Join our online PMES on December 21, 2020 1:30 PM
“Sipag, tiyaga, pananampalataya at diskarte ang puhunan sa buhay kung gusto mong umunlad.”- Mildred
Magandang Buhay!
Mga kasapi, isa na namang kwento ng tagumpay ng ating kapwa kasapi at kamay-ari sa kooperatiba na si Gng. Mildred E. Dohaylo ng Molino 7 ang nagbahagi ng kanyang kwento upang tayo ay bigyan ng panibagong INSPIRASYON.
Si Mildred ay ipinanganak sa Tarlac noong March 30, 1970 pang-apat sa limang magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang simpleng may bahay lamang, maagang naulila sa ama si Mildred, tanging pensyon lamang ng kanyang ama ang pinagkukunan ng ikabubuhay nila noon. Nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong secretarial si Mildred sa tulong ng kanyang kuya. Kalauna’y namasukan bilang empleyado sa isang textile company, taong 1990 namasukan din sya sa Phil ocean bilang isang empleyado.
Taong 1993 ng ikasal siya sa kanyang kabiyak na si Jose Dohaylo at biniyayaan ng talong anak. Taong 2008 ng masumpungan ni Mildred ang BS2MC sa pamamagitan ng miyembro at kaibigan na si Zita Dayalo, dahil sa tiwala at kagustuhang mapaganda ang buhay hindi nagdalawang isip si Mildred na maging kasapi ng kooperatiba. Unang naipundar ni Mildred sa tulong ng kooperatiba ay isang 64 square meter na lote sa Gen. Trias, Cavite.
“Sa koop talaga marami akong naipundar, lakasan lang ng loob talaga,madaling maka-utang basta alam mo rin naman sa sarili mo na may maipangbabayad ka sa uutangin mo, maliit pa ang interes. Kung umutang ka nang pang-negosyo ipangnegosyo mo talaga kasi hindi mo makikita yung resulta kung gagamitin mo lang sa mga walang kwentang bagay.”
“Malaki ang naitulong ng koop sa amin kabuhayan kung wala ang koop hindi naman ako magkakaroon ng palayan, mga pampasaherong tricycle, at multicab. Hindi ko kasi ugali ang mangutang kung wala naman akong paggagamitan o “project” kung tawagin ko para hindi masayang yung pera at hindi magastos sa kung saan-saan”
“Marami na rin akong naimbita na maging kasapi ng kooperatiba, sinasabi ko kasi sa kanila na mas matutulungan ka ng koop at maliit ang interes kesa sa mga bumbay.”
Sa ngayon abala si Mildred sa pag-aasikaso sa munting tindahan at patubig, tuwing linggo ay nagkakatay din sya ng baboy.
Dahil sa pag-agapay ng kooperatiba unti-unting gumanda ang takbo ng buhay ng pamilya ni Mildred. Sa ngayon nakapagpundar na sya ng palayan, dalawang bahay, limang (5) tricycle, multicab at mayroon munting tindahan.
Sa ngayon ay abala ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. Tunay nga na sa kooperatiba uunlad ka.
Tunay nga na sa Koop uunlad ka basta may sipag, tiyaga at diskarte ka!
“Basta’t good payer ka sa koop madali lang lumapit, kailangan din samahan ng sipag at diskarte kung gusto mo talagang umunlad”- Rico
Mga kasapi, isa na namang kwento ng tagumpay ng ating kapwa kasapi at kamay-ari sa kooperatiba na si G. Rico Nierras ng Queen’s Row West ang nagbahagi ng kanyang kwento upang tayo ay bigyan ng panibagong INSPIRASYON.
Si Rico ay ipinanganak sa Bato, Leyte noong January 24, 1974 pang-pito sa labingdalawang magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang tindera ng bigas, samantalang ang kanyang ama ay isa negosyante. Nang mamatay ang ina ni Rico at mawala ang kanilang kabuhayan, dahil dito elementarya lang ang natapos ni Rico.
Taong 1988 nang mapadpad si Rico sa Maynila, dito naranasan niyang magtrabaho bilang helper, mekaniko, nagging matadero rin si Rico, nang makaipon nagtayo ng negosyo, ngunit hindi rin nagtagal ang kanyang negosyo dahil niloko siya ng kanyang kasosyo.
Taong 1994 naman ng makilala ni Rico ang kanyang kabiyak na si Melchora, nabiyayaan sila ng dalawang anak na babae. Taong 2009 ng masumpungan ni Connie ang BS2MC sa pamamagitan ng miyembro at kaibigan na si Vicente Ngoho, dahil sa tiwala sa kaibigan hindi ng dalawang isip si Rico na maging kasapi ng kooperatiba.
“Nung una kaming nangutang kay koop hindi kami nahirapan, syempre ang gusto namin hindi kami masira kay koop, kasi mahihirapan ka ng makautang. Malaki talaga ang naitulong ni koopsa amin sobra. Maging Good Payer ka lang talaga kay koop pag nangailangan ka madaling lumapit.”
Taong 2010 naman ng maging kasapi ang kanyang asawa sa kooperatiba. “Maganda kasi pag dalawa kayong nagtutulungan para sa ikakaunlad ng kabuhayan tsaka dapat naman talaga ganun ang mag-asawa.” Sa tulong ng koop nakapagpundar ang mag-asawa ng 1 taxi, sariling canteen, at 4 na motor.
“Malaki ang naitulong ng koop sa amin pamilya kung wala ang koop hindi naman kami aasenso ng ganito. Huwag ka lang talagang masisira. Kaming mag-asawa ay nagpapasalamat sa kooperatiba sa pag-alalay sa amin upang marating namin ang maginhawang buhay.”
Dahil sa kooperatiba unti-unting gumanda ang takbo ng buhay ng pamilya ni Rico at Melchora..
Sa ngayon ay abala ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. Tunay nga na sa kooperatiba uunlad ka.