PANGALAN AT LOKASYON NG BAGUIO CITY
PANGALAN AT LOKASYON NG BAGUIO CITY
Nais mo pa bang pahabain ang iyong paglalakbay, narito ang isa pa upang pukawin ang iyong pagkagusto sa paglalagalag. Ang lalawigan ng Baguio City o ang kialala bilang “Summer Capital of the Philippines.”
Ang Baguio ay isang punong-lunsod ng Cordillera Administrative Region o CAR na matatagpuan sa bahaging Luzon ng Bansang Pilipinas. Ang Baguio City ay unang tinawag na “Kafagway”. Ang salitang “Baguio” ay hango sa salitang ibaloi na “bagiw’ na ang ibig sabihin ay “lumot’, nakakatulong sa paglaki ng halamang mossy.
Ang Lungsod ng Baguio ay may taas na 1,600 metro sa ibabaw ng antas ng dagat, na matatagpuan sa loob ng Cordillera Central, bulubundukin sa hilagang Luzon. Mayroon itong katamtamang temperatura na 16°C, na mas malamig kaysa sa karamihan ng mga temperatura sa mababang lupain ng Pilipinas.
HEOGRAPIYA:
Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Central sa hilagang Luzon. Ito'y napapaligiran ng probinsiya ng Benguet. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5 kilometro kwadrado. Ang ayos ng lungsod ay naaayon sa naunang plano ng tanyag na arkitektong si Daniel Burnham. Ang bahay-pamahalaan ng lungsod ay itinayo sa mismong gitna ng lungsod.
Ang Lungsod ng Baguio ay kilala dahil sa kanyang katamtamang klima. Dahil sa kanyang taas, ang temperatura ng lungsod ay mas mababa ng 8 sentigrado kumpara sa temperatura sa mga mabababang lugar. Maburol ang kabuuan ng lungsod at ang kanyang mga lansangan ay ginawa ayon sa ayos ng lupa.
Ang Baguio (bigkas /bá•gyo/)
Isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region.
Napapalibutan ito ng probinsiya ng Benguet.
Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway.
Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong 1 Setyembre 1909.
Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'.
Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.
TURISMO:
Dahil sa klima, mga magagandang tanawin, at sa mga makasaysayang lugar sa lungsod, maraming mga turista ang gustong magbakasyon dito. Sa panahon ng tag-araw, halos nadodoble ang populasyon ng lungsod dahil sa dami ng mga dumadayo dito[9]. Dahil dito, mahigit sa walumpong hotel ang naitayo sa lungsod[10]. Marami ding mga bahay paupahan ang nagsislbing pansamantalang tirahan ng mga turista. Ang Panagbenga Festival ang isa sa mga pangunahing kaganapan sa Lungsod ng Baguio na humuhikayat sa mga turista na akyatin ang lungsod. Ito ay isang buwang pagdiriwang na binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikhasan sa panahon ng pamumulaklak ng mga halaman. Dahil din sa turismo, umusbong ang mga iba't ibang mga negosyo na nagbibigay serbisyo ayon sa mga pangangailangan ng mga turista.
HISTORY:
Ang lungsod ng Baguio ay napapaligiran ng lalawigan ng Benguet. Sinasaklaw nito ang isang maliit na lugar na 57.5 square kilometers. May tinatayang 345, 366 na tao mula sa ulat noong 2015 ng mga United Nations, na binubuo Ng halos 129 barangay. Napapalibutan ang Baguio ng Quirino Hill, Cabinet Hill – Teacher’s Camp, Engineer’s Hill at iba pang karatid bayan Ng Baguio. Ang mga karaniwang wika dito ay kankanaey, wikang ibaloi, wikang iloko at wikang tagalog, dito rin ginaganap ang isa sa kinakaaliwan na pista ng lahat, ang pista ng Panagbenga.
Nang angkinin ng mga Amerikano ang Pilipinas, nagsimulang makilala ang Baguio. Karamihan sa mga sundalong Amerikano na ito, mula Heneral hanggang sa pinakamababang klerk ay nagbakasyon sa tag-araw sa Baguio upang takasan ang init ng tag-araw. Pagkatapos ay pinangalanan nila ang lugar bilang Summer Capital of the Philippines. Dahil rin sa mataas na elevation nito, at dahil ang lungsod ay kilala sa banayad na klima nito binansagan ang Baguio bilang “Summer Capital of the Philippines”. Ang temperatura sa lungsod ay 8 degrees Celsius na mas mababa kumpara sa average na temperatura ng ibang bahagi ng bansa. Noong taong 1903, ang mga manggagawang Pilipino, Hapones at Tsino ay tinanggap upang gumawa ng unang kalsada na direktang nag-uugnay sa Baguio sa mababang lupain ng Pangasinan, ang Kennon Road.
Ang Baguio ay itinatag bilang istasyon ng burol ng Estados Unidos noong 1900 sa lugar ng isang nayon ng Ibaloi na kilala bilang Kafagway. Ito lamang ang istasyon ng burol ng Estados Unidos sa Asya. May centro Ito na tinatawag na Burnham at isa rin sa pangunahing bakasyonan ng mga naninirahan sa CAR. May subtropiko itong klima sa mataas na lugar malapit sa monsoon tropikal na klima. Nang bigyan ang Pilipinas ng kalayaan noong 1946, ipinagpatuloy ng lungsod ng baguio ang tungkulin nito bilang summer capital ng Pilipinas. Ipinagmamalaki ng Baguio ang isang makapigil-hiningang tanawin na talagang isang lugar na dapat pagmasdan.