Sa Burnham Park, May mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan kasama ang iyong mga kaibigan o kapamilya, tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang tanawin dito.
Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita ang mga tanawin dito.
Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng larawan kasama ang mga Igorot.
Sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga nakakamanghang bundok at mga minahan, mga nag gagandahang bulaklak at ang mga taong masayang nakikipagkwentuhan, karamihan ay mga magkakapamilya at magkakaibiganng namamasyal. Pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo doon. Madami ding mabibiling souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa katawan. Kung ikaw naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na mapagbibilhan ng mga masasarap na pagkain.
Ang Baguio Catholic Cathedral ay matatagpuan din sa puso ng Baguio City at isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding kwentong kababalaghan dito, may mga madre daw na nagpapakita tuwing madaling araw tsaka mga boses daw na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na din sa aking pananaliksik, marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation center ang Baguio City Cathedral 945.
Ay isang tanyag na palatandaang pook na matatagpuan sa Daang Kennon, isang pangunahing lansangang-bayan sa Luzon, Pilipinas na humahantong papunta sa Lungsod ng Baguio. Nakalagak sa Kampo 6 (Camp 6), ang Ulo ng Leon ay may sukat na 40 talampakan ang taas.