na makilala nila ang Mesiyas pagdating Niya, at sa gayon ang pagsunod sa kanila ay hindi magiging mali.
Kaya’t nang ang bulag at ignoranteng mga Fariseo ay umasa sa kanilang sariling imahinasyon at kuru-kuro na itatwa na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas at kinondena pa at nilapastangan ang Panginoong Jesus; sumunod sa kanila ang mga Judio at ganoon din ang ginawa. Tulad noong sinabi ng mga Fariseo na ang Panginoong Jesus ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, pinuno ng mga demonyo, naisip ng mga Judio na ang kanilang mga pagkondena ay hindi maaaring maging mali, at sa gayon ay sumunod sa kanila upang kondenahin ang Panginoong Jesus. Kahit na noong nilayon ng punong mga saserdote na ipako sa krus ang Panginoong Jesus, ang mga Judio ay bulag ding sumunod sa kanila. Ito ay tulad ng nakatala sa Juan 19: 6–7, “Pagkakita nga sa Kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila’y nangagsigawan, na sinasabi, ‘Ipako Siya sa krus, ipako Siya sa krus!’ Sinabi sa kanila ni Pilato, ‘Kunin ninyo Siya, at ipako ninyo Siya sa krus: sapagka’t ako’y walang masumpungang kasalanan sa Kaniya.’ Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, ‘Kami’y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat Siyang mamatay, sapagka’t Siya’y nagpapanggap na Anak ng Diyos.’” Hindi inilapat ng mga Judio ang kanilang pagkilala sa kung ano ang sinabi ng punong pari. Nang sabihin ng punong mga saserdote na si Jesus ay dapat na ipako sa krus, ang mga Judio ay nakisawsaw at ginamit ang batas upang hatulan Siya, na sumusunod sa mga punong saserdote sa paglaban sa Diyos. At gumawa pa sila ng panata na ang kasalanan ay mapapasakanila at sa kanilang mga inapo, na nagresulta na ang kanilang mga anak ay tumakas sa mga bansa sa buong mundo at marami ang napatay.
Sinabi ng Diyos, “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6). “Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa Akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao” (Mateo 15:9). Hindi nauunawaan ng mga Judio ang katotohanan, ni hinanap man nila ang katotohanan o sinuri kung ang gawain ng Panginoong Jesus ay mula sa Diyos at kung ang Kanyang mga salita ay kapaki-pakinabang sa mga tao. Bulag lamang silang sumunod at sumamba sa mga Fariseo at mga punong pari, kaya ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Bilang resulta, nakaharap nila ang mga sumpa at parusa ng Diyos
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma’t sila’y mangagsasalita ng kapusungan: Datapuwa’t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan” (Marcos 3:28–29).
📖 “At tinanong Niya sila, Datapuwa’t ano ang sabi ninyo kung sino Ako? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya, Ikaw ang Cristo. At ipinagbilin Niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang tungkol sa Kaniya” (Marcos 8:29–30).
📖 “Nang magkagayo’y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo” (Mateo 16:20).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.
Q1. .Matapos ang fellowship tungkol sa pagbabalik ng Diyos, nalaman mo ba na ang Diyos ay nagbalik na o hindi ba siya bumabalik?
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Q2. Nagbalik ba ang Diyos sa anyo ng espiritu o sa Katawang tao?
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Q3. Paano natin nalaman na bumalik na nga ang Diyos dito sa lupa, at nagkatawang tao na siya ? ito ay dahil sa, ?
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Q4. 🤔Mula sa ating fellowship ,Nabasa mo na po ba ang mga bagong salita ng Diyos O hindi pa ? Sagot:_______________?
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Q5. 🤔Nasaan nakalagay ang mga bagong salita ng Diyos sa bibliya o sa Selyadong aklat ? Sagot:_______________?
Send mo sa link ang sagot mo,
👇👇👇👇👇👇👇
Tagalog Christian Song With Lyrics | "Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos"
I
Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,
naririnig natin ang Kanyang tinig.
Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,
dumadalo tayo sa piging ng Cordero.
Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,
kilala natin ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao.
Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,
nakikita natin mga gawa Niyang kahanga-hanga.
Nauunawaan natin ang hiwaga ng buhay ng tao,
mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamamahal.
Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos,
at nabubuhay tayo sa Kanyang harapan,
di na naghahanap kung saan-saan.
Habang nararanasan natin paghatol ng Diyos,
kahit tayo'y magdusa, tayo'y nalilinis.
Nakakamit natin ang katotohanan
at ang daan ng buhay na walang hanggan.
Sa patuloy na pagmamahal sa Diyos,
di tayo kailanman manghihinayang.
II
Pinagpala ang buhay na ito,
tayo'y nagiging mga taong nagmamahal sa Diyos.
Pinagpala ang buhay na ito, tayo'y pinupuri ng Diyos.
Pinagpala ang buhay na ito,
matutupad natin ating tungkulin at magpapatotoo sa Diyos.
Pinagpala ang buhay na ito,
pagpapatuloy sa katotohanan ang pinakamakabuluhan.
Sino kaya ang mas pinagpala?
Sino kaya ang mas mapalad?
Ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ang buhay at katotohanan,
dapat tayong mabuhay para sa Diyos.
Dapat tayong mabuhay para sa Diyos.
Dapat tayong mabuhay para sa Diyos.
Nakakamit natin ang katotohanan at magpapatotoo
sa Diyos upang magantihan pag-ibig ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin