KULTURA AT PANINIWALA:
KULTURA:
Maraming iba’t ibang pangkat etniko anfg nanirahan sa Baguio kaya mayaman ang Baguio sa kultura. Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Relihiyosong Paniniwala. Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang masining na kultura ng Baguio City ay mula sa mga sining at pagpapahayag ng katutubong art hanggang sa paglalagay ng kahoy, gawaing pilak, paghabi. Ang Igorot ay isang primitibong pangkat etniko sa Pilipinas.
PANINIWALA:
SAPO (KULAM)- Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.
PAGLIBING- Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.
LIFE AFTER DEATH- Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.
Ang kultura at tradisyon ng mga Igorot ay popular dahil sa kanilang mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamgitan ng mga root crops at sa maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka. Mahalaga din sa kanila ang may mga ""tattoo"" sa katawan yamang may sinisimbolo ito sa katapangan at reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila ay maingat sa pagpili ng makabagong mga pananamit. Yamang pinalalaki silang higit na mahalin ang kanilang kostumbre.
RITUALS:
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.
Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.
Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.
TRADISYONAL/ KASUOTAN:
Bahag- Ang bahág ay isang uri ng katutubo at sinaunang kasuotan ng iba’t ibang pangkating etniko sa Filipinas,lalo na sa mga katutubo sa bulubundukin ng Cordillera. Karaniwang lalaki ang nagsusuot ng bahag, na isa ring uri ng tapis. Ito ay isang pahabâng tela na ibinabalot sa baywang at sa pagitan ng mga hita bilang panakip sa ari. Ang isang dulo ng tela ay nakalaylay sa harap at ang isa naman ay sa likod na tumatakip naman sa puwit. Kadalasang ang kababaihan naman ang humahabi sa tela at ang disenyo ng habi ay natatangi sa kanilang pangkat. Karanwang pulá ang pangunahing kulay ng bahag at putî at itim naman ang mga disenyo nitó.
Tapis- mayroong limang klase, iba’t iba ang mga sinusuot nilang uri o kulay ng damit kung may mga espesyal na okasyon o kung gusto nila ipakita ang kanilang katayuan sa buhay.
MGA AWIT:
Kas maysa A Sabong
Sang by; Dapyani & Samiklad
Dapyani
Kas maysa a sabong
Nga agayamuom
Iti kayarigak
Apo ditoy lubong
Toy kina ubing ko
Apo bendisyonam
tapno dumakelak
A kas pagayatam
Dumakelak Apo
Ti ting-nga ti anus
Da tatang ken nanang
A manag panunot
Toy kina ubing ko
Apo bendisyonam
tapno dumakelak
A kas pagayatam
Samiklad;
Aw adi anak ko
Permi San layad ko
Mo dumakdake ka sin aywan Diyos Apo
Kaman kan din sabsabong ay nabanglo-banglo
Mo kanayon ay si Apo Diyos kabadang mo
Din biag sin ay lubong
Arig Nan sabsabong
Mo aywanan Kristo mayat ay buybuyaen
Isu nga MANTALEK ka,
Man biyag ay nasantoan,
Ta si Apo Diyos kanayon ay malaylaydan
Apok sin biag ko
Sang by:Dapyani
Apok sin biag ko
Sik-ay mangipango
Mo sino dinlaydem
Say tungpalek
Sin nay ay biag ko
Ingatok ngadan mo
Madayaw kas kusto
ay Kristo
Ulay intoy pan dad-anak
Dontog uno dekkan
Apok sin nay biag ko
Sik-ay wada
Mo dumteng man di problema
Ay adak kabaelan
Apok sin nay biag ko
Tumulong ka
Ulay intoy pan dad-anak
Dontog uno dekkan
Apok sin nay biag ko
Sik-ay wada
Mo dumteng man di problema
Ay adak kabaelan
Apok sin nay biag ko
Tumulong ka
Apok sin nay biag ko
Tumulong ka
MGA TULA:
Malayo sa Tahanan
(Jennifer Joyce Bansan)
Lahat ay kakaiba
Ang klima at anyong lupa ay iba
Pananalita at mga pagkain ay naiiba
Mga pananampalataya ay hindi pamilyar
Pangungulila at pagmamaltrato ay nararansan
Pagkatuto ng mga salita y kailangan
Matuto at imulat ang isipan
Manatiling mabait at busilak
Mamuhay ng may integridad
At kakayanin lahat ng mga problema
Isang Sulyap ng Buhay Kong Kasama Ka
JENNIE-ANN W. PELIGMAN
I. Nabuo dahil sa lubos na pagmamahalan
Isang anghel ang nasilayan
Nagngangalang Jennie-Ann Peligman
Isinilang sa bayan ng Buyacaoan
II. Namulat sa kahirapan
Walang amang nasilayan
Tanging ina lamang ang naging sandalan
At diyos ang naging sandigan
III. Pang-aapi pangungutya ay naranasan
Pero patuloy paring lumalaban
Dahil may pangarap na kinakapitan
At diyos na kasama sa anumang laban
IV. Hangad ko ng maayos na kinabukasan
Kaya ngayon pagsisikap ang kailangan
Upang pangarap ay makamtan
At upang makaraos sa kahirapan
V. Salamat at nakilala ko nang lubos ang maykapal
Sa lugar na diko akalaing ako'y mapapamahal.
Makilala Sa panahong nawawalan na ako ng pag-asa
Lalo na noong panahong kailangan ko ng kasama
VI. Ikaw rin pala ang magpapabago ng aking pagkatao,
Magpapakilala sa tunay na ako at magpapaintindi sa mga nangyayari sa buhay ko
Salamat sa isang sulyap ng buhay kong kasama ka
Diyos na may likha ng buhay kong tinatamasa
Pilipinas Bayan mo, Bayan ko
(Gawa ni Adrian B. Cuesta)
Lumipas man ang maraming panahon,
Bayan mo, Bayan ko patuloy na bumabangon,
Sa Pag-usbong ng bagong henerasyon,
At natin ipagpatuloy ang nasimulan, na ito ay maging inspirasyon.
Mabuting mamamayan para sa bayan,
Maging mabuting halimbawa sa mga kabataan,
Turuan ang mga bata maging makabayan,
Sa paglago ng karunungan at kaalaman.
Tayo'y dapat magkaroon ng kamalayan, mga isyung pumapalibot sa lipunan,
Na dapat natin itong solusyunan,
Bata man o matanda dapat kumilos bilang mamamayan,
Para sa ikauunlad ng ating bayan.
Bilang mamamayan mahalin, ipagtanggol ang ating bayan,
Sapagkat ito ay ating pinagmulan,
Pagkakaisa at pagtutulungan,
Ang kailangan ng bansang aking sinilangan.
Ikaw, ako ay isinilang sa bansang Pilipinas,
Na may puso, isipan at lakas,
Na ating pagkakaisa ay patuloy nating pinapalakas,
Noon at ngayon, ang bansang Pilipinas ay malakas.
Magandang Lalawigan sa Baguio
(Justin Baban Jr.)
Sa isang bulubunduking nayon
Angking ganda, ika’y sasang-ayon
Natural na paraiso hindi imahinasyon
Patutunayan ng mga tao mismo roon.
Masarap at malamig na temperatura
Binabalik-balikan ng mga turista
Walang katulad at tiyak na kakaiba
Mangangatog sa lamig at sigurado’y mamamangha
O aking minamahal na lalawigan
Ako’y nabibighani sa taglay mong likas na yaman
Pag-ibig ko sayo’y walang pamantayan
Aliwin mo ako sa handog mong pangmalakasan
Lungsod ng Baguio
(Carla Marie Flores)
Ang malamig na simoy ng hangin
Sa pakiramdam ay kay sarap lasapin
Mga pine tree na nagkalat sa paligid
Ay kaaya-aya tignan dahil sa kanyang tindig
Mga bulaklak na makukulay
Sa paligid ay nagbibigay buhay
Lugar na bulubundukin
Sa layo ay kay sarap tanaw-tanawin
Ang lungsod ng Baguio
Kalimitan ay nakakaakit ng turismo
Sa gabi ay may mga ilaw na kumikinang
Sa dami ay hindi mabibilang.