PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA 2025
"Nakikiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan (DCNHS) sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa ngayong Nobyembre!
Sa temang “PAGBASA: PAG-ASA SA MATATAG NA KINABUKASAN”, ating pahalagahan ang kapangyarihan ng pagbabasa bilang susi sa karunungan, pag-unlad, at pagbabago ng lipunan.
Iba’t ibang masayang gawain ang inihanda ng ating paaralan upang hikayatin ang bawat City Highers na yakapin ang kultura ng pagbasa — mula sa mga patimpalak, pampasiglang gawain, hanggang sa mga programang magpapaalab ng ating pagmamahal sa mga aklat at kaalaman.
Abangan ang mga anunsyo at iskedyul ng mga aktibidad!
Sama-sama nating ipagdiwang ang pagbabasa — daan tungo sa matalinong mamamayan at maunlad na bayan!"
Caption From: DCNHS - Filipino
BASA-THON CHALLENGE: “BASA MO, SELFIE MO!”
"Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa, iniimbitahan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan (DCNHS) ang lahat ng mag-aaral na makiisa sa masayang BASA-THON CHALLENGE!
Mechanics:
Pumili ng libro na iyong binasa o kasalukuyang binabasa.
Mag-selfie habang hawak ang napiling aklat.
I-post ang iyong selfie sa comment section ng post na ito.
Hikayatin ang iyong mga kaibigan na mag-react () sa iyong entry!
May apat (4) na mananalo mula sa mga post na may pinakamaraming reactions!
Deadline ng pag-post ng entri sa comment section: Nobyembre 8, 2025 ;extended hanggang Nobyembre 9
Deadline ng reactions sa napiling entri: Nobyembre 14, 2025
Announcement ng winners: Nobyembre 28, 2025"
Caption From: DCNHS - Filipino
BASA BUDDY 2025
"Magkasama sa Mundo ng Kuwento!
Basahin ang paborito ninyong aklat kasama ang inyong Reading Buddy!
Nob. 25–27, 2025 — Pagbasa na may Kasama
Kuhanan ng litrato habang nagbabasa at
Maglagay ng caption tungkol sa inyong karanasan sa pagbabasa nang magkasama.
Pinakamaraming heart reacts = PANALO!
I-flex n’yo na ang inyong binabasa kasama ang partner!"
Caption From: DCNHS - Filipino