Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumeriamo nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaaring magamit. Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan saang lugar na lamang. Ang bawat bagay na maltuturing na wala nang gamit ay kinokonsiderang wala nang halaga kung kaya't kadalasan itinatapon na lamang ito. Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara ang mga daanan ng tubig, kung kaya't kapag dumating ang malakas na ulan, di maiwasan ang pagbaha Dagdag pa rito ang paglaganap ng mga sakit.
Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Bukod pa rito, ang kanilang mga ugat ay itinuturing na tagapagdala at tagapag-ipon ng andleground water na siyang pinagmumulan ng malinis na inuming tubig na atin ding kailangan upang mabuhay. Kapag ang mga punong ito na may mahalagang papel na ginagampanan sa siklo ng materyal (cycle of materials) sa ating kapaligiran ay nawala kaya'y maubos, tiyak ang pagkakartion nito ng malawakang epeido sa mundo.
Ang hangin, tubig at lupa ay unti-unting dumurumi dahil sa mga maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na nagpapabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay. Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging nilalanghap.
Napagkalooban ang Pilipinas ng mga magagandang kagubatang tropikal kaya dito makikita ang iba't ibang uri ng mga halaman at mga hayop. Ngunit sa panahon ngayon, ang diversity dito ay unti-unting nauubos dahil sa malawakang pag-abuso ng tao rito. Maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging threatened, endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction. Dahil dito, ang balanse ng kalikasan (balance of nature) ay unti-unti na ring nawawala. Maraming uri ng mga hayop at halaman na may mahalagang papel na ginagampanan lalo sa pagkontrol ng iba pang uri ng hayop at halaman ang unti-unti nang nawawala o nagiging extinct na.
Ang Pilipinas ay pinagpala rin ng malawak at mayamang karagatan at iba't ibang anyong tubig. Dahil dito, maraming uri ng isda ang namumuhay sa mga ito, na nagbibigay ng kabuhayan sa maraming komunidad. Subalit, ang yamang dagat na ito ay unti-unting nauubos dahil sa patuloy na paggamit ng hindi wastong paraan ng pangingisda tulad ng cyanide fishing, dynamite fishing, at muro-ami. Ang mga ganitong pangingisda ay nagdudulot hindi lamang ng pagkawala ng mga isda kundi pati na rin ng pagkasira ng kanilang natural na tirahan. Ang labis at mapanirang pangingisda ay nagdudulot ng malaking epekto sa mga tao sa pamamagitan ng pagkawala ng likas na yaman na kanilang kailangan para sa kabuhayan.
Ang kakulangan sa suplay ng bigas, asukal, at iba pang produktong agrikultural ay nagaganap dahil sa pagbabawas ng lupang sakahan dahil sa pagtatayo ng mga subdivision, golf courses, hotel, expressways, at iba pa. Ito ay humahantong sa pagkabawas ng produksyon ng mga magsasaka, na nagdudulot ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao. Ang pagsira ng mga ilog, pagbaba ng antas ng dagat, at pagguho ng lupa ay sanhi ng maling praktis ng ilang mga kompanya tulad ng pagpapasabog ng mga bundok para sa pagkuha ng marmol, paghuhukay sa dalampasigan para sa black sand, at pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto, nikel, at iba pang yamang mineral sa karagatan. Ang ganitong mga gawain ay nagdudulot ng malaking pinsala sa kalikasan at ekolohiya ng bansa.
Patuloy na pagtaas ng temperatura gawa ng pagdami ng greenhouse gases lalo na sa carbon dioxide ng temperatura.
Patuloy na pag-init ng panahon na nakaaapekto hindi lamang sa temperatura pati na rin sa mga glacier at iceberg sa mga dagat ng mundo.
Tumutukoy sa pag - uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera.
Patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan sa pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units.
Sa kuwento ng paglikha na ating nabanggit, binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito. Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa kaniyang pamayanan. Kung kaya't lahat ng naisin niyang gawin sa kalikasan bilang kaniyang kapangyarihan dito ay nararapat na naaayon sa disenyo at kagustuhan ng Diyos na walang iba kundi ang Siyang tagapaglalang nito.
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang na ang tao ay magkakaugnay. Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa lisang kalikasan.
Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, kung gano kalaki ang kapangyarihan ng tao, kasabay nito ang paglaki ng gampanin niiya sa pamayanan. Ang paggamit at pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong pananagutan na bigyang pansin na nagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat. Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang epektong ginagawa natin sa kalikasan. Ginagamit natin ang ating kalikasan at kapaligiran na animo'y isang kasangkapan na hindi inaalala kung may maaapektuhan o wala. Minsan, walang habas ang ginagawa nating paggamit at wala ring pag-iingat na parang hindi ito mauubos.
Ang etikang pangkalikasan ay nagbibigay sa atin ng dalawang mahalagang tanong na kailangang sagutin natin kaugnay ng mga pangyayaring nagaganap ngayon sa ating kalikasan: Ano ang mga tungkulin natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit? Ang pagsagot sa unang tanong ay maaaring masagot sa pamamagitan ng pagsagot sa pangalawang tanong. Bakit mayrooon tayong pananagutan at tungkulin na pangalagaan ang ating kalikasan? Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo , dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.
Namumuhay sa kasalukuyan sa panahong ito kundi higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na panahon at henerasyon.
Sa pangagalaga sa kalikasan ay maari tayong matulungan ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan. Ngunit karaniwan, ang batas ukol dito ay walang ngipin. Hindi ito nasusunod dahil sa maling pagtutupad at pag-aabuso na rin dito, lalo na ng mga nasa kapangyarihan.
Kung susuriin at pag-aaralan, iisa lang ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakasunod-sunod at nangyayari ang mga ito. Ito ay dahil sa kapabayaan ng tao sa kalikasang ipinagkaloob ng Diyos. Hindi mangyayari ang mga ito kung hindi naging pabaya ang tao, na kung magmalabis ay walang pakundangan at walang habas. Hindi masisira ang isang bagay kung ito ay pangangalagaan, hindi mangyayari ang di dapat mangyari kung nagawa ng tao ang tamang pangangalaga sa kalikasang ipinagkaloob ng Diyos.
"Ang tungkulin natin na pangalaan ang ating kalikasan ay naka ugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan."
Ang Sampung Utos Para sa Kapaligiran ay mga prinsipyong gagabay sa pangangalaga ng kalikasan. Gawa ni Obispo Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace, ito ay mga prinsipyo ng makakalikasang etika na kanyang ginawa hango sa Compendium.
Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng kanyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas. Nangangahulugan ito na ang pananagutan ng tao tungo sa kalikasan ay nararapat na igalang at hindi gamitin para sa sariling pangkagustuhan. Ang pangangalaga na kailangan niyang gawin ay naaayon rapat sa kagustuhan o layunin ng Diyos nang likhain niya ito.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao. Ang bawat isa sa atin ay bunga ng kaisipan ng Diyos, ninais, minamahal, at may halaga. Kung kaya’t ang bawat nilalang ng Diyos, tao man o kalikasan, ay hindi kailanman maaaring tratuhin na mga kasangkapan o gamit lamang na maaaring manipulahin at gamitin nang hindi naaayon sa tunay nitong layunin.
3. Ang responsibilidad sa ekolohiya ay dapat na isapuso ng lahat bilang pagpapahalaga sa kalikasan na para sa kasalukuyan at hinaharap. Hindi lamang ito tungkulin ng ilan kundi isang hamon at gawain para sa buong sangkatauhan, sapagkat ang kalikasan ay kabahagi ng kabutihang pangkalahatan. Ang koneksyon ng lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga at magkakaugnay, tulad ng halimbawa ng pag-aalaga sa mga lamang-dagat tulad ng kabibi sa Japan na nagdudulot ng mas malusog na kapaligiran. Ang epekto ng pag-aabuso sa kalikasan, tulad ng paggamit ng kemikal na nakakasira sa ozone layer, ay hindi lamang lokal kundi global, na higit na naaapektuhan ang mga bansa at komunidad na may mas mababang antas ng yaman.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran, mahalaga ang pagbibigay-pansin sa etika at dignidad ng tao bago ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Bagamat maraming benepisyong dala ng mga bagong tuklas sa ilalim ng teknolohiya, mahalagang isaalang-alang ang pagpapahalaga sa kalikasan at pagiging responsable sa paggamit ng mga ito. Ang mga modernong imbensiyon ay naglalayong mapadali at mapabuti ang pamumuhay, kabilang na dito ang bagong uri ng gamot, kagamitan sa transportasyon, at komunikasyon.
Gayunpaman, paalala ni Papa Benedicto "Ang mga tanda o halimbawa ng pag-asenso o progreso ay hindi lahat para sa kabutihan."
5. Ang kalikasan ay biyaya na ibinigay ng Maykapal sa atin, at hindi dapat ituring na hiwalay sa ating mga gawain. Ang paggamit natin dito ay hindi masama kung gagawin natin ito nang may wastong pananaw at pag-aalaga sa likas na yaman. Dapat nating tandaan na tayo ang tagapangalaga ng mundong ating ginagalawan, at bilang ganun, may responsibilidad tayo na pangalagaan ito at gamitin ng maayos.
6. Ang politika ng kaunlaran ay dapat sumasalamin sa politika ng ekolohiya. Ang bawat hakbang tungo sa pag-unlad ay dapat nagtataglay ng respeto at pangangalaga sa kalikasan. Importante ang pag-aaral at pagpapahalaga sa integridad ng kalikasan sa bawat hakbang ng pag-unlad. Kinakailangan ding isaalang-alang ang limitasyon ng likas na yaman at ang posibleng epekto ng bawat aksyon sa kapaligiran. Ang kaayusan at balanse ng kalikasan ay dapat isama sa mga pang-sosyal, pang-kultural, at pang-relihiyosong layunin ng bawat komunidad. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng harmonya sa pagitan ng pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay. Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay nangangahulugan na ang bawat isa sa atin ay marapat na aktibong gumawa para sa pangkalahatang pag-unlad ng mga tao lalo na sa pinakamahihirap na rehiyon o bahagi ng mundo. Ang lahat ng nilikha ng Diyos lalo na iyong mga nagagamit ng tao ay nararapat na gamitin na may katalinuhan at kaalaman. Higit sa lahat, ang mga likas na yamang ay nararapat na ibahagi sa bawat isa sa paraang makatarungan at may pagmamahal.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin. Ang pagtutulungan o kolaborasyon ng bawat isang lahi sa pamamagitan ng pangmundong kasunduan na itinataguyod ng internasyonal na mga batas ay mahalaga upang mapangalagaan ang kapaligiran. Ang pananagutan sa kalikasan ay kinakailangang ipatupad sa nararapat na paraan sa lebel na juridicial. Ang mga batas na ito at pagkakaunawaan ay nararapat na gabayan ng mga pangangailangan sa kabutihang panlahat.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pag-alis sa kaisipang konsyumerismo at pagtanggap sa mga prinsipyo ng pagtitimpi, pag-aalay, at disiplina hindi lamang sa sarili kundi maging sa lipunan. Kinakailangang iwaksi ng bawat tao ang kaisipang konsyumerismo bagkus ay itaguyod ang mga paraan ng paglikha na nagbibigay-galang sa kaayusan ng mga nilikha. Ang pagbabagong ito ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kamalayan sa koneksyon na nag-uugnay sa lahat ng tao sa buong mundo.
10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad. Sa ganitong paraan ay magagamit na may pagmamahal. Ang ating pagtingin, pangangalaga, pagmamahal, saloobin, at paggalang sa kalikasan ay nararapat na mag-ugat sa pasasalamat at paggalang sa Diyos na siyang lumikha at patuloy na sumusuporta rito. Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos, ang kalikasan ay mawawalan ng kahulugan at mauuwi sa kahirapan.
Mahalaga ang tamang pagtatapon ng basura hindi lamang upang maiwasan ang pagbaha kundi pati na rin upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga programa at kampanya ukol dito, tulad ng pagtangkilik sa mga eco-friendly na paraan ng pagtatapon at pag-recycle, malaki ang magiging ambag mo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalikasan.
Ang pagsasabuhay ng prinsipyo ng 4R—reduce, re-use, recycle, at reclaim—ay isang epektibong paraan upang bawasan ang ating ecological footprint at maipanatili ang kalikasan. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga hindi kinakailangang bagay, paggamit muli ng mga bagay na maaaring mapakinabangan pa, at pag-recycle ng mga materyales, maaari nating mapanatili ang likas na yaman ng ating planeta.
Isa sa mga pinakaepektibong paraan upang mapanatili ang kalidad ng hangin at lupa, pati na rin ang pagpapabawas sa epekto ng pagbabago ng klima. Sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga programa sa paaralan o barangay para sa pagtatanim ng mga puno, maaari kang maging bahagi ng solusyon sa pagpapanatili ng kalikasan.
Ito ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa lipunan. Bilang isang mamamayan, mahalaga ang iyong papel sa pagtutulak ng tamang pagpapatupad ng batas, lalo na pagdating sa mga usapin ng pangangalaga sa kalikasan. Sa pamamagitan ng pagiging responsable at pagreport sa mga labag sa batas, makakatulong ka sa pangangalaga at pagpapabuti ng kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Malaki ang pagkakaiba ng mga salitang kailangan (need) at kagustuhan (want). Ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak ay nangangahulugang pamumuhay na naaayon sa kung ano ang mga pangangailangan lamang. Kapag ang tao ay namumuhay ayon sa kaniyang mga kagustuhan higit tong naging kumplikado na humahantong sa paghahanap at pag-aabuso ng mga bagay-bagay. Gamitin nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito ay may limitasyon at hangganan. Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis; dahil sa huli, tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito.
Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirahan. Kung kaya't sa malit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating mundo.