TYPES OF GRADING SYSTEM
TYPES OF GRADING SYSTEM
REPLEKSYON
Ang mga grading system ay mahalagang aspeto ng edukasyon dahil nagbibigay ito ng malinaw na pamantayan sa pagtatasa ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral. Ang letter Grades ay nagbibigay ng simpleng representasyon ng pagganap ng mag-aaral sa pamamagitan ng mga letter, ngunit maaaring hindi ito laging makatarungan o sapat upang ipakita ang tunay na kakayahan ng mag-aaral. Samantalang ang Norm-referenced grading system ay nagbibigay ng mas detalyadong pagsusuri ng pagganap, maaari naman itong magdulot ng sobrang stress at pagkabalisa sa mga mag-aaral. Ang pass/fail grading system ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng stress ngunit hindi nito laging nabibigyan ng tamang insentibo ang mga mag-aaral upang magsikap. Ang criterion-referenced grading ay nakatuon sa pagsusuri batay sa mga partikular na pamantayan o layunin, na nagbibigay-diin sa kung ano ang dapat matutunan ng mga mag-aaral. Sa pagsagot ko ng gawain na ito ay nahihirapan akong sagutin. Hindi ko kasi gaanong alam at hindi din ako sigurado sa ibabang parte (Vein Diagram) kung ano ang isasagot ko. Pero naiitindihan ko naman lahat ng iyan. Sa kabuuan, kapag ako ay maging guro sa hinaharap, ang gagawin kung grading system ay dapat nakabatay sa layunin ng edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral.