Ang ibig sabihin ay kasama ako na makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan. Mahalaga na makita ng bawat tao ang katotohanan dahil kung hindi, magiging bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na makakaapekto sa kaniyang isip upang magsuri at makaalam.
Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan.
Mahalaga sa paninindigan ng katotohanan.
Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika nito. Ito ay malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahihiwatig na kung ano ang wala sa isip ay hindi dapat isawika.
Isang obligasyon ang pagtupad ng tao sa kaniyang tungkulin at mga gawain. Kung mapaninindigan ng tao ang kaniyang kilos at reaksiyon sa isang sitwasyon, matatamo niya ang mataas na pagpapahalaga dahil mas higit ang pagpili niya na umanib sa katotohanan at maging mapanagutan sa aspektong ito.”
Isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.
Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan
Nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa
Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito
Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag
Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon.
Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding dahilan upang gawin ito
Ang lihim ay maaring magbunga ng sakit at panganib sa taong nagtatago nito
Maaaring itago ang katotohanan gamit ang mental reservation
Mental reservation-ang maingat na paggamit ng salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
Ang iba't ibang aspeto ng pagbibigay ng malawak na paliwanag at kahulugan sa mga isyu:
Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo – ang magulang at mga tagagabay ay may karapatan na malaman ang katotohanan tungkol sa kanilang mga anak at maging sa kanilang pinangangasiwaan.
Magandang intensiyon sa paglilihim dito – hindi man matatawag na tunay na makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa pagtatago ng mga lihim gaya ng edad, tirahan, o personal na impormasyon gaya ng isang charitable institution na humahawak sa talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa mga taong mapanghusga.
Sa prinsipyo ng confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang naayon sa isip, ito rin ay maipapahayag sa malalim na pag iisip, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan
Ang pagiging totoo ay solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba sa pananaw at opinyon, hindi pagkakaunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakakabawas ng pagka-hiwahiwalay
Prinsipyo ng Intellectual Honesty ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi lamang indikasyon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan, kundi isang kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao.
Magpahayag sa sariling paraan. Magagawa ito sa paraan na malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pagpapaliwanag o pagbuo ng ideya at konsepto.
Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo.
Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at pagbuo ng sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na magpahayag.
Paglabag sa Karapatang-ari (copyright infringement)
Naipapakita kapag ginamit ng walang pahintulot ang orihinal na gawa ng isang tao.
Pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987.
Malalabag ito sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
Copyright holder ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersyo.
Ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw o ilegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan. Ito ay may kilos ng paglabag sa karapatang-ari
Ang theft ay isang krimen na hindi lamang literal na pagnanakaw kundi ito rin ay lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito.
Dahilan kung bakit nahihikayat gawin o paulit-ulit na pagsasagawa nito.
Presyo. Kawalan ng kakayahan na makabili dahil sa mataas na presyo
Kawalan ng mapagkukunan. Dahil ang produkto ay limitado sa mga pamilihan at may kahirapang hanapin.
Kahusayan ng produkto. Marami ang tumangkilik at napakinabangan ng lahat at nakatutulong sa iba.
Sistema/paraan ng pamimili. Komportable ang paraan na mapadali ang mga transaksiyon gamit ang online orders.
Anonymity. Dahil sa napakadali ng access sa internet, hindi na mahihirapan pang makuha.
Ang karapatang pang ari at prinsipyo ng fair use ay naglalayong magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng likha o gawa ng isang awtor o manunulat upang mapanatili ang kanilang karapatan sa pag-aari. Ito ay kinikilala ng batas at may ilang pangunahing eksepsyon:
Ang pagsasapubliko ng gawa nang walang bayad (free of charge), partikular sa mga mapagkawanggawa at panrelihiyosong institusyon. (Sek 184.1 Talata A)
Ang paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga nailimbag na gawa, basta't ito ay sumasang-ayon sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan na paggamit nito. (Sek 184.1 Talata b)
Ang paglalangkap ng mga gawa sa iba't ibang uri ng komunikasyon, tulad ng paglalathala at pagbabalita, para sa mga layuning pang-akademiko, asal na sumasang-ayon sa prinsipyo ng Fair Use. (Sek 184.1 Talata e)
Sa ilalim ng patakaran ng Fair Use, kung itatakda ng awtor, maaaring magamit ng ibang tao ang gawa ng awtor nang hindi humihingi ng pahintulot, partikular na para sa mga layuning tulad ng pagbibigay-komentaryo at pagpuna. Ito ay isang mahalagang limitasyon sa karapatan ng isang awtor sa kaniyang gawa.
Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
Tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.
Ang pagpapahayag ng katotohanan ay moral na obligasyon ng bawat tao. Ngunit dapat isaalang-alang ang konteksto at solusyon bago ito gawin. Mahalaga na unahin ang pakikipag-usap sa mga nasa mas mataas na posisyon sa organisasyon bago lumantad sa publiko. Kung mabibigong gawin ito, saka pa lamang magiging makatuwiran ang whistleblowing.
Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral. Isiping mabuti kung kapakanan ito ng nakararami. Magkalap ng impormasyon tulad ng kasalukuyang mga batas kaugnay ng sitwasyong kinakaharap.
Harapin nang buong tapang ang taong nakatataas sa iyo na gawin ang isang bagay na hindi mo ginawa - Kung mabibigong gawin ito, maaaring idulog ito sa may awtoridad at ipaliwanag na ang kilos ay mali at masama.
Kung ang lahat ng paraan ay ginawa na ngunit nabigong isakatuparan ang mga ito, isiping maigi kung dapat na ba itong ihayag sa publiko o midya.
Kung ilalantad ang isyu sa publiko, dapat na ito ay gawin at isakatuparan nang buong tapang. Ngunit mas higit na dapat mangibabaw ang interes at kabutihan ng nakararami kaysa sa pansariling interes.
Malawak ang impluwensya ng social media sa mga bata, maraming mga batang user ang sumasali sa mga platform tulad ng Facebook kahit na bago ang minimum na edad na kinakailangan. Ang maagang pagkakalantad sa social media ay maaaring makaapekto sa mga kritikal na kasanayan sa pag-iisip at pagbuo ng mga pamantayang etikal.
Itinatampok ni Manuel Dy ang pagkalito sa mga kabataan dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, na nakakaapekto sa kritikal na pag-iisip at mga pagpapahalaga sa lipunan
Ang pagtataguyod ng katotohanan ay mahalaga, dahil ang pagsisinungaling ay maaaring humantong sa pandaraya at pagwawalang-bahala sa mga karapatan ng iba. May papel ang social media sa pagpapakalat ng katotohanan ngunit gayundin sa mga isyu tulad ng plagiarism at whistleblowing. Isang hamon para sa mga indibidwal na panindigan ang pagiging totoo sa pang-araw-araw na sitwasyon sa kabila ng mga hamon sa lipunan.