Search this site
Embedded Files
latest
  • 2 ways
  • Paghatol
  • The three stages of work
  • 💙Revealing
latest
  • 2 ways
  • Paghatol
  • The three stages of work
  • 💙Revealing
  • More
    • 2 ways
    • Paghatol
    • The three stages of work
    • 💙Revealing

2 way

😇1. Opening Remark

😇Welcome & Greeting  

😇Self-Introduction: Concise & Showcasing Yourself  

😇Introducing the Topic  

😇Prayer Prayer: 

1. Stand in the same position as the prospects, praying for their heartfelt needs.  

2. Avoid going through the motions or using ritualistic prayers that people dislike.

Nais ko pa lang ipakilala ang aking sarili Ako pala si preacher Allen😇 at mahigit limang taon na rin akong nagbabahagi ng salita ng Diyos online.🙏🙏 naging bahagi rin ako ng music Ministry👨‍🎤🎼🎹 sa aming simbahan bilang isang gitarista🎸 sa aming church.⛪ at dahil sa kahirapan ng buhay ninais kong pumunta ng Japan🇯🇵 upang magtrabaho bilang isang welder. at nawala sa akin na ang pagkakataon na mag-aral ng salita📔 ng Diyos magbasa ng kanyang mga salita at makinig ng mga sermon. at sa kumita ng pera,💸💰 Kahit ako ay Kumikita ng pera naramdaman ko pa rin yung Kahongkagan sa aking puso😭😭. na meron pa ring kulang.? at doon ko nalaman na ang kulang pala sa akin na ay ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos😍😍 at sumali sa mga Fellowship ng pag-aaral ng mga salita ng panginoong Hesus. At dito ko nakita na hindi pala mahalaga ang pera💰 ang pinakamahalaga pala ay ang relationship natin sa Diyos at dito ko naramdaman ang kasiyahan sa aking puso😌😌 at naramdaman ko na mas lalong pinagpala ako ng Panginoon.😘 simula noon sinikap ko na ang pagbabahagi ng salita ng Diyos at magbahagi din ng mga salita ng Diyos sa ibang tao. 

Introducing the Topic   

Introducing the Topic  

⬇️⬇️ ⬇️

Kaya mga kapatid, sa ating online fellowship, magbabahagi ako sa inyo ng napakahalagang mga bagay at katotohanan.

Sa  felowship natin, iniimbitahan kayong sumali sa amin sa ating walong-gabi na pagtitipon. Sa panahong ito, magfo-focus tayo nang mas higit pa tungkol sa ikalawang pagdating ng Panginoon. 🤩🤩Sa ating fellowship , makakapakinig  kayo ng mga bagay na hindi ninyo pa naririnig noon, dahil hindi namin kayo tuturuan ng mga bagay na alam nyo na—hindi ba’t magiging walang kabuluhan yun? 🤔🤔


Babahaginan namin kayo ng mga bagay na hindi ninyo pa alam, 😮😮😮 upang matulungan kayong maghanda bilang mga matatalinong tao, handang salubungin ang pagbalik ng Panginoon. Hindi ito ordinaryong Bible study; 🥰🥰🥰 iba ito sa karaniwang pag-aaral ng Biblia dahil tatalakayin natin ang mga salita ng Diyos, lalo na ang sinabi ni Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang ikalawang pagdating.

Ang mga salitang ito ay hindi lamang para magbigay kaalaman sa atin, kundi upang magbigay babala din sa atin.😇🙏 Kapag bumalik na ang Panginoon, kailangan natin Siyang makilala. Sa buong kasaysayan, maraming mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ang hindi naintindihan, pinalampas, o tinanggihan pa nga. 😧😧😧 Kaya ngayon, dadalhin natin ang mga propesiyang ito sa realidad, upang maunawaan ninyo nang malinaw kung paano babalik ang Panginoon. 😇😇Susuriin natin ang mga salita ni Jesus at ang mga pahayag na Kanyang ibinigay, upang ibunyag ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbabalik.🙏🙏 Ang prosesong ito ay maaaring maghamon sa inyong pananampalataya, ngunit ito ay magpapalalim ng inyong pang-unawa sa gawain na Kanyang gagawin sa mga huling araw. 💖💖Ito ang tututukan natin sa susunod na walong gabi na pagtitipon.


Ngayon, tatalakayin natin nang partikular kung paano babalik ang Panginoon. Gaya ng sinabi ko kanina, matututo kayo ng mga bagong bagay, makakakuha ng mga sariwang pananaw, 🤩🤩🤩 at makakatulong ito sa inyo na matutunan kung paano tuklasin ang mga palatandaan ng mga huling araw 💖💖

Kaya't kailangan ninyong maghanda upang salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Kaya't ngayon, inaasahan ko na tatanggapin ninyo ang fellowship na ito ng may bukas na puso at hilingin sa Banal na Espiritu na kayo’y gabayan. 🙏😇 Patuloy kong ihahayag ang mga misteryo ukol sa pagbabalik ng Panginoon at tutulungan kayong maghanda upang salubungin ang Kanyang pagdating. 💖💖 Lahat tayo ay nagnanais na pumasok sa kaharian ng langit ngayon... + Maligayang pagdating sa inyong lahat!

Unang Sesyon: Pagpapaliwanag sa mga Personal na Propesiya ng Panginoong Jesus sa Bibliya at Paano Masalubong ang Kanyang Pagbabalik

Preacher Daye 's Facebook link

https://www.facebook.com/PreacherDaye





Paki click po ito 

👇👇👇

https://m.me/100042054550149 


👇👇👇


Click My messenger link (daye)


https://www.facebook.com/PreacherDaye



Pls add me PREACHER Allen  FB

👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇

https://www.facebook.com/profile.php?id=100004652448365

Ang Online 𝗙𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪𝗦𝗛𝗜P ay hindi Isang normal na pagpupulong Lamang at pampalipas Oras na Kung kailan lang gugustuhing dumalo ay doon rin magkakaroon ng interest na dumalo bagamat ito ay isang paraan upang mapalalim ang relasyon sa 𝗗𝗜𝗬𝗢𝗦 at Daan upang matanggap ang 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 na magdadala sa atin sa 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡, at kaakibat nito ay 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡.


READ


"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢'𝘵 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴" (𝘔𝘢𝘵𝘦𝘰 4:4)


" Ang Diyos ay salita. Ang pagtalikod sa salita ay pagtalikod sa Diyos " (John 1:1)


"Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon gaya ng ugali ng iba sa halip na palakasin ang loob ng isat isa, lalong lalo na habang nakikita ninyo papalapit na ang araw." (Hebreo 10:25)


Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita Ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).


Share with you a nice spiritual message


"Kung makapag lalaan ka ng isa o dalawang oras para sa isang tunay na espirituwal na buhay, ang iyong buhay sa araw araw ay pagyayamanin at ang iyong puso ay magiging maningning at maaliwalas. Kung isasabuhay mo ang ganitong uri ng espirituwal na buhay araw-araw, kung gayon lalong mas magagawa mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, at ang iyong espiritu ay lalakas nang lalakas, ang iyong kundisyon ay mas bubuti nang bubuti, mas makakaya mong lakaran ang landas na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at ang Diyos ay magkakaloob ng mas marami pang mga pagpapala sa iyo." Mula sa “Inaakay ng Isang Normal na Espirituwal na Buhay ang mga Tao sa Tamang Landas”

📌Ang ating fellowship dito ay tatagal ng 8 gabi lang po,  Mayroon po tayong :

1️⃣🥇 1ST GROUP 👉👉  (4 Days) &

2️⃣🥈 2ND Advance GROUP 👉👉 (4 Days)

🗣️Mga kapatid magsasama-sama tayo sa grupong ito sa loob ng 8 gabii, gabi-gabi ay may mga bagong paksang tatalakayin na maaaring makapagpabago sa ating buhay at kapag na kumpletu natin 8 gabing ito, Malilipat tayo sa napakakapana-panabik at puno ng mga katotohanang grupo 😊😇🙏




✅🎁 1 Paksa  : Ang Paraan ng Pagbabalik ng Diyos.

✅🎁 2 Paksa :  Ang Gawain ng Diyos sa kanyang ikalawang Pagdating.

✅🎁 3 Paksa : Ang Planong Pagliligtas ng Diyos.

✅🎁 4  Paksa ; Ang Pagsalubong sa ikalawang Pagdating ng Diyos.

✅🎁 5 Paksa : Ang Hiwaga sa Pagkakatawang tao ng Diyos.

✅🎁 6  Paksa ; Ang Hiwaga tungkol sa mga mananagumpay.

✅🎁 7 Paksa : Ang Hiwaga sa mga Salita ng Diyos tungkol sa Selyadong aklat.

✅🎁 8 Paksa : Ang Pagpapakita ng kaharian ng Diyos sa Lupa.

Naniniwala tayong lahat sa iisang tunay na Diyos, kaya bakit mahalaga kung saang denominasyon kabilang ang isang tao? Kung ang isang tao ay makakamit ang katotohanan, makatanggap ng kaligtasan, at makapasok sa kaharian ng langit—nakadepende ba iyon sa kanilang denominasyon? Kung ang isang denominasyon ay tama o mali ay hindi mahalaga. Ang susi ay kung ang lugar kung saan ka nagtitipon ay nagbibigay-daan sa iyo na matamo ang katotohanan at buhay. Iyan ang pinakamahalagang bagay. Kung pipilitin mong kumapit sa iyong denominasyon, makakatulong ba ito sa iyo na matamo ang katotohanan?

Alam kong meron kang nais na ipag pray didingin ito ng Diyos Pumili sa mga ito ng nais mong Ipagdasal🎁🎁 pili ng isa po~ Maari kita ipagdasal pagkatapos ng ating fellowship. send mo lang sakin ang sagot mo ng personal. 

👇👇

💟 A: Panalangin tungkol sa pamilya

💝B: Panalangin tungkol sa iyong sarili

💚C: Panalangin tungkol sa Sakit

💛D: Panalangin tungkol sa Trabaho

💟E. Panalangin tungkol sa kahirapan at pagsubok sa buhay


Please send here po ng private message po wag dito sa Group dahil hindi ko na mababasa mamaya matatabunan na ito...


Pindutin itong link at send dito ang sagot mo,     (Allen)          

👇👇👇👇👇👇👇 

https://m.me/100004652448365



Paki click po ito 


https://www.facebook.com/messages/t/100042054550149

PART 1: PAGPAPALIWANAG SA MGA PERSONAL NA PROPESIYA NG PANGINOON G JESUS SA BIBLIYA AT PAANO MASASALUBONG ANG KANYANG PAGBABALIK

Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng Panginoon, lahat tayo ay maraming inaasam, ngunit ano ang pinakadakila ninyong inaasam?  Maraming tao ang nagsasabi na ang ating pinakadakilang inaasam ay ang salubungin ang Panginoon.

Kaya bakit ang pagsalubong sa Panginoon ang inyong pinakadakilang inaasam? Ano ang maaari nating makamit sa pagbabalik ng Panginoon?  Kung sasalubungin natin ang Panginoon, marami sa ating hangarin ang matutupad, at makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Kung mananampalataya tayo sa Panginoon subalit mabigong salubungin Siya, iyon ay magiging isang walang hanggang pagsisisi.

Kaya, ano ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw?  Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang Panginoong Jesus Mismo ang nagpropesiya, na nagsabing,

Sakuna

Mateo 24:3 Habang si Jesus ay naka upo sa bundok ng mga Olibo , tinanong ng isang alagat  “ Panginoon sabhin mo sa amin Kailan mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang tanda ng iyong muling pagdating at ang mga tanda ng katapusan ng panahong ito? 

sumagot ang Panginoon, 


(Mateo 24:6–7).“At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako”

Tanong: Sa palagay ninyo, natupad na ang lahat ng mga propesiyang ito?  Ano sa palagay niyo ang panahon na ginagalawan natin ngayon? Tayo ba’y nabubuhay na sa mga huling araw? Panahon na ba para dumating ang Panginoon?

—Ngayon ay makikita nating lahat na ang mga sakuna ay sunod-sunod na dumarating sa mundo, na nagiging mas malala at madalas. Ang mga taggutom, baha, tagtuyot, lindol, salot, at maging ang mga digmaan ay lumitaw lahat. Nagsimula na ang malalaking kalamidad. Panahon na ba para bumalik ang Panginoon?

Kung gayon alam niyo ba kung paano mismo darating ang Panginoon sa mga huling araw? Paano ninyo sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi iyon isang bagay na dapat nating alalahanin. Darating ang Panginoon kapag Siya ay dapat ng dumating, at sa anumang paraan na Kanyang piliin.” Ngunit mga kapatid, alam niyo ba? Binanggit sa Bibliya ang matatalinong dalaga at mga mangmang na dalaga. Ano ang matatalinong dalaga? Kapag sinabing naghanda ng langis ang matatalinong dalaga, ano nga ba ang tinutukoy niyan? Sabi ng Panginoong Jesus: “Ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Mateo 7:8). Ang matatalinong dalaga ay hindi basta-basta nakaupo lang na pasibong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon—aktibo nilang hinahanap ang katotohanan at inihahanda ang kanilang sarili para sa Kanyang pagdating. Ngunit paano naman ang mga mangmang na dalaga? Malamig at matigas ang ulo nila na kumakapit sa kanilang sariling mga kuro-kuro at imahinasyon. Hindi nila hinahanap o sinisikap na maunawaan ang layuin ng Panginoon. Kaya kahit na naghihintay din sila sa Kanya, mapapalampas nila ang pagkakataong salubungin Siya pagdating Niya. Mga kapatid, hindi lang ito ordinaryong pag-aaral sa Bibliya. Pinag-uusapan natin ang isang bagay na napakahalaga—ang pagbabalik ng Panginoon. Nakaugnay ito sa kung tunay ba natin Siyang masasalubong, at kung magkakaroon ba tayo ng magandang destinasyon. Kung gusto mong makaligtas sa malalaking kalamidad at gusto mo ring maging isang matalinong dalaga, makapaghanda ng iyong langis, masalubong ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at magkaroon ng magandang destinasyon, kung gayon ang paksa ngayon ay napakahalaga para sa bawat isa sa atin. Seryosohin natin ito at hanapin ang katotohanan nang may bukas na puso.

🌟 Paano Darating ang Panginoon sa mga Huling Araw?

Pangunahing aral:
Ang pagbabalik ng Panginoon ay hindi basta “himala” na bababa Siya sa alapaap sa isang iglap. May prosesong espirituwal ito: isang gawain ng paghahayag ng katotohanan upang ang mga matatalinong dalaga ay makasunod at makasama Niya.

🔥 Matatalinong Dalaga vs. Mangmang na Dalaga

(Tingnan sa Mateo 25:1–13)

✅ Matatalinong Dalaga:

  • Naghahanda ng langis: Tumatanggap ng katotohanan

  • Gumigising sa gabi: Alerto sa mga palatandaan ng pagbabalik

❌ Mangmang na Dalaga:

  • Kumakapit sa sarili: “kanilang sariling mga kuro-kuro at imahinasyon.”

💡 Ano ang “Langis” na Dapat Ihanda?

Mateo 7:8 – “Ang humahanap ay nakasusumpong...”

🛑 Babala: Huwag Balewalain!

Ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi basta ideya—ito’y may kinalaman sa ating kaligtasan at kahahantungan.

  • Kung ito ay totoo, at hindi mo ito hinanap, wala nang ikalawang pagkakataon.

  • Tulad ng mga mangmang na dalaga, isinasara ang pintuan.

❤️ Panghuling Panawagan:

Kung gusto mong makaligtas sa sakuna, masalubong ang Panginoon, at makapasok sa kaharian ng langit—kailangan mo Siyang hanapin ngayon.

  • Huwag kang makuntento na basta naghihintay.

1. Pagpapaliwanag ng mga biblikal na propesiya:  Ang Panginoong Jesus Mismo ang nagpropesiya sa pagparito ng “Anak ng tao.”

Mga kapatid, una, pag-usapan natin ang isang tanong: Paano ba mismo darating ang Panginoon sa mga huling araw?  Sabi ng ilang kapatid: Alam ng buong relihiyosong mundo na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay tiyak na bababa sa isang ulap, sapagkat ipinopropesiya sa Pahayag 1:7, “Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Kaya, sa pagbabalik ng Panginoon, ito ay dapat na kasama ng mga anghel na tumutunog ng mga trumpeta, na bumababa sa isang ulap na may dakilang kaluwalhatian!

Sa katunayan, ang pagbabalik ng Panginoon sa isang ulap ay tiyak na matutupad; walang duda tungkol diyan.  Subalit naisip ba ninyo,  sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sakay ng mga ulap, kailan kaya mangyayari ito?  Sabi sa kasulatan, “ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.”  Sa lohikal na pagsasalita, ang pagbaba ng Panginoon sa isang ulap ay dapat na masayang kaganapan, kaya bakit sinasabi sa Bibliya na ang lahat ng tao ay magsisitaghoy  kapag nakita nilang Siya ang dumarating sa mga ulap? Mayroong isang hiwagang nararapat na saliksikin dito. Ang pagbaba ba sa isang ulap ang tanging paraan na ipinropesiya sa Bibliya para sa pagparito ng Panginoon?

Maraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Kung ipagpalagay natin na ang Panginoon ay talagang bababa sa isang ulap batay sa isa o dalawang propesiya lamang, hindi ba ito ay medyo padalus-dalos? Kung ganoon, malamang na mapalampas natin ang pagkakataong salubungin ang Panginoon at maitiwalag Niya. Upang linawin kung ang Panginoong Jesus ay bababa lamang sa isang ulap o kung may iba pang mga paraan, dapat muna tayong huminahon at maingat na pag-isipan ang iba pang iba't ibang propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Pagkatapos ay magkakaroon tayo ng bagong liwanag at mas malalim na pang-unawa.

Maraming propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa Bibliya: ang ilan ay mula sa Panginoong Jesus, ang ilan ay mula sa mga tao, at ang iba ay mula sa mga anghel. Kaya, kung gusto nating malaman kung paano mismong darating ang Panginoon, kaninong mga propesiya sa palagay niyo ang pinakatumpak na maaaring asahan? Tama, maraming kapatid ang nagsasabi, "Siyempre, dapat tayong umasa sa mga propesiya ng Panginoong Jesus." Gayunpaman, karamihan sa mga tao sa mundo ng relihiyon ay pangunahing nakatuon sa mga propesiya na binanggit ng mga tao, umaasa na makita ang Panginoon na hayagang darating sa isang ulap. Ngunit nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sa totoo lang, ang pagbabalik ng Panginoon ay isang pinakalihim na bagay. Sabi ng Panginoong Jesus: “Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Nangangahulugan ito na walang nakakaalam ng araw o oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, kundi ang Diyos lamang ang nakakaalam. Samakatuwid, upang masalubong ang Panginoon, dapat tayong umasa sa sariling mga propesiya ng Panginoong Jesus; saka lamang natin Siya masasalubong. Kaya, sabay-sabay nating tingnan ang mga propesiya mismo ng Panginoong Jesus:

“Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤” (Mateo 24:27).

“Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

“Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44).

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤” (Mateo 24:37).

“Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6).

“Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo” (Pahayag 3:3).

“Narito, Ako'y pumaparitong 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸” (Pahayag 16:15).

“Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay 𝘥𝘶𝘮𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘈𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨 at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

Mula sa mga propesiyang ito ng Panginoong Jesus, ano ang nakikita natin? Binanggit ba sa mga kasulatang ito na Siya ay bababa sa ulap at makikita Siya ng lahat? —Hindi.


Kaya, ang pagparito ng Panginoon ay hindi nangyayari sa isang paraan lamang, gaya ng iniisip natin.Lalo na ang ilang talatang ito ay paulit-ulit na binabanggit ang ilang mahahalagang punto: ang pagparito ng Anak ng tao, pumaparitong gaya ng magnanakaw, ang pakikinig sa tinig ng Diyos, at ang itakwil ng salinlahing ito, at iba pa.


Kaya, ano nga ba ang tinutukoy ng “paririto ang Anak ng tao” at “pumaparitong gaya ng magnanakaw”? Bakit maaari lamang nating salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos? Bakit itatakuwil ang Panginoon ng henerasyong ito sa Kanyang pagbabalik? May mga malaking misteryo rito; sama-sama nating pagbahaginan ang tungkol sa mga ito.


Ang mga propesiya na ito ay lahat binanggit ang “ang pagparito ng Anak ng tao” o “paririto ang Anak ng tao.” Sa pagsasalita tungkol sa “Anak ng tao,” ano ang Anak ng tao?

Ipinropesiya ng Panginoong Hesus: 



💖*ang 𝘼𝙉𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙊 ay darating*

💖*gayon din naman ang pagparito ng 𝘼𝙉𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙊.

💖*gayon din naman ang 𝘼𝙉𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙊 sa kaniyang kaarawan.*

Tanong: Ano ang kahulugan ng “Anak ng tao”?


A. Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa espirituwal na katawan ng Diyos, na hindi nahahawakan, hindi nakikita, na nagpapakita at nawawala ayon sa Kanyang kagustuhan, at lubos na higit sa karaniwan.

B. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng isang tao, na may anyo ng tao, lumaki sa normal na proseso, at napakakaraniwan at normal.

C. Hindi ako sigurado.



Tamang Sagot ✅: B. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng isang tao, na may anyo ng tao, lumaki sa normal na proseso, at napakakaraniwan at normal.

Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng isang tao at nagtataglay ng normal na pagkatao, na dumadaan sa isang normal na proseso ng paglaki. Ang isang espiritu ay hindi matatawag na “Anak ng tao.” Halimbawa, ang Diyos na Jehova ay Espiritu—Wala Siyang pisikal na anyo o imahe—kaya hindi Siya matatawag na “Anak ng tao.” Ang ilang mga tao ay nakakita ng mga anghel noon, ngunit dahil ang mga anghel ay mga espirituwal na nilalang, hindi rin sila matatawag na “Anak ng tao”. Ang “Anak ng tao” ay partikular na tumutukoy sa Diyos sa katawang-tao. Ang Anak ng tao ay ang eksaktong kabaligtaran ng isang espirituwal na katawan. Ang Anak ng tao ay isinilang sa karaniwang tao at lumilitaw bilang isang karaniwang tao—ito ang ibig sabihin ng pagiging Anak ng tao. Katulad ng Panginoong Jesus, Siya ay isang normal at karaniwang tao—walang anumang espesyal sa Kanya sa panlabas. Namuhay Siya kasama ng sangkatauhan, na may napakanormal na buhay at normal na mga pangangailangan (pagkain, pagbibihis, pagtulog).


Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay magiging Anak ng tao sa pangalawang pagkakataon sa mga huling araw—iyon ay, Siya ay muling magkakatawang-tao upang iligtas tayo. Dahil sinasabing nagkatawang-tao ang Diyos, nangangahulugan ito na nagsuot ng laman ang Diyos na nasa langit at naging tao. Siya ay may normal na katawang-tao at normal na pagkatao, hindi lubos ma supernatural; Siya ay nakikita at nahahawakan, praktikal na namumuhay kasama ng mga tao. Ang Diyos sa Kanyang diwa ay nagkatawang-tao, naging tao. Samakatuwid, nang banggitin ng Panginoong Jesus ang “ang pagparito ng Anak ng tao” o “paririto ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa pangalawang pagkakataon.

📌 Ano ang Tunay na Kahulugan ng “Anak ng Tao”?

🟢 Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa taong ipinanganak ng tao, may normal na katawan, normal na isipan, at namumuhay sa gitna ng mga tao.

  • Siya ay:

✅ May magulang (tulad ni Maria sa kaso ng Panginoong Jesus),

✅May normal na hitsura ng tao,

✅Kumakain, natutulog, naglalakad, nagtatrabaho – may ganap na normal na pagkatao.

Lalo na, ipinropesiya din  ng Panginoong Jesus, “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Binanggit dito, “Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.”  Ito ay higit na nagpapatunay na darating ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang tao.  Kapag ang Diyos ay muling nagkatawang-tao—dumating sa gitna natin bilang isang karaniwang tao, at ang Kanyang gawain ay hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao,  ang ilang mga tao ay hindi kayang tanggapin ang Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao at sa gayon ay lalaban at kokondenahin Siya. Kaya ang Diyos ay muling magdurusa at  itatakwil ng buong salinlahing ito.  Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao bagkus direktang nagpakita bilang isang espirituwal na katawan, bumababa mula sa isang ulap sa kalangitan, kung ganoon sino ang mangangahas na  lumaban at tumanggi sa Kanya?  Kung gayon, hindi Siya magdurusa sa maraming bagay, lalong hindi na Siya ay muling itatakwil ng salinlahing ito. Samakatuwid, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na ang nagkatawang-taong Diyos; ito ay walang pag-aalinlangan.

 Iniisip ng ilang tao, “Kung talagang magkakatawang-tao Siya, bakit hindi direktang sinabi ng propesiya ng Panginoon? Bakit partikular na sinasabi nito ang pagpapakita ng ‘Anak ng tao’?”  Ganito ang mga propesiya—lagi ang mga itong sinasalita sa isang nakatagong paraan. Kung direktang sinabi nito na darating ang Diyos sa katawang-tao, hindi sana ito isang propesiya kundi isang tuwirang pahayag. Ngunit yaong may abilidad na umarok ay malalim na pagninilayan ang katagang “Anak ng tao” at maaaring tumanggap ng kaliwanagan, na natatanto na ang “Anak ng tao” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging katawang-tao.

❌ C. Hindi matatawag na “Anak ng tao” ang Espiritu o espirituwal na katawan

🟢 Ang Diyos na Jehova at mga anghel ay hindi tinatawag na “Anak ng tao” sapagkat sila ay espirituwal.

🟢 Kahit ang Panginoong Jesus matapos ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli ay hindi na maituturing na Anak ng tao:

✅ Dahil wala na Siyang normal na laman – tumatagos sa mga pader, bigla na lang lumilitaw at nawawala,

✅ Siya ay may espirituwal na katawan, kaya hindi na tinutukoy bilang "Anak ng tao".


Alam ko na maaaring ito ang unang beses na marinig ninyo ito, ngunit huwag tayong magmadali sa mga konklusyon.  Taos-puso akong umaasa na ang lahat ay magpapatuloy sa pakikinig nang may mapagpakumbabang puso, at malalaman ninyo ang marami pang katunayan na ang Diyos ay magkakatawang-tao sa pangalawang pagkakataon sa mga huling araw. 

T: Nang sabihin ng Panginoon Jesus na darating Siya sa mga huling araw bilang Anak ng tao, ano ang ibig Niyang sabihin?


A.  Ang Diyos ay babalik sa Espiritu 

B. Ang Diyos ay babalik sa katawang tao

C. Hindi ko naiintindihan


Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡  click ang link   

👇👇👇👇👇👇👇

  https://m.me/100004652448365

Gaya ng magnanakaw

Ipinopropesiya rin sa Bibliya:

“Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 3:3).

“Narito, Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15).

Ang pagparito ng Panginoon “gaya ng magnanakaw” ay malinaw na isang talinghaga, na naglalarawan ng pagbabalik ng Panginoon. Ang binanggit na “gaya ng magnanakaw,” ibig sabihin nito ay palihim, tahimik, sa paraang hindi madaling mapansin ng tao, hindi lantad o sa isang engrandeng pagpapakita na makikita ng lahat. Ang ibig sabihin nito na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay bababa nang palihim “gaya ng magnanakaw.” Kahit na makita Siya ng mga tao, hindi Siya makikilala, o ni malalaman na Siya ay ang Diyos. Kaya talagang angkop na ginamit ng Panginoong Jesus ang “gaya ng magnanakaw” upang ilarawan ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao.

Sinabi sa mga propesiya na darating ang Panginoon gaya ng magnanakaw. Ngayon mga kapatid mayroon akong tanong:


Q.. Sa anong paraan  darating ang magnanakaw?

A. Palihim na paraan

B. Lantaran na Paraan

Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡   click ang link        

👇👇👇👇👇👇👇 

https://m.me/100004652448365

Katulad noong unang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, sa panlabas, ang Panginoong Jesus ay isang ordinaryong Anak ng tao. May makapagsasabi ba na Siya ay Diyos? Kung sa anyo lang ni Jesus ay makikilala na Siya bilang ang Mesiyas, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Ipinakikita nito na hindi nakikilala ng mga tao ang Diyos sa panlabas na anyo bilang nagkatawang-taong Diyos. Mayroong maraming halimbawa sa Bibliya, tulad ng babaeng Samaritana sa balon. Nang humiling si Jesus ng tubig sa kanya, inisip niya na nakipag-usap lamang siya sa isang estranghero. Gayundin, nang ipagkanulo ni Judas ang Panginoong Jesus, kinailangang halikan ni Judas si Jesus sa pisngi para makilala Siya ng mga sundalong Romano, dahil ang Jesus na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang tao. Sa panlabas, Siya ay isang karaniwang tao, kaya hindi Siya nakilala ng mga tao batay sa hitsura lang, katulad ng hindi natin pagkakilala sa isang magnanakaw sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang hitsura. Samakatuwid, ang propesiya ng Panginoong Jesus, “Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw,” ay tiyak na tumutukoy sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw sa paraan ng pagkakatawang-tao.

II. Sa mga huling araw, ang Panginoon ay unang darating nang lihim sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao, at pagkatapos ay hayagang magpapakita sa pamamagitan ng pagbaba sa isang ulap.

Ngayon, nakita nating lahat na ang Panginoon ay bumabalik sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, na nagpapakita at gumagawa bilang Anak ng tao. Ito ay isang katotohanan na hindi maitatanggi ng sinuman. Kaya naman, maraming tao ang magtatanong,


Sinasabi sa Pahayag 1:7, “Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.”

Hindi ba ito tumutukoy sa pagdating ng Panginoon sa isang ulap? Ngunit ang mga kasulatan na kababasa lang natin ay nagsasabi na ang Anak ng tao ay babalik. Hindi ba ito magkasalungat? Paano mo ito ipapaliwanag?

       Ang mga salitang ito ay tila magkasalungat, ngunit sa totoo lang, hindi magkasalungat ang mga ito.


Lahat ng propesiya sa Biblia ay kailangang matupad, ngunit natutupad ang mga ito ayon sa proseso, may mga hakbang.

Parehong matutupad ang “paririto ang Anak ng tao” at “pumaparitong nasasa mga alapaap,” ngunit may pagkakasunod-sunod.

Sa palagay niyo ba ang Panginoon ay unang magpapakita bilang Anak ng tao o darating sa isang ulap?

✅ Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay unang darating sa katawang-tao at magpapakita at gagawa nang lihim, at pagkatapos, Siya ay bababa sa isang ulap at magpapakita sa publiko.

Mga kapatid, mula sa mga propesiya sa Bibliya, makikita natin na ang pagbabalik ng Panginoon ay nahahati sa dalawang yugto: palihim na pagbaba at hayagang pagpapakita.  Una, ang Panginoon ay paparitong gaya ng isang magnanakaw, ibig sabihin, palihim na darating ang Diyos sa katawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw.  Ang pangunahing layunin ay ang maperpekto ang isang grupo ng mananagumpay, na tumutupad sa propesiya, “Ang pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula nang palihim nang dumating ang Diyos sa katawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang buong sangkatauhan. Ginagawa muna Niya ang gawaing paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, nililinis at inililigtas ang mga nakikinig sa Kanyang tinig at dinadala sa harapan Niya, ginagawa silang mga mananagumpay. Pagkatapos ay babalik ang Diyos sa Sion, at magsisimula ang malalaking sakuna. Gagamitin ng Diyos ang mga sakuna para parusahan at wasakin ang lumang mundong ito. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay umabot sa kasukdulan nito. Pagkatapos ng malalaking sakuna, kapag ang Diyos ay hayagang nagpakita sa mga ulap, ang Kanyang gawain ng paghatol ay magiging ganap na. Ang kaharian ng Diyos ay lilitaw sa dakong huli.

Samakatuwid, ang pagbabalik ng Panginoon ay may dalawang hakbang: bago ang mga sakuna, Siya ay darating bilang Anak ng tao upang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawaing paghatol; pagkatapos ng mga sakuna, Siya ay magpapakita sa anyo ng espirituwal na katawan, bababa sa isang ulap upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama.

Bago ang sakuna: Palihim na darating ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang perpektuhin ang isang grupo ng mga tao tungo sa pagiging mananagumpay.


Pagkatapos ng sakuna: Ang espirituwal na katawan ay hayagang bababa sa isang ulap upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama.

Kaya, ano ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng pagdating ng Panginoon sa lupa bilang Anak ng tao at ng pagdating ng Panginoon sa isang ulap bilang espiritu? Ang dalawang pahayag na ito ay ginawa ng Panginoon. Ang langit at ang lupa ay lilipas, ngunit ang lahat ng mga salita ng Panginoon ay matutupad. Kung naghihintay ka lamang na tanggapin ang Panginoon kapag Siya ay dumating sa isang ulap, ngunit hindi Siya tatanggapin kapag Siya ay dumating tulad ng isang magnanakaw, kung gayon alam mo ba kung anong gawain ang Kanyang ginagawa kapag Siya ay dumating tulad ng isang magnanakaw bilang ang Anak ng tao? Iyon ay ang Panginoon na palihim na nagbabalik bago ang mga sakuna upang perpektuhin ang isang grupo ng mga tao tungo sa pagiging mga mananagumpay. Kapag nakita natin ang Panginoon na dumarating sa isang ulap kasama ang milyun-milyong mga anghel, ito ay pagkatapos na makumpleto ng Panginoon ang Kanyang paunang-sakunang gawain ng pagpeperpekto ng mga tao tungo sa pagiging mga mananagumpay.  Ang Panginoon ay bababa sa ulap nalalapit sa pagtatapos ng mga sakuna. Kung sasalubungin natin ang Panginoon sa panahon na iyon, tayo ay  matitiwalag na. Mawawalan na tayo ng pagkakataong maging perpekto bilang mga mananagumpay at unang bunga ng Panginoon. Sobra-sobra ang pagkawalang daranasin natin! Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag: “Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Kaya naman, pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, malugod man nating sinasalubong ang Anak ng tao nang palihim na dumarating bago ang mga sakuna o ang espirituwal na katawan na lumilitaw sa ulap pagkatapos ng mga sakuna—iba ang mga kahihinatnan at kalalabasan. Naiintindihan niyo ba? Kaya, dapat ba nating piliin na salubungin ang pagdating ng Panginoon sa isang ulap, o salubungin ang Anak ng tao na dumarating nang lihim, tulad ng isang magnanakaw?

III. Bakit Kailangang Magkatawang-tao ang Diyos sa mga Huling Araw?

Maaaring magtanong muli ang ilang mga kapatid: Ang Panginoon ay nagpakita na at gumawa bilang Anak ng tao dalawang libong taon na ang nakararaan. Bakit kailangan Siyang muling magkatawang-tao  O bilang Anak ng tao upang magpakita at gumawa sa mga huling araw? hindi  na ito kailangan! Maaaring gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawain! Hindi ba orihinal na ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain bilang Espiritu?

Mga kapatid, sa totoo lang, ang mga kaisipang ibinahagi ninyo ngayon ay ang eksaktong naramdaman ko noong una. Ngunit dapat nating malaman na kung ang Diyos ay gumagawa bilang Espiritu o sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ay hindi napagpasyahan ng sinumang tao, kundi ng Diyos Mismo. Anumang paraan ang pipiliin ng Diyos na gawin ay tinutukoy ng mga pangangailangan ng Kanyang gawain at ng mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Pinipili ng Diyos ang alinmang paraan na pinakamahusay na nagsisilbi sa Kanyang gawain at higit na kapaki-pakinabang para sa kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan.

Upang maunawaan ang isyung ito, kailangan muna nating maunawaan kung ano ang gawain na gagawin ng Diyos sa mga huling araw.

1) Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapahayag ng katotohanan, madaling lapitan ng mga tao, at pinapahintulutan silang mas maunawaan ang mga layunin ng Diyos.

Ang Panginoong Jesus ay personal na ipinropesiya:

“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13).

“Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol”(Juan 5:22).

“At binigyan Niya Siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't Siya'y anak ng tao”(Juan 5:27).

“At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).  

“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Mula sa pahayag na ito ng Panginoong Jesus, makikita natin na ang Panginoon ay mayroong maraming bagay na nais Niyang sabihin sa atin 2,000 taon na ang nakalilipas, ngunit ang sangkatauhan noong panahong iyon ay hindi kayang maunawaan. Kaya, iniwan ng Panginoong Jesus ang mga salitang iyon para sa mga huling araw. Binanggit din sa mga kasulatan na gagamitin ng Panginoon ang Kanyang salita upang hatulan ang mga tao sa mga huling araw. Ibig sabihin, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, ipahahayag Niya ang katotohanan upang gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol upang dalisayin at iligtas ang isang grupo ng mga tao, na gawing perpekto sila bilang mga mananagumpay, na siyang mga unang bunga.

Tanong: Kung magpapahayag ang Panginoon ng katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol sa Kanyang pagbabalik, kung gayon alin ang mas kaaya ayang  malapitan ng mga tao, mas madali para sa pagpapahayag ng katotohanan, at mas madali para sa mga tao na maunawaan ang katotohanan: Ang Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao, o isang espirituwal na katawan na nagpapakita sa tao?


A. Ang Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao ay nagsasalita sa mga tao, may anyo ng isang tao, at nagsasalita sa wika ng tao. 

B. Ang Diyos ay direktang nagsasalita sa atin mula sa langit.

C. Hindi ko alam.


✅ Ang tamang sagot: A. Ang Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao ay nagsasalita sa mga tao, may anyo ng isang tao, at nagsasalita sa wika ng tao

Maraming mga kapatid ang sumagot na ang Anak ng tao ay mas madali para sa tao na lapitan at mas madali sa pagpapahayag ng katotohanan.  Ngunit ang ilang taong ay nagtatanong:  Ang espirituwal na katawan ay kaya ring magpahayag ng katotohanan at magsalita at makipag-ugnayan sa mga tao, kaya bakit kailangan Niyang magkatawang-tao? 


Kung ganoon, pag-isipan natin ito: kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang magsasalita sa mga tao, makakayanan kaya ng mga tao ito?  May isang malinaw na halimbawa sa Lumang Tipan: 

Mayroon  malinaw na halimbawa sa bibliya:

“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa’t huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18–19)

 Sa pamamagitan ng sipi na ito, makikita natin na sa Kapanahunan ng Kautusan, nang si Jehova ay nagpakita sa mga tao sa Bundok Sinai na may dumadagundong na kulog, ang mga Israelita noong panahong iyon ay natakot at sinabi kay Moises, “Humayo kang makipag-usap sa Diyos. Gayon man ang Diyos ay nagsasaayos ng mga bagay, kami ay magpapasakop. Hindi kami nangangahas na makita ang mukha ng Diyos!” Kaya, kung ang Diyos ay nagpakita sa mga tao bilang ang Espiritu, at ang Espiritu ay nagsalita, ang Kanyang tinig ay magiging parang kulog mula sa langit. Kapag nakita ng mga tao ang Espiritu na gumagawa at naririnig ang kulog, hindi ba sila matatakot? Maglalakas-loob ba silang lumapit sa Espiritu? Kung ang mga tao ay hindi nangahas na lumapit sa Diyos at natatakot sa Kanya, ang Diyos ay hindi makakalapit sa kanila. Kung gayon, paano maipapahayag ng Diyos ang katotohanan para tustusan at pamunuan sila? Ang ilan ay nagtatanong: Bakit kailangan Siyang magkatawang-tao? Tanging kapag nagkatawang-tao ang Diyos maaari Niyang gamitin ang wika ng tao upang ipahayag ang katotohanan, na nagpapahintulot sa mga tao na mas maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Katulad noong gumawa ang Panginoong Jesus, maaari Siyang makipag-ugnayan sa mga tao, makipag-usap sa kanila nang harapan, at ipahayag ang katotohanan upang tustusan sila anumang oras, kahit saan. Kung minsan ay gumamit pa Siya ng mga talinghaga mula sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng talinghaga ng lambat at talinghaga ng lebadura. Ang mga nagmamahal sa katotohanan ay higit na mauunawaan at makakapasok sa katotohanan pagkatapos itong marinig. Ipinakikita nito sa atin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao ay mas madaling lapitan upang makipag-ugnayan sa mga tao at higit na nakakatulong sa pag-akay sa mga tao na pumasok sa katotohanan at makamit ang kaligtasan. Hindi ba ganoon? Halina't sama-sama nating basahin ang ilang sipi para mas malinaw na maunawaan

Sabi ng Diyos, “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, na personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at taglayin ang Kanyang salita, at sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng gayon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay pababagsakin o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makaugnay ang Diyos.”

“Makakayang iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit hindi makakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito; sa halip, makakaya lamang itong gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Tao at Diyos din ang katawang-tao na ito, isang tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at Diyos din na nagtataglay ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, bagama’t ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao na nagliligtas sa tao, ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Anuman ang tawag sa Kanya, sa huli ay ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; nangyari lamang na ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, bagkus ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang tuwirang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang tuwiran ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang tuwirang isinagawa ng Espiritu, at isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang natitirang dalawang yugto, at hindi tuwiran ng Espiritu. Hindi kabilang ang pagbabago ng tiwaling disposisyon ng tao sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian ay kinapapalooban ng tiwaling disposisyon ng tao at ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, at higit na nangangailangan ng tuwirang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao upang patnubayan siya, alalayan siya, diligin siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang makakayang maging katiwalang-loob ng tao, ang pastol ng tao, ang laging handang pagsaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Hindi ba napakalinaw ng mga salitang ito? Pinakamakahulugan na ang Diyos ay nagpapakita at gumagawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao. Ginagawa ito ng Diyos nang lubusan ayon sa pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. May mga misteryo rito na hindi maarok ng tao. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13). Binabanggit ng kasulatang ito na sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay may “maraming bagay” na sasabihin sa atin at gagabay din sa atin sa “buong katotohanan.” Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Espiritu ng Diyos ay maaari ding magpakita at magsalita sa mga tao, ngunit paminsan-minsan lamang. Gayunpaman, para magawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan Niyang magpahayag ng maraming katotohanan at magsalita ng napakaraming salita upang makamit ang epekto ng pagliligtas sa tao. Samakatuwid, ang Espiritu na nagsasalita at direktang gumagawa ay hindi angkop para sa gawain ng mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao maaari Siyang mamuhay kasama ng mga tao, na nagpapahintulot sa kanila na madama na Siya ay madaling lapitan at malapitan. Ito ay higit na nakakatulong sa mga tao na maunawaan ang katotohanan, at kasabay nito, inilalantad nito ang mga kuro-kuro, imahinasyon, at tiwaling disposisyon ng mga tao. Maipapahayag ng Diyos ang katotohanan ayon sa tiwaling diwa ng tao upang malutas ang kanilang mga problema ng katiwalian at iligtas sila mula sa kapangyarihan ni Satanas. Samakatuwid, ang pagbabalik ng Diyos sa pamamagitan ng ikalawang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang pinakamalaking pagpapala para sa atin na isinilang sa mga huling araw.

Tanong: Aling paraan magsasalita ang Diyos  para sa atin na maunawaan ang kanyang mga salita?


A. Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang makipag-usap sa atin

B. Ang Espiritu ay direktang nagsasalita sa atin


Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡

👇👇👇👇👇👇👇 click ang link 

https://m.me/100004652448365 

2) Ang Pagkakatawang-tao ang Naglalantad sa mga Tao, Tumutukoy sa Mabuti at Masama, at Nag-uuri ng mga Tao Ayon sa Kanilang Uri

Sabi ng DIyos, Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay mas ganap at lubusang nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa napakalinaw na detalye. Kaya sinasabi Ko na nahukay ng pagparito ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nabigyan ng malinaw na kaginhawahan ang likas na pagkatao ng sangkatauhan. Ito ay tinatawag na “pag-akit sa tigre na bumaba ng bundok” at “pag-akit sa lobo na lumabas ng yungib nito.”

Sa totoo lang, maraming aspeto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol, ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga salita upang dalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang mga tao. Kasabay nito, inihahayag din Niya at inaalis ang mga tao, pinagbubukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri, inihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing, trigo sa mga mapanirang damo, at mabubuting alipin mula sa masasama, at pagkatapos ay gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masasama. Kung ang Diyos ay magpapakita sa mga tao bilang isang espirituwal na katawan, kung gayon ang mabuti at ang masama ay magpapatirapa sa harap Niya. Paano kung gayon maihihiwalay ang mabubuti at masasama?

Samakatuwid, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagbubunyag ng lahat ng tao. Ang mga naghahanap ng katotohanan at nakikinig sa tinig ng Diyos ay matatalinong dalaga. Bagama't ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang ordinaryo at normal sa panlabas, makikilala Siya ng matatalinong dalaga bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus sa pamamagitan ng katotohanang Kanyang ipinapahayag. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Ang mga mangmang na dalaga, dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nagpapakita na ordinaryo at normal, basta-basta na lang hinuhusgahan, kinokondena, at nilalabanan Siya. Sila ang mga masasamang tao na nabunyag, mga layong dapat itiwalag at parusahan ng Diyos. Kaya, ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay naglalaman ng Kanyang dakilang karunungan, na nakakamit ang epekto ng pagbubukod-bukod ng mga tao ayon sa kanilang uri.

IV. Paano Sasalubungin ang “Anak ng Tao”: Makinig sa Tinig ng Diyos

Sa puntong ito, naniniwala akong nauunawaan ng mga kapatid na ang Panginoon ay babalik sa mga huling araw bilang Anak ng tao upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga tao. Sa gayon ay maaaring itanong ng ilan: Kung Siya ay isang karaniwan at normal na Anak ng tao, at hindi makikilala bilang Diyos mula sa Kanyang hitsura, paano natin masasalubong ang Anak ng tao na ito? Sa pamamagitan ng sama-samang pagsusuri ng ilang kasulatan, maaari nating mahanap ang ilang landas.

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

“Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).

Mula sa mga propesiyang ito, makikita natin kung paano salubungin ang Panginoon. Ito ba ay sa pamamagitan ng pakikinig gamit ang ating mga tainga, o sa pamamagitan ng pagtingin gamit ang ating mga mata? Tama, sa pamamagitan ng pakikinig gamit ang ating mga tainga. Kung ang pagbabalik ng Panginoon ay tunay na sa pagbaba sa isang ulap mula sa langit para makita ng lahat, kung gayon hindi na kailangang marinig ang tinig ng Diyos; sapat na ang pagtingin gamit ang mga mata. Ngunit dahil ang Panginoon ay nagbabalik bilang nagkatawang-tao na Anak ng tao, na lumilitaw sa panlabas bilang isang karaniwang tao, na walang  imahe ng Diyos, hindi supernatural, samakatuwid, makikilala lamang natin ang Anak ng tao na ito bilang ang nagkatawang-taong Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang tinig, sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas at mga salita. Kaya't sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Samakatuwid, ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang marinig ang tinig ng Diyos; saka lamang maaaring salubungin ng isang tao ang Panginoon. Ang tinig na ito ay tumutukoy sa maraming katotohanang ipinahayag ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik, mga katotohanang hindi pa naririnig ng mga tao noon. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6). Sinasabi nito sa mga tao na sa sandaling marinig nila ang isang tao na nagpapatotoo na ang Diyos ay nagpakita, gumagawa, at nagpahayag ng maraming katotohanan, dapat nilang agad na hanapin at siyasatin kung ang mga salitang ito ay mga salita ng Diyos, kung ang mga ito ay katotohanan. Kung ang mga ito ay katotohanan, dapat tanggapin at magpasakop ang mga tao, dahil naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Sa sandaling marinig nila ang mga salita ng Diyos, nararamdaman nila na ang mga ito ay katotohanan, na may awtoridad at kapangyarihan, at nadarama nila na ang mga salitang ito ay malalim, mga misteryo, hindi isang bagay na maipapahayag ng tao. Sa gayon ay matutukoy nila mula sa kanilang mga puso na ang mga salitang ito ay mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, ang tinig ng Diyos. Ganito naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at sinasalubong ang Panginoon, dahil tanging ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ang kayang magpahayag ng katotohanan; si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ngunit kung marinig ng mga tao ang mga salita na ipinahayag ng Anak ng tao at hindi nagpapakita ng interes, tinatrato ang mga ito nang basta-basta, o tumatanggi na tanggapin ang katotohanan, ang gayong mga tao ay ang mga mangmang na dalaga at iiwan ng Panginoon, maiiwan upang magtangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa malalaking sakuna.

Tanong: Sa anong paraan magbabalik ang Diyos? 

A. Direkta at hayagang bababa sa isang ulap, sapagkat Siya ay ngkatawang tao na dalawang libong taon  ang nakalilipas. 

B. Sa palihim na paraan bilang isang Espiritu. 

C. Una, Siya ay muling magkakatawang-tao at darating nang palihim. Pagkatapos, Siya ay bababa sa publiko sa isang ulap. 

D.Hindi ako sigurado.


Ang tamang sagot ay letter⭐C. Una, Siya ay muling magkakatawang-tao at darating nang palihim. Pagkatapos, Siya ay bababa sa publiko sa isang ulap. 

Tanong: Ilang beses nagkatawang-tao ang Diyos? 

A. Isang beses lang, 2000 taon na ang nakalilipas. 

B. Dalawa, ang una ay noong 2000 taon na ang nakalilipas, at ang ikalawa ay sa mga huling araw. 

C. Hindi ako sigurado.


Ang tamang sagot ay letter⭐B. Dalawa, ang una ay noong 2000 taon na ang nakalilipas, at ang ikalawa ay sa mga huling araw. 

Tanong: Sa anong yugto mas kapaki-pakinabang para sa atin na salubungin ang Panginoon? 🤔 

A. Maghintay lang na makita ang pagbaba ng Panginoon sa ulap sa Kanyang espirituwal na anyo. 

B. Sa pagdating ng Panginoon sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, kilalanin at salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. 

C. Hindi ako sigurado.


Ang tamang sagot ay letter⭐B. Sa pagdating ng Panginoon sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, kilalanin at salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

4. Ano ang mga Kahihinatnan ng Hindi Pagsalubong sa Panginoon Habang Sumasampalataya sa Kanya?

Mga kapatid, pagkatapos talakayin ang mga propesiyang ito na sinabi mismo ng Panginoong Jesus, naniniwala ako na lahat ay may kaunting pagkaunawa kung paano darating ang Panginoon sa mga huling araw at kung anong gawain ang Kanyang isasakatuparan. Ang pagbabalik ng Panginoon ay nahahati sa dalawang yugto: ang lihim na pagparito at ang hayagang pagparito. Una, ang Panginoon ay paparitong tulad ng isang magnanakaw—iyon ay, ang Diyos ay nagkatawang-tao upang palihim na bumaba, ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang pangunahing layunin ay gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay. Tumpak na tumutupad ito sa propesiya, “Ang pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsisimula nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, palihim na bumaba, nagpapahayag ng katotohanan, at humahatol sa buong sangkatauhan. Una, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Dinadalisay Niya, inililigtas, at ginagawang mga mananagumpay ang mga nakikinig sa Kanyang tinig at dinadala paitaas sa harap Niya. Pagkatapos ay babalik ang Diyos sa Sion, magsisimula ng bumagsak ang malalaking sakuna, at magsisimula na rin ang Diyos na gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama, ginagamit ang mga sakuna upang parusahan at wasakin ang lumang mundo. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling ay umabot na sa rurok nito. Kapag ang Diyos ay bumaba sa isang ulap at nagpakita sa publiko, ang gawain ng paghatol ng Diyos ay ganap ng natapos. Pagkatapos nito ay lilitaw na ang kaharian ng Diyos. Kaya, kung gusto nating maging matatalinong dalaga, kailangan nating salubungin ang palihim na bumabalik na Anak ng tao bago ang mga sakuna. Ito rin ang dahilan kung bakit paulit-ulit na sinabi ng Panginoon, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).  Bakit ito sinabi ng Panginoon? Ito ay dahil sa Kanyang lihim na pagdating, nais ng Panginoon na matuto tayong makinig sa katotohanang ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos, upang masalubong natin Siya. Pagdating ng Anak ng tao, aakayin Niya tayo sa buong katotohanan. Sa huli, ang Panginoon na dumarating nang palihim ang magliligtas sa atin at magbibigay ng Kanyang mga pangako.Ang Panginoon na dumarating nang hayag ay gagawa ng gawain ng pagpaparusa, upang lipulin ang mga puwersa ni Satanas at ng mga anticristo. Sa panahong iyon, matatapos ang gawain ng Diyos, at wawakasan ng Diyos ang kapanahunan. Samakatuwid, hindi sinabi sa atin ng Panginoon na salubungin ang Kanyang pagpapakita sa publiko, sa halip ay manatiling mapagbantay at maghintay na salubungin ang Kanyang lihim na pagparito. Kung patuloy nating hihintayin at sasalubungin ang pagbaba ng Panginoon sa isang ulap, hindi tayo makakatanggap ng mga pagpapala bagkus ay kapahamakan. Ang ating kahihinatnan ay magiging katulad ng kay Tomas, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka't Ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya” (Juan 20:29). Samakatuwid, kung maniniwala tayo sa sandaling marinig nating ipahayag ng Anak ng tao ang katotohanan bago natin makita ang Panginoon na bumaba sa isang ulap, tayo ay pagpapalain at peperpektuhin tungo sa pagiging mga mananagumpay. Ito ang mga unang bunga, at sila ang pinakapinagpala.

🔑 KEY POINTS

1. Dalawang Yugto ng Pagbabalik ng Panginoon

  • Lihim na Pagparito:
    – Dumating ang Panginoon tulad ng magnanakaw.
    – Nagkatawang-tao Siya bilang Anak ng tao.
    – Ipinapahayag ang katotohanan at isinasagawa ang paghatol sa mga huling araw.
    – Layunin: Gawing perpekto ang mga mananagumpay.

  • Hayagang Pagparito:
    – Pagkatapos ng lihim na gawain, bababa ang Diyos sa ulap, hayagang magpapakita.
    – Gagawin Niya ang gawain ng pagpaparusa sa masasama at gantimpala sa mabubuti.
    – Magwawakas ang Kanyang gawain, at itatatag ang kaharian ng Diyos.

2. Gawain ng Paghatol sa Mga Huling Araw

  • Nagsimula ito sa bahay ng Diyos—ibig sabihin, sa mga nananampalataya.

  • Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan,
    – Dinadalisay at inililigtas ang mga tao.
    – Ginagawa silang mga mananagumpay (unang bunga).

3. Ang Katungkulan ng Tao: Maging Matatalinong Dalaga

-Makinig sa tinig ng Diyos sa Kanyang lihim na pagdating.

-Tanggapin ang katotohanang Kanyang ipinapahayag bago ang Kanyang hayagang pagpapakita.

-Ang pagkilala sa tinig ng Anak ng tao ay tanda ng pagiging tunay na tupa ng Diyos (Juan 10:27).

4. Babala at Pangako

-Yaong naghihintay lamang sa pagdating sa ulap, tulad ng mga mangmang na dalaga, ay malalampasan ang pagbabalik ng Panginoon.

-Hindi nila matatanggap ang mga pagpapala—sa halip ay kapahamakan ang aabutin nila.

-Pinagpala ang mga sumampalataya at tumanggap sa katotohanan kahit hindi pa nila Siya nakikita (Juan 20:29).

Blocking the way

“Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayg 1:7)

Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.

Kaya, nang nagkatawang-tao ang Diyos sa ikalawang pagkakataon at dumating sa mga huling araw, kung hindi tatanggapin ng mga tao ang Anak ng tao na ito na nagpapahayag ng katotohanan, hindi tatanggapin ang katotohanang ipinahayag mula sa Kanyang bibig, at hihintayin lamang ang pagbaba ng Panginoong Jesus sa isang ulap, kung gayon sila ay nakatadhanang hindi masalubong ang Panginoon, na nakatadhanang maging mga taong mahuhulog sa mga sakuna upang parusahan at wasakin. Sa mga huling araw, tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makakapagpahayag ng katotohanan at makakagawa ng gawain ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas sa tao. Kung ang mga tao ay puno ng mga kuru-kuro tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, tinatanggihan at kinokondena Siya, kung gayon, itinatakda nila ang kanilang sarili laban sa Diyos at makagagawa ng isang kakila-kilabot na kasalanan, na hahantong sa walang hanggang kapahamakan!

Pagkatapos makinig sa sermon ngayon, maaaring may mga taong nababahala: Lagi kaming naniniwala na ang Panginoon ay bababa sa isang ulap sa mga huling araw; halos ang buong relihiyosong mundo ay naniniwala dito. Ito ang unang pagkakataon na narinig namin na ang Panginoon ay unang babalik sa katawang-tao. Napakabago ng pahayag na ito, at nahihirapan akong paniwalaan.

Sa gayon, gusto kong magtanong sa lahat: Ibig bang sabihin kapag bago ang isang bagay, mali na ito? Kapag bago ba, huwad na agad? Mayroon bang anumang sinabi namin ngayon na sumasalungat sa Bibliya? Wala. Dahil ang Bibliya ay talagang ipinropesiya ang dalawang paraan kung paano darating ang Panginoon, ang ating sermon ay ganap na naaayon sa mga propesiya ng Bibliya. Kailangan nating bitawan ang ating mga personal na kuru-kuro at imahinasyon, at hindi bulag na tukuyin ang paraan ng pagdating ng Panginoon batay sa isang talata ng Bibliya. Alam ba ninyo kung bakit, 2,000 taon na ang nakalilipas, buong Judaismo ang sabik na naghihintay sa pagdating ng Mesiyas, pero nang dumating ang Panginoong Jesus, hindi nila Siya nakilala bilang ang Mesiyas, bagkus ay ipinako Siya sa krus? Ito ay dahil nililimitahan nila ang Mesiyas sa loob ng kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Kumapit sila sa ilang mga salita at parirala sa mga propesiya sa Bibliya, na naniniwalang ang Mesiyas ay dapat ipanganak sa isang palasyo gaya ng isang hari, samantalang ang paraan ng pagdating ng Panginoong Jesus ay ibang-iba sa kanilang imahinasyon at pinaniniwalaan. Nahirapan silang bitawan ang kanilang tradisyonal na paniniwala, kaya nabigo silang makilala ang Panginoong Jesus bilang Mesiyas, ipinako Siya sa krus, nakagawa ng karumal-dumal na kasalanan, at tuluyang naiwala ang pagliligtas ng Panginoon. Ang kanilang katigasan ng ulo, pagmamataas, labis na kumpiyansa, at kamangmangan ang nagtuldok ng kanilang kapalaran. Ganoon din sa mga huling araw. Kung tayo ay matigas ang ulo na kumapit sa ating sariling mga imahinasyon, o naniniwala sa anumang sabihin ng ating mga pastor, kung gayon ay malaki ang posibilidad na makagawa tayo ng parehong pagkakamali gaya ng mga Hudyo—naniniwala sa Panginoon ngunit bigong salubungin Siya at tuluyang naiwala ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw. Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas kaysa sa kalangitan. Ang gawain ng Diyos ay hindi napipigilan ng sinuman; gumagawa Siya ayon sa Kanyang sariling plano at sa ating mga pangangailangan. Kahit na ang lahat ng sangkatauhan ay sumalungat at hindi nauunawaan Siya, hindi nito mababago ang plano ng Diyos. Para sa Diyos na muling magkatawang-tao sa mga huling araw upang magpakita at gumawa ay isang malaking pagpapala at kaligtasan para sa atin na isinilang sa mga huling araw. Ito ay kumakatawan sa pag-ibig at pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan. Sa tuwing magkakatawang-tao ang Diyos, ang ibig sabihin ay magdurusa Siya sa pagtanggi ng tao, habang tayo namang mga tao ang nakikinabang. Kung sasabihin mo, “Hindi ko lang ito hindi matatanggap, hindi ko lang ito maunawaan,” at sa huli, ikaw mismo ang magdurusa ng kawalan. Ang pagparito ng Panginoon ay isang mahalagang kaganapan. Nawa’y seryosohin ito ng lahat, siyasatin itong mabuti, at huwag palampasin ang mahalagang pagkakataong ito—baka pagsisisihan mo ito habambuhay.

1: Pamagat Huwag Limitahan ang Diyos sa Sariling Kuru-kuro

  • Batay sa mga propesiya at aral ng Bibliya

2: Panimula

  • Ang pagbabalik ng Panginoon ay isang mahalagang kaganapan

  • Kailangan itong seryosohin at siyasatin

  • Marami ang maaaring magkamali sa maling inaasahan

3: Hindi Lahat ng Bago ay Mali o Huwad

  • "Kapag bago ba, huwad na agad?"

  • Hindi lahat ng bago ay taliwas sa katotohanan

  • Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa bawat kapanahunan

4: Pagsuway ng mga Hudyo Noon

  • Inasahan nila ang Mesiyas bilang isang hari

  • Si Jesus ay dumating nang mapagpakumbaba

  • Hindi nila Siya tinanggap at ipinako sa krus

5: Aral Mula sa mga Hudyo

  • Kumapit sa kuru-kuro at tradisyon

  • Hindi siniyasat ang bagong gawain ng Diyos

  • Nawalan ng pagkakataong maligtas

6: Babala para sa Ating Panahon

  • Kumakapit sa sariling imahinasyon

  • Bulag na paniniwala sa relihiyosong pinuno

  • Maaaring hindi natin masalubong ang pagbabalik ng Panginoon

7: Ang Gawain ng Diyos ay Hindi Malilimitahan

  • Ang Diyos ay gumagawa ayon sa Kanyang plano

  • Hindi Siya naaapektuhan ng opinyon o pagtutol ng tao

  • Nagpapahayag Siya ng katotohanan para sa kaligtasan ng sangkatauhan

8: Pagkakatawang-tao sa mga Huling Araw

  • Malaking pagpapala sa sangkatauhan

  • Patunay ng pag-ibig ng Diyos

  • Kailangang tanggapin at pahalagahan

9: Paalala at Panawagan

  • Huwag sabihing "Hindi ko lang ito maunawaan"

  • Ang hindi pagtanggap ay magdudulot ng kawalan

  • Maghahanap ang Diyos ng matatalinong dalaga

10: Buod na Hamon

  • Huwag tularan ang pagkakamali ng mga Hudyo

  • Buksan ang puso sa bagong gawain ng Diyos

  • Huwag palampasin ang pagdating ng Panginoon

11: Pangwakas na Talata

  • "Mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya" (Juan 20:29)

  • Ang pananampalataya ay susi upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon

12: Pagsasara

  • Siyasatin ang katotohanan

  • Tanggapin ang bagong salita ng Diyos

  • Huwag palampasin ang pagkakataon ng kaligtasan


Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y dumating bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. (2 Juan 1:7). 


Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na. (1 Juan 4:2-3)

Ngayon ay ibuod natin ang dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoon: 

🍀Kaya, mayroong dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoong Jesus.


👉1. LIIHIM NA PARAAN:

 Ang Diyos ay unang darating na magkatawang-tao muli dito sa mundo sa pangalawang pagkakataon, upang magsalita ng mga bagong salita, upang dalisayin at gawing banal ang mga tunay na mananamapalataya upang matigil sa pagkakasala at maging perpekto at maging kwalipikadong makapasok sa kaharian .


👉2. PAMPUBLIKONG PARAAN : 

 Pagkatapos ng gawain ng Diyos sa lihim na nagkatawang-tao ay tapos na at nakumpleto na ng Diyos ang grupo ng mga mananagumpay,  darating na ang mga malalaking sakuna. Ang Diyos ay magpapadala ng mga sakuna upang gantimpalaan ang mga mabubuti at parusahan ang masasama. At pagkatapos ng mga sakuna, ang Diyos ay magpapakita sa lahat ng bansa at sa lahat ng tao sa isang ulap.

kaya paano natin patid  dapat masalubong ang pagbabalik ng Diyos, 

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).


“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Q- Kung hindi natin sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw sa tingin niyo makakaligtas ba tayo sa mga sakuna at makakapasok sa kaharian ng Diyos ?


✅TANONG 1:
Sa papaanong paraan ang pagbabalik ng Panginoon? Ilang paraan ang pagbabalik ng Panginoon?

isang paraan? o dalawang paraan?


Sagot:_____________????


Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡

👇👇👇👇👇👇👇 click ang link 

https://m.me/100004652448365 

✅TANONG 2:
Ano ang ibig sabihin ng pagbabalik ng Panginoon nang palihim?

bilang isang espiritu ba? O sa magkakatawang-tao?



Sagot:_____________????


Send mo ang sagot kay 𝗣𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡

👇👇👇👇👇👇👇 click ang link 

https://m.me/100004652448365 

Susunod na topic 

Sa parehong oras bukas, pag-uusapan natin ang misteryo ng gawain ng paghatol ng Diyos.


Ang gawain ng paghatol ay ipinropesiya nang higit sa 200 beses sa Bibliya. Ito ang pinakamahalagang bagong gawain na gagawin ng Panginoong Jesus sa mga huling araw.

Sabi sa Bibliya: “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Diyos?” (1Pedro 4: 17).

Sino ang naninirahan sa tahanan ng Diyos?

Ang mga naniniwala ba sa Diyos o ang mga hindi naniniwala? —Ang mga naniniwala sa Diyos.

1. Bakit nagsisimula ang paghuhukom sa atin na naniniwala sa Diyos?

2. Napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, kaya bakit gagawin pa ng Panginoong Jesus ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

3. Ano ang kaugnayan ng gawain ng paghatol sa ating pagpasok sa kaharian ng langit?

4. Paano gagawin ng Panginoong Jesus ang gawain ng paghatol? Paano Niya hahatulan ang mga naniniwala, at paano ang mga hindi naniniwala?

Ang gawain ng paghatol ay mahalaga sa iyo, sa akin, at sa bawat isa sa atin. Ang gawaing paghatol na ito ang magtatakda ng ating huling destinasyon, kung saan tayo patutungo—sa kaharian ng langit o sa impiyerno. Kaya’t taimtim kong inaasahan na hindi ninyo palalampasin ang paksa bukas. Sa ating talakayan, mahahanap ninyo ang daan patungo sa kaharian ng langit.


Makikibahagi ka ba bukas? 😊

Google Sites
Report abuse
Page details
Page updated
Google Sites
Report abuse