Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit siya ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal, at lalaki.
May iba't ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik, Ito ay ang sumusunod:
1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento na Kasal
Ang premarital sex ay ang pagtatalik ng dalawang tao na hindi pa kasal sa isa't isa. Ang pananaw at pagtanggap dito ay nag-iiba-iba depende sa kultura, relihiyon, at personal na pananaw.
Sa ilang kultura at relihiyon, ang premarital sex ay itinuturing na hindi moral o hindi akma. Ito ay maaaring labag sa mga moralidad o paniniwala ng ilan, lalo na sa mga relihiyong nagtuturo ng abstinence o paghihintay hanggang sa kasal bago magkaroon ng pakikipagtalik.
Sa kabilang banda, may mga kultura at lipunan namang tinatanggap ang premarital sex basta't ito ay ginagawa nang may pahintulot at pag-unawa ng mga sangkot. Ito ay itinuturing na bahagi ng pag-express ng pagmamahal at intimacy sa ilang mga relasyon.
Mahalaga rin na isaalang-alang ang mga epekto ng premarital sex tulad ng emosyonal na epekto, posibleng pagbubuntis, at pangangailangan ng maayos na pagpaplano para sa hinaharap. Ang pag-unawa at respeto sa pananaw ng bawat isa ay mahalaga sa usaping ito.
Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalng, komitment at dedikasyon sa katapat na kasarian
Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat itong humantong sa pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki at babaeng nagmamahalan, kinakailangang ito'y binasbasan ng kasal.
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, "porne", na nangangahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw; at "graphos" na nangangahulugang pagsulat paglalarawan.
Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,larawan, o palabas). Layunin nito ang pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
Mga Epekto ng Pornograpiya sa Isang Tao:
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan na nahihirapan magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. Nakararanas ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at ang pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pagtatalik.
3. Ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin.
Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang- dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa. Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling. lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit.
Ano ba ang masama sa pornograpiya?
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang- dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa.
Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit. Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao; bagkus, tinatrato ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan. Sa ganitong paraan, ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang dignidad bilang tao. Hindi rin naisasagawa ang pagbibigay ng preperensiya sa kabutihan.
Pinakamatandang propesyon ay ang pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera. Dito binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makaramdam ng kasiyahang seksuwal.
Ayon sa pag-aaral, karamihan sa taong nasangkot dito ay nakaranas ng paghihirap, hindi na nakapag aral at walang muwang kung kaya't madali silang makontrol. Mayroon na maayos ang buhay ngunit sa pangaabuso na kanilang naranasan ay nagagawa nila ito.
Sinasabi bilang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw para sa pera. Dito ay binabayaran ang tao upang makipagtalik at ang umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
Mga Dahilan:
Karamihan sa mga nakakaranas ng prostitusyon ay nakakaranas ng hirap, hindi nakapag-aral at walang muwang kaya't sila ay madaling makontrol.
Mayroong nagkaroon ng maayos na pamumuhay ngunit nakaranas ng pang aabuso ng bata pa lamang kaya't nawalan ng respeto para sa sarili at minabuti nalang ba ipagpatuloy ang masamang karanasan.
Dahil nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kaya't naging tuloy tuloy na ang kanilang paggamit sa masamang gawain.
Ayon sa mga peminista marahil lamang na payagan ang prostitusyon dahil ito'y nagbibigay gawain sa mga walang trabaho lalo na sa mga kababaihan. Ito rin ay maaring maihalintulad sa isang manunulat na nagbebenta ng kanyang isip sa paraan ng pagsusult. At kung ito ay isinagawa ng may pagkagusto o konsento ay maaring sabihin na hindi ito masama. Mahalagang Maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para makadama ng kaligayahang kundi ito ay isang paraan na nag lalayong pag - isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng PAGMAMAHAL.
Ang pang-aabusong sekswal o tinatawag ding pang-momolestya ay isang pag-uugali ng tao na ipilit ang mga hindi kanais nais na gawaing sekswal sa ibang tao.
Maaari itong:
Paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba
Paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
Paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain
Pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya'y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
Bata/Kabataan
Mahihinang kalooban
Madaling madala
May kapusukan
Nabibilang sa mahihirap na pamilya
Nabibilang sa broken family
Panghihipo
Panggagahasa
Catcalling
Pagpapakita ng pornograpiya sa mga bata
Sekswal na panglilitis
Pag-aabuso ng masturbesyon sa sarili ay maaaring tawaging pang-aabusong sekswal sa sarili.
Pagsisisi sa sarili
Trauma o pagbalik at pagalala ng mga pangyayari
Depresyon
Pag-iisip ng kamatayan
Nakakaapekto ito sa pag-iisip ng kabuo-ang pagkatao ng biktima
Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pang-aabusong sekswal ay ang pagka-adik sa pornograpiya kung saan nagkakaroon sila ng paghihimok at nakakakuha ng impluwensya na gawin din ito sa ibang tao ngunit sa paraang pinipilit nila.
Ano ang karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o pumayag sa ganitong uri ng pagsasamantala?
Karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o pumayag dito ang kawalan ng kaalaman at karanasan, pangangailangan ng pagtanggap o pagmamahal, at impluwensya mula sa kapaligiran o media na nagbibigay ng maling mensahe o pagpapahalaga sa seksuwal na pakikipagtalik. Subalit mahalaga ring tandaan na bawat sitwasyon ay maaaring iba-iba, at hindi ito maaaring maging ganap na paliwanag sa lahat ng kaso.
Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos.
Ang pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa mga isyung pangseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan:
Nilikha ang Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya) na kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.
Ang seksuwalidad ay kaloob sa ating ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa ating sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng mga tao ay tumutukoy sa dalawang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal. Ito ay tumutugon sa layuning magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive). Anumang layuning taliwas sa dalawang nabanggit at magdadala sa ating sa katotohanang mali ang ating kilos sa paggamit ng ating seksuwalidad.
Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pakikipagtalik nang walang kasal, pagbebenta ng sarili sa prostitusyon, pagbabasa at pagtingin sa mga seksuwal na babasahin ay malaya nating magagawa, ngunit mabuti ba ang mga kilos na ito? Kaakibat ng malayang kilos at ang pananagutan na alamin kung ang mga ito ay mali at kung may maaapektuhan ba o wala. Nararapat na tingnan ng tao kung ano ang kalalabasan nito sa kaniyang sarili at sa iba kapag ito ay isinagawa.