ORIGINAL WRITTEN REPORT
ORIGINAL WRITTEN REPORT
REVISED WRITTEN REPORT
CRITERIA FOR ORAL REPORTING
REPLEKSYON
Ang karanasan ko sa paggawa ng written report at oral reporting ay parehong may kahalagahan sa aking pag-aaral. Sa written report, natutunan kong magsaliksik nang mabuti at ayusin ang mga impormasyon nang malinaw at lohikal. Mahalaga ang written report na ito dahil ito ang nagbibigay-daan upang maipahayag ko nang detalyado ang aking mga natutunan at nasaliksik. Nakaka-engganyo rin ito dahil nagkakaroon ako ng pagkakataon na magpakita ng aking kaalaman. Samantala, sa oral reporting naman, napalakas ang aking tiwala sa sarili at natutunan kong makipag-ugnayan nang mas epektibo sa aking mga kaklase. Mahirap man sa umpisa dahil sa kaba, pero unti-unti kong napagtanto na ito ay isang paraan upang mahasa ang aking kasanayan sa pagsasalita at pagbibigay ng presentasyon. Nakatulong ito upang mas maging handa ako sa mga sitwasyong kailangan kong magsalita sa harap ng publiko lalong lao na at ako ay magiging guro sa hinaharap. Ang mga komento ng guro at kaklase sa aming oral reporting ay nagbibigay inspirasyon sa akin na mas gagalingan ko pa sa susunod.