MBA-VSR First leg
May 18, 2026
Sa mga nakaraang linggo ngayong Mayo, ipinagpatuloy ang validation at assessment para sa Matatag na Batangas Awards – Visionary Leadership Towards Sustainable and Resilient (MBA-VSR) LGUs sa mga bayan ng Bayan ng Rosario noong May 5, 2026, Bayan ng Bauan, May 12, 2026 at Bayan ng Malvar noong May 14, 2026.
Kasama ang mga focal persons at library staff ng mga municipal libraries, binigyang-diin ng ating Provincial Librarian na si Mr. Alexander Lunar ang kahalagahan ng pagpapatupad ng RA 7743 o ang pagtatatag at pagpapaunlad ng mga pampublikong aklatan bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at serbisyong pang-edukasyon sa komunidad.
May mga Munisipalidad na wala pang Pampublikong Aklatan at ang iba ay walang designated librarian upang ito ay patakbuhin. Sa ganintong mga pagkakataon, iminumungkahi ng mga assessors ang ang mga kaukulang aksyon na pagsunod sa mga batas at standards ng pampublikong aklatan.
Ang MBA-VSR ay nakabatay sa pamantayan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) bilang bahagi ng pagsulong ng mahusay na pamamahala sa mga LGUs.