Ang "Assessment in Learning 2" ay isang kurso na karaniwang bahagi ng curriculum sa edukasyon, partikular sa mga programa na naglalayong magturo ng mga prospective na guro. Ang kursong ito ay nakatuon sa mga pamamaraan, prinsipyo, at kasanayan sa pagtatasa ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang iba't ibang uri ng assessment, tulad ng formative at summative assessments, pati na rin ang pagbuo ng mga tools, mga iba't ibang uri ng grading system, at techniques para sa epektibong pagsusuri ng pag-unlad ng mga estudyante.
Marami pa akong natutunan sa asignaturang ito. Una na dito ay ang paggawa ng rubrics. Hirap na hirap ako mag construct at gumawa nito ngunit sa tulong ng asignaturang ito ay alam ko na kung paano ito gagawin. Susunod ang paggawa at pag compute ng mga grades na hindi ginagamitan ng excel. Napakahirap at napakamatrabaho talaga nito ngunit hindi iyon ang dahilan para hindi ako magpatuloy sa aking ginagawa. Mas nag pursige akong matuto dahil para din naman ito sa aking sarili at natutunan ko nga ito. Ang gusto ko pang matutunan ay ang paggawa ng detalyadong rubrics dahil hindi ko pa masyadong alam kung paano ito gagawin nang tama at angkop talaga sa kompetensi. Ang hindi ko makakalimutan sa kursong ito ay ang araw araw na learning tasks. Bawat pagtatapos ng klase ay may ibibigay na gawain at ipapasa sa susunod na tagpo. Mahirap man ngunit nagpapasalamat pa din ako dahil alam ko na sa pamamagitan ng mga gawain na ito ay mas mahahasa ang aming kaalaman.
Nadiskubre ko sa aking sarili ang mga kahinaan at kalikasan sa asignaturang ito. Ang kalakasan ko ay ang mga computation kagaya ng pag compute sa grading ng k to 12 system. Madali lang akong makaintindi kung ano ang gagawin at kung papaano gagawin. Ang kahinaan ko naman ay ang pag intindi sa mga Rating Scale at makakalimutan ko talaga na dapat naka pokus sa mga saloobin at pag-uugali ng mga mag-aaral. Upang mas mapabuti ako sa aking mga kahinaan ay dapat kong mahinuha ang mga ito at mas dapat ko pa galingan dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako basta basta sumusuko at may determinasyon ako para mas matuto.
Ang aming guro sa asignaturang ito na si G. Helmar Ycong ay isa sa pinakamagaling na guro na aking nakasalamuha. Ang pinaka gusto ko sa kanya ang palaging organisado sa kanyang klase. Ang kanyang mga paliwanag sa kanyang ituturo ay simple at naiitindihan namin lahat. Hindi kami inaantok kapag nagsisimula na ang kanyang klase dahil marunong siyang magpatawa at gumawa ng mga jokes. Malikhain din ang kanyang pagtatala ng attendance. Naging makabuluhan ang samahan at talakayan sa buong semestre nang dahil po sa inyo. Kahit hindi na ikaw ang magiging guro ko sa hinaharap ay patuloy parin akong humahanga sayo sir. Hinding hindi kita makakalimutan. Jokes mo palang sir, alam kong ikaw. Sa dalawang semestre na ikaw ay naging guro sa akin, marami akong natutunan na dadalhin ko sa hinaharap kapag ako may magiging guro na. Isang napakalaking salamat G. Helmar Ycong.
Sa kabuuan, nakakamangha at makabuluhan ang naging takbo sa semestreng ito. Marami akong karanasan na hindi ko makakalimutan. Ang mga kasanayan na aking natutunan. Babaonin ko ang aking kaalaman at kasanayan na natutunan ko sa dalawang semestre na to. Ito ang magsisilbing inspirasyon sa aking pangarap na maging guro. Lubos kong pinapasalamatan ang mga taong naging bahagi upang malapampasan ko ang pagtatapos ng semestre na ito.