Library in Action
Library in Action
Mapping Out the Batangueño Identity: The Batangas Kapeng Barako book launching.
May 6, 2025
Provincial Tourism and Cultural Affairs
Kasabay ng pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo, ang Batangas Provincial Library ay naimbitahang dumalo sa isang kaganapan- ang book launch ng librong “Mapping Out the Batangueño Identity: The Batangas Kapeng Barako” noong Mayo 6, na ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office. Ang aklat ay isinulat nina G. Jose A. Alilio at Dr. Lionel Buenaflor, at tampok dito ang mayamang kasaysayan at kultura sa likod ng Kapeng Barako.
Lubos na ikinagagalak ng Batangas Provincial Library ang personal na paanyaya mula sa dalawang awtor na naging daan upang makasama sa pagtitipon.
Ang nasabing aklat ay maaaring mabasa sa Batangas Provincial Library.
Photo credits to: PTCAO
Cultural Sensitivity: Gender awareness, responsiveness, at well-being talk led by one of our Library Personnels.
Martin Marasigan Memorial District Hospital sa Cuenca, Batangas
May 6, 2025
Inimbitahan ang aming Administrative Officer I, Gng. Bernadette V. Fajardo, bilang resource speaker sa isinagawang seminar on Cultural Sensitivity sa Martin Marasigan Memorial District Hospital sa Cuenca, Batangas noong Mayo 6. Layunin ng seminar na palalimin ang pag-unawa ng mga empleyado sa gender awareness, responsiveness, at well-being sa loob ng trabaho at komunidad. Isang hakbang tungo sa inklusibo at makataong serbisyo publiko.
Congratulations, Ma’am Badeth, sa isang matagumpay na seminar!
Computer on Wheels Program
Brgy. Pinagtongulan, Lipa City
April 15, 2025
Bumisita ang Batangas Provincial Library sa Brgy. Pinagtongulan, Lipa City upang talakayin ang proyektong Computer on Wheels. Pinangunahan nina Librarian I, Bb. Justeen Faye Fallurin, at Ginoong Jonathan Ubalde ang panayam kina Gng. Lizette Macasaet, guro ng ALS, at Punong Barangay Arnel V. Macasaet.
Layunin ng proyekto na mailapit ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa barangay. Inaasahang maisasakatuparan ito sa susunod na taong panuruan bilang suporta sa kanilang patuloy na pag-aaral at sa pagpapalawak ng kanilang kasanayan sa kompyuter. Ang pagpuulong ay naganap noong Abril 15, 2025, sa tanggapan ng Punong Barangay.
“Mapping out the Batangueño Identity: The Batangas Kapeng Barako” book launching
Tulad ng mainit na Kapeng Barako ang pagtanggap ng Batangas Provincial Library sa mga pinagpipitagang manunulat mula sa Probinsya ng Batangas na sina Ginoong Jose Alilio at Ginoong Lionel E. Buenaflor mula sa Batangas History Society. Ipinasilip ng mga manunulat ang pinakabagong aklat tungkol sa Batangas na may titulong “Mapping out the Batangueño Identity: The Batangas Kapeng Barako” na nagpakita ng pinagmulan ng ating sikat na sikat na Kapeng Barako. Kasunod pa nito ay ang pang-imbita ng mga may akda sa gaganaping “book launching” sa buwang ito, Abril, kasabay ng selebrasyon ng 2025 National Literature Month. Ang mga delalye sa gaganaping book launch at mga imbitasyon ay ipapakita dito din sa pahinang ito ng panlalawigang aklatan. Nasa larawan din ang ating Provincial Librarian, Ginoong Alexander T. Lunar.
Literature Across Batangas: A Joint project of Batangas Provincial Library and Colegio ng Lungsod ng Batangas Learning Resource Center.
Balayan, Batangas
April 10, 2025
Nitong Abril 10, 2025, kasama ang Colegio ng Lungsod ng Batangas Learning Resource Center, nagtungo ang Batangas Provincial Library sa mga bayan ng Balayan at Calaca. Layunin ng pagbisitang ito na mapalawak ang Batangas Local and Historical Collection mula sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan.
Bahagi ito ng pagsusumikap na pagyamanin ang koleksyon ng aklatan upang mas mapahalagahan ng mga kabataang Batangueño ang kanilang kultura at kasaysayang lokal.
Inilalahad ng butihing Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II ang mga natatanging kasaysayan ng Bayan ng Balayan at ang malugod niyang suporta sa adhikain ng mga silid aklatan lalong lalo na ang pagpreserba ng mga natatanging literaturang lokal. Nasa larawan ang ating Provincial Librarian Mr. Alexander T. Lunar at mga kinatawan ng Colegio ng Lungsod ng Batangas LRC.
Storytelling and art session for Pagsasarili Child Development Center.
April 23, 2025
Nitong ika-3 ng Abril, ay isang makulay at puno ng kwentuhan ang naisakatuparan! Nagsagawa ang Batangas Provincial Library ng maikling storytelling session sa mga bata ng Pagsasarili Child Development Center, ang storytelling na ito ay hindi lamang nagbigay ng aral at saya, kundi nagbigay din ng oportunidad sa mga bata na maging malikhain.
Salamat po kina Teacher Brenda at Teacher Lemelyn sa pagtanggap ng aming imbitasyon!
Certificate of Recognition awarded to BPL as partner institution for Work Immersion Implementation for SY 2024-2025
Batangas City Sports Coliseum, Batangas City
March 6, 2025
Nitong ika-6 ng Marso taong kasallukuyan at ginawaran ng papuri at pagkilala ang Batangas Provincial Library para sa suporta at kontribusyon sa Work Immersion Program ng mga mag-aaral sa ika-12 Baitang ng DepEd Tayo Alangilan SHS - Batangas City. Tinanggap ni Gng. Jane B. Ilao, Librarian II and sertipiko ng pagkilala mula sa Punong Guro ng Paaralan, Bb. Eleneth D. Escalona, EdD.
Marami pong salamat at isang karangalan na maging bahagi ng pag-unlad ng mga mag-aaral!
Reading for Healing: Bibliotherapy and storytelling session for Pediatric ward patients.
Laurel Memorial District Hospital
February 21, 2025
Muling naghandog ng istorya at mga regalo ang Batangas Provincial Library sa mga bata sa Pediatric Ward ng Laurel Memorial District Hospital sa bayan ng Tanauan. Kasama ang AnaKalusugan Partylist, ninanais ng buong grupo na magbigay ng kaunting saya at pag-asa sa mga bata.
Nagpapasalamat ang Batangas Provincial Library sa Laurel Memorial District Hospital at sa mga sumusunod na sponsors: Hon. Vice Governor MARK LEVISTE, Hon. Cong. Rey Reyes, AnaKalusugan Partylist, Hon. BM Alfredo Corona, at Hon. BM Rodolfo Balba.
Malugod na tinanggap ng Chief of Hospital Dr. Venus De Grano ang grupo.
Reading for Healing: Bibliotherapy and storytelling session for Pediatric ward patients.
Martin Marasigan District Hospital
February 14, 2025
Sa ikalawang taon ng Reading for Healing, pumunta ang Batangas Provincial Library sa Martin Marasigan District Hospital sa Cuenca, Batangas upang maghandog ng istorya at kaunting regalo sa mga bata ng Pediatric Ward. Sa storytelling na ito binigyang diin ang importansya ng pagkain ng gulay, at ang magandang maidudulot nito sa katawan. Namigay din ang Batangas Provincial Library ng mga laruan upang magbigay ng saya at ngiti sa mga bata.
Lubos na pasasalamat sa Martin Marasigan District Hospital sa mainit na pagtanggap, gayundin sa ating mga sponsors Hon. Vice Gov. MARK LEVISTE at Hon. Councilor Niña Pasia Verdan Alvarez. Ang araw na ito ay puno ng pagmamahal, pag-asa, at kwento na nagbigay saya sa mga batang pasyente sa Pediatric Ward. Isang masayang okasyon para sa lahat, na nagbigay liwanag at kasiyahan sa bawat puso.
Civil Service Commission Field Office Batangas visits BPL.
January 31, 2025
Nagkaroon ng pagkakataong makadaupang palad ng Batangas Provincial Library ang mga kinatawan ng Civil Service Commission Field Office Batangas na sian Bb. Cunanan and Bb. Bautista. Masayang kwentuhan at palitan ng kuro-kuro patungkol sirbisyong aklatan at paano ito naiiugnay sa serbisyong sibil na ibinibigay ng Probinsya sa mga kabataan at komunidad.
Maraming salamat po sa pagbisita!
Work-Immersion ng Senior Higch School Students and Library Practice (On-The-Job Training) of BLIS at BFL.
January 27, 2025
Isa sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng BPL sa komunidad ay pagtanggap, pagsasanay at pagiging Institutional partner para sa Work-Immersion ng Senior Higch School Students at ang pagtanggap ng On-The-Job training mula sa IT at BLIS program.
Sa larawan ay makikita ang pag-endorso ng opisina ng Provincial Human Resource Management Office sa unang batch ng Work-Immersion students mula DepEd Tayo Alangilan SHS - Batangas City, at ng Library Practice (OJT) Bachelor of Library and Information Science ng University of Batangas!
We hope you'll have an amazing time here in the library!
Book launching of Sons of Batangas and Snippets of Life
January 7, 2025
Batangas Provincial Library
An amazing day for culture and literature!
The Batangas Provincial Library hosted a successful book launch on January 7, 2025, featuring Sons of Batangas by Mr. Ian Gutierrez and Mr. Conrado Bugayong, and Snippets of Life by Ms. Ma. Eireen Conty Macaranas. The event was participated by librarians and educators from various municipalities, cities, schools and academic institutions across the province. Vice Governor Mark Leviste, Provincial Administrator Mr. Wilfredo Racelis and Secretary to the Sangguniang Panlalawigan Mr. Nelson Bayani were also present to give their warm support and inspiring words.
The authors generously donated copies of their books to be read at the Batangas Provincial Library.
Read Along the Riles: Storytelling session for less privilege children
SOS Children's Village Lipa , Lipa City
January 6, 2025
The Batangas Provincial Library spread joy through storytelling at SOS Children's Village Lipa on January 6. The library aims to bring stories closer to children and open their world of imagination.
We would like to thank Ma'am Annavel De Chavez for this opportunity. Your kindness made this moment unforgettable!
Aklat Para sa Pagbabago: Reading Program for the Inmates of Batangas Provincial Jail.
December 13, 2024
Batangas Provincial Jail, Brgy. Cuta, Batangas City
Taong 2018, inilunsad ng Batangas Provincial Library ang "Reading Program for the Inmates of Batangas Provincial Jail", kung saan nakapagbigay tayo ng mga aklat at nakapaglaan ng isang reading corner. Bilang pagpapatuloy sa nasimulang proyekto, muling nag sagawa ang BPL ng book donation drive ngayong Disyembre upang magbigay ng mga bagong libro sa ating mga kapatid sa bilangguan.
Nitong nakaraang Biyernes, ika-13 ng Disyembre, 2024, sa pangunguna ng ating Provincial Librarian Sir Alexander T. Lunar at PGDH-PPOSD Atty. Genaro S. Cabral, matagumpay na naipamahagi ang mga librong donasyon sa Batangas Provincial Jail. Kasama si Assistant Provincial Warden Eduardo G. Blanco, ALS Teacher Querubin M. Sales, at mga empleyado ng tanggapan, naipresenta ang mga handog na libro at naipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa. Ang layunin ng BPL ay magbigay ng inspirasyon at kaalaman sa loob ng bilangguan
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng mga nasabing tanggapan sa mga taong sumuporta at nagbigay ng kanilang mga librong donasyon ngayong buwan ng Kapaskuhan. Malayo po ang mararating nito.
Bucal Child Development Center Storytelling Session
December 9, 2024
On December 9, the Batangas Provincial Library welcomed the cheerful daycare students of Bucal Child Development Center. Guided by Mam Criselda Manansala, the children explored the provincial library for the first time!
It's a wonderful experience to see the excitement on children's faces as they enter the library. We hope that this visit sparks their love for books, reading and libraries!
Thank you, Mam Manansala, students, and parents for coming. We look forward to more visits like this in the future!
Book allocation to Balayan Municipal Library and Bauan Municipal Library
Balayan, Batangas and Bauan, Batangas
November 28, 2024
Let's spread the joy of reading! The Batangas Provincial Library was able to distribute the book allocation from the National Library of the Philippines in the municipalities of Balayan and Bauan. We thank you to all the staff who accommodated us in our visit on November 28.
Halina Ikaw at ako ay Magbasa
BPL Book Donation Drive for Malvar School of Arts and Trade Batangas Library
Malvar, Batangas
November 26, 2024
Kasabay ng pagdiriwang ng National Book Month tuwing buwan ng Nobyembre, nagdonate ng library ang Batangas Provincial Library sa DepEd Tayo-Malvar School of Arts and Trade-Batangas upang magamit ng mga mag-aaral! Maraming salamat sa School Librarian, Ms. Don Reyson M. Guino, RL and School Principal, Dr. Ma. Leonor M. Vertucio para sa mainit na pagtanggap..
Halina Ikaw at ako ay Magbasa
Oplan Balik Eskwela 2024!!
As part of our yearly Brigada Eskwela activity, this year, Batangas Provincial Library visited Maximo T. Hernandez Memorial Integrated School at Malainin, Ibaan, Batangas. BFL donated some cleaning and office stuff for the school. Most importantly, the group visited and assessed the school library facility and collections for support and adoption. Fruitful indeed.
Thank you Ma'am Ma. Veronica C. Roxas, Principal II and the rest of the teachers for accommodating us. (for the hot brewed coffee, suman, puto and ugoy-ugoy)! Thank you DepEd SDO Batangas LRMDS.
To all our partners and sponsors, that made all this happen, thank you so much!!!
BM Jesus H. De Veyra
BM Jonas Patrick M. Gozos
Ms. Rosita V. Masangkay
Librarians Association of Batangas
SP-Library Personnel
Book allocation to Teodoro M. Kalaw Memorial Library.
Lipa City
November 28, 2024
Another book allocation from the National Library of the Philippines was distributed yesterday for Lipa City! Thank you Mrs. Rosales, and library staff of Teodoro M. Kalaw Memorial Library.
To more books and stronger reading communities!
Full Council meeting of Provincial Council for Gender and Development (PCGAD) and Provincial Council ofr the Protection of Children
November 12, 2024
Bilang kasapi ng Committee ng Provincial Council for Gender and Development (PCGAD), kabilang ang ating Provincial Librarian, Ginoong Alexander T. Lunar sa isinagawang Joint Full Council Meeting ng Provincial Council for Gender and Development (PCGAD) at Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) ngayong araw ika-12 ng Nobyembre 2024 sa Provincial Panning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Site, Batangas City.
Pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang naturang pagpupulong, kaagapay sina Provincial Social Welfare and Development Office Department Head Etheldrida Luistro.
Pinangasiwaan ng PSWDO ang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga opisina ng pamahalaang panlalawigan, gayundin ng mga kaagapay na ahensya sa pag-aksyon at pagpapatupad ng mga programa para sa proteksyon ng mga kabataan at pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
Photo credits to PIO
(Hugot sa report nina Almira Elaine Baler/ Kiko Milla, PIO)
Distribution of the book allocation from the National Library of the Philippine to Rosario Municipal Library & Information Resource Center
Rosario, Batangas
November 7, 2024
The Batangas Provincial Library distributed the book allocation today for Rosario Municipal Library & Information Resource Center. Mrs. Russel Masalunga, the Rosario Municipal Librarian, received the book allocation from the National Library of the Philippines.
Come, visit and support your local libraries!
Partnership between Batangas Provincial Library and the Colegio ng Lungsod ng Batangas Learning Resource Center, signed!
September 9, 2024
Fostering connections and enhancing the partnership between Batangas Provincial Library and the Colegio ng Lungsod ng Batangas Learning Resource Center .
To ensure reliable library services for the reading community, BPL and CLB Learning Resources Center are joining forces. This partnership aims to enhance library services, broaden access to specialized academic resources, and enrich learning experiences for both students and the community.
Mr. Alexander Lunar, Librarian III, and Ms. Jane Ilao, Librarian II of BPL, welcomed Ms. Maria Isabel L. Alea, Head of Library Services of Colegio ng Lungsod ng Batangas along with her team members, Ms. Susan Cantos and Mr. Jay Alain Fernandez.
Okay Ka Provinvial Libraries!
September 6, 2025
Batangas Provincial Library attended OK Ka PLs!: Online Kamustahan with Public Libraries (Provincial Libraries). One of the issues tackled was the roles and parameters for Provincial Library in the DILG Seal of Good Local Governance.
Tribute to our former Provincial Librarian, Ms. Rosita V. Masangkay at the State of the Sangguniang Panlalawigan Address
Kasabay ng pagbibigay-pugay sa bandila ng Pilipinas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kanina, ika-5 ng Agosto 2024 na pinangunahan ng Sangguniang Panlalawigan, ay binigyang pugay ang ating dating Provincial Librarian, Ms. Rosita Masangkay para sa kaniyang 37 taong paglilingkod bilang kawani ng Kapitolyo. Binati at pinasalamatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Ms. Masangkay sa kanyang naging dedikasyon sa trabaho sa napakahabang panahon. Inalayan siya ng bulaklak at “token” ng pasasalamat.
Natunghayan din dito ang mahusay na pangunguna ni Gng. Jane B. Ilao, Librarian II sa pangunguna sa Panunumpa ng Lingkod Bayan. Kasama sa paglalahad ng mga nagawa ng mga Bokal ng iba’t-ibang Distrito ng Batangas ay ang mga naging proyekto ng Panlalawingang Aklatan nitong nakalipas na pitong (7) buwan.
Ang lahat ng ito ay kabilang sa “State of the Sangguniang Panlalawigan Address” na pinangunahan ni Kagalang-galang Bise Gobernador, Jose Antonio S. Leviste II.
(Ang ilang imahe na ginamit ay mula sa Batangas PIO )
Batangas Provincial Library Report
The GoodVice MARK LEVISTE
Librarians Association of Batangas regular monthly meeting held at BPL.
July 2022, 2025
Library as a place to meet, exchange ideas and create outputs!
Welcome Librarians Association of Batangas 2023-2025 Officers! We are much honored to be the venue of your regular monthly meeting.
The Librarians Association of Batangas is an organization of registered librarians, para-professional librarians and students of Library and Information Science in the Province of Batangas.
Welcome ARTA Central Office Monitoring Team!!
Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 is an act that aims to streamline the current systems and procedures of government services. (https://arta.gov.ph/).
Section 17 of the Act provides for the creation of the Anti-Red Tape Authority or ARTA, the government agency mandated to administer and implement the said law and its Implementing Rules and Regulations, and to monitor and ensure compliance with the national policy on anti-red tape and ease of doing business in the country.
Compliance monitoring team together with Committee on Anti-Red Tape of the Province of Batangas visited various departments and offices to inspect if they are complying on the national policy.
Committee on Anti-Red Tape of the Province of Batangas is chaired by our Governor, Hon. Hermilando I. Mandanas and working as a Co-Chairman is our Vice Governor, Hon. Jose Antonio S. Leviste II. The Members of the Committee are The Provincial Administrator, Mr. Wilfredo D. Racellis; Board Members, Hon. Jonas Patrick M. Gozos and Hon. Carlo Roman G. Rosales; Mr. Nelson M. Bayani, Secretary to the Sangguniang Panlalawigan; the Civil Society Organization and other chosen Department Heads and personnel of the Provincial Government of Batangas.
Our very own Provincial Librarian Ms. Rosita V. Masangkay is also one of the members of the Committee as Chief Records Officer.
Photo credits to Ms. Bea C. Aquino
Batangas Provincial Library sa Byaheng Kapitolio
Tingnan!
Kanina, Hunyo, 19, 2024, naimbitahan ang ating Provincial Librarian, Ms. Rosita V. Masangkay at ang ating Librarian III, G. Alexander T. Lunar sa programang B’yaheng Kapitolyo ng Batangas PIO para maibahagi ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa ating Batangas Provincial Library at ang kanyang mga serbisyo publiko.
Ang kaswal at masayang kwentuhan ng mga anchor at ng ating mga Librarian ay nasentro sa pinagmulan ng ating aklatan, at kung ano ang kanyang mga serbisyong ibinigigay sa mga mambabasa, anu-ano ang iba’t ibang uri ng babasahin at ang mga teknolohiyang magagamit dito. Napag-usapan din kung ano ang kaibahan ng serbisyong aklatan noon kumpara sa kasalukuyan, kung saan nagbahagi ang ating mga Librarian kung papaano natin napupunan ang pangangailangang pang-impormasyon ng Probinsya sa pamamagitan ng makabangong pamamaraan.
Sa huli, ang Provincial Library ay nagpasalamat sa Programa sa pagbibigay ng napakahalagang pagkakataon upang muling maipakilala sa mga mamamayan ang bagong mukha ng serbisyong aklatan ng Probinsya at mailapit ito sa mga mamamayan sa pamamaraang makabago at sumasabay sa teknolohiya na may pagpapahalaga pa rin sa kulturang Batangueño.
Matutunghayan sa link ang kabuoan ng programa.
Certificate of Recognition awarded to Batangas Provincial Library and Provincial Librarian by the Librarians Assiciation of Batangas.
Batangas Provincial Library was awarded Certificate of Recognition for presenting its best practices to the General Assembly of the Librarians Association of Batangas! Thank you LAB for giving ua chance to share what we are doing best! Congratulations to us!
Furthermore, we want to congratulate our Provincial Librarian, Ms. Rosita V. Masangkay and Mr. Alexander Lunar, Librarian III for being recipients of Leadership Award!!!
Reading for Healing: Bibliotherapy and storytelling session for Pediatric ward patients.
Batangas Medical Center, Batangas City
February 14, 2024
Celebrating Valentine's Day, the Batangas Provincial Library way: love of books and reading, sharing, reading for health and healing, sharing simple gifts, lessening burdens, sharing smiles, empathy, and love for one another. May this day be filled with joy and meaningful connections! Happy Valentine's Day, everyone!
Reading for Healing is a storytelling activity for Pediatric Ward Patients at Batangas Medical Center, February 14, 2024. The library shared a story of nutritious vegetables and how good they are in our body. The library also gives story books and toys for faster healing.
Special thanks to our partner, BATMC Management and Malasakit Center for assisting us. To our sponsors, Office of the Vice Governor headed by our Good Vice Hon. Vice Governor MARK LEVISTE and to the Honorable Board Member of 5th District, BM Arthur Guinhawa Blanco -Bart for the refreshments and toys and lastly to the Batangas PIO in providing needed tarpaulin, Thank you so much!
Inclusivity
Halina’t Ikaw at ako’y Magbasa (HIM)
Sa Pambublikong aklatan, lahat kabilang, walang maiiwan.
Read Along-the-Riles goes to Lipa City!
Barangay Sico Elementary School, Barangay Sico, Lipa City
February 3, 2024
Read Along-the Riles is one of the programs of Batangas Provincial Library that aim of promoting love for books and reading, thus increased the reading comprehension of the children. Currently the program is on its 3rd year.
Last February 3, 2024, Provincial Library conducted reading and arts activities at Barangay Sico Elementary School, Barangay Sico, Lipa City. With the approval of the Honorable Brgy. Chairman Kelvin V. Izon and the help of Barangay Education Committee headed by Hon. Councilor Teddy De Castro and provision of facilities and warm welcome from a very good Principal Ms. Agnes Morada, 25 pupils ranging from 5 to 7 years of ages attended the session. After the storytelling session, reading, arts and coloring activities, participants were given story books and simple meal for the delight of all the participants.
With the advent of gadgets and technology around our kids, it is once again a worthwhile endeavor, teaching them love of books and reading. It is good experience working hand with local government unit and educational sector to promote reading and education as a whole. All in all, we take pride of being a part of this great activity.
Special thanks to the Provincial Government of Batangas, Office of the Vice Governor and the Sangguniang Panlalawigan ng Batangas and Provincial Information Office to make the program possible. Also we want to take the opportunity to give thanks to Honorable Board Members of 6th District, BM Lydio A. Lopez Jr. and BM Aries Emmanuel D. Mendoza for the refreshments of the participants.
Happy hollowreading time @ the Library!!!
It's a treat or tricks at the library today! Coloring books, crayons and candies for Little Princes, Little Mermaid, Spiderman, Wednesday, Young Dracula and Baby Dino and the rest of the gang!! Happy hollowreading!!!
Para sa kaalaman ng lahat:
Ang “Bagong Pilipinas” ang magiging brand of governance and leadership campaign ng kasalukuyang administrasyon. Sa tatlong pahinang memorandum circular na may petsang July 3, 2023, at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan ng Pangulo ang lahat ng national government agencies (NGAs) and instrumentalities, kabilang ang government-owned or controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs), na gamitin ang "Bagong Pilipinas" campaign sa kanilang mga programa, aktibidad, at proyekto.
Ang imahe sa tagilran ang logo ng Bagong Pilipinas (mula sa Official Gazette at PIA).
Artikulo mula sa Philippine Information Agency.
Kopya ng Memorandum Circular 24.
Mga Batang Riles binigyang pansin ng Panlalawigan Aklatan ng Batangas
Read Along the Riles (Part 2)
Ni Alexander T. Lunar, Librarian III
Sa muling pagbabalik ng Tanggapan ng Batangas Provincial Library sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City noong ika-26 ng Hulyo taong kasalukuyan ay nakapiling naman natin ang pangalawang grupo ang mga bata na nakatira sa Tramo ng nasabing barangay. . Sa pagkakataong ito ay sinamahan uli tayo ng Kagalanggalang na konsenal, Kon. Joey Fajilan at nina Teacher Myrna Tolentino Babao at Teacher Lucelle Ferry. Nagkaroon muli ng paglalahad ng isang magandang kwento tungkol sa magandang naidudulot kabutihang asal at pagkain ng masusustansyang prutas at gulay. Nagkaroon din ng "art activity" na kung saan ay nagkulay ang mga kalahok ng mga bagay na may kaugnayan sa narinig nilang kwento. Naging matagumpay ang pangalawang serye ng Read Along the Riles at umuwing may magandang karanasan ang mga batang dumalo.
Bilang suporta, ang Tanggapan ni Kagalanggalang Bokal Arthur Bart Blanco ng Ika-6 na Distrito ay nag-sponsor ng pagkain at inumin para sa mga bata, magulang at para na din sa mga konsehal at iba pang kalahok.
Ang tanggapan ng Kagalanggalang na Gobernador Hermilando I. Mandanas sa pamamagitan ng Provincial Information Office o PIO ay nagbigay ng bagong tarpaulin upang magamit sa naturang okasyon, maraming-marami salamat po sa patuloy na suporta mahal na Gobernador.
Sa mga susunod na panahon ay magtutungo naman ang Panlalawigan Aklatan sa iba pang Barangay sa Lungsod ng Batangas at sa iba pang Munisipalidad para magsagawa din ng parehong aktibidad upang maisabuhay ang kahalagan ng pagbabasa at makalinang ng mabubuting kaugalian at asal para sa mga kabataan. Kaya’t ngayon, tayong lahat ay iniinbitahang makiisa kaya Halika at Ikaw ay Magbasa!!!
Book Allocation to Municipal Libraries
Mga Batang Riles binigyang pansin ng Panlalawigan Aklatan ng Batangas
Read Along the Riles (Part 1)
Ni Bernadette Villanueva Fajardo, Administrative Officer I
Kaugnay ng 30th National Children's Book Day at ng Buwan ng Nutrisyon, inilunsad ng Panlalawigan Aklatan ng Batangas ang programang "Read Along the Riles" para sa mga batang nakatira sa Tramo ng Kumintang, Lungsod ng Batangas na may 5- 7 taong gulang noong ika- 19 ng Hulyo, 2022 sa ganap na ika-9:00 hanggang ika-11 ng umaga.
Bago ang nasabing aktibidad ay nakipag-usap na ang Puno ng Tanggapan na si Bb. Rosita V. Masangkay at G. Alexander T. Lunar kay Pangulo Anicieto De Castro ng Kumintang Ilaya para ipaliwanag ang nasabing programa na naglalayon na magbigay ng kaalaman sa mga bata. Kaagad naman sumang-ayon si Pangulo at hiningi din niya ang tulong ng kanyang mga konsehal sa pamumuno ni Konsehal Joey Fajilan, at sa tulong ng mga guro ng Day Care Center na bigyan ang ating tanggapan ng listahan ng pangalan ng mga bata.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa Covered Court ng Barangay Kumintang Ilaya, Dinaluhan ito ng mahigit 20 bata kasama ang kanilang magulang. Pinangunahan ni Gng. Jane B. Ilao, Librarian III, ang pagkukwento sa mga bata na may titulong Alamat ng Ampalaya. Kaagad naman itong sinundan ni Gng. Bernadette V. Fajardo ng mga tanong na isa-isa nilang sinagot at sinabihan din na huwag kalilimutan ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Ang mga batang aktibong nakasagot ng tama ay binigyan ng premyo. Masaya ang mga bata sa kanilang natanggap na munting mga regalo at pagkain na mula naman sa ating mga sponsors.
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Pangulong De Castro, sa pamunuan ng Probinsya ng Batangas, Gobernador Dodo Mandanas at Bise Gobernador Mark Leviste lalo higit sa Tanggapan ng Panlalawigang Aklatan sa pagkapili sa kanilang barangay sa paglulunsad ng nasabing programa. Sa pangwakas na pananalita naman ni Bb. Masangkay ay malugod niyang pinasalamatan and pamunuan ng barangay sa dagliang pagtugon sa kahilingan ng tanggapan, ganun din sa mga magulang na nagbigay ng kanilang panahon para makilahok ang kanilang mga anak, Muli ay nabigyan diin ng puno ng tanggapan ang kahalagahan ng pagbabasa ng aklat at pagkain ng masustansyang gulay at prutas, at muli ipinaala-ala ang aral ng kwento.
Aklat at Bakuna Para sa Batang Masigla
Batangas Provincial Library headed by the Provincial Librarian Ms. Rosita V. Masangkay conducted library activity entitled "Aklat at Bakuna para sa Batang Masigla" last March 10 and 11, 2022 at the Dream Zone, Provincial Capitol of Batangas. The activity aims to support the vaccination drive for the children "Resbakuna Kids" of the Department of Health and Provincial Health Office (PHO) and the Provincial Government of Batangas. Also, it aims to lessen the anxiety and worries of children while waiting for their turn to be vaccinated. Most of all it aims to inculcate the joy and importance of reading amongst everyone especially the children. The activity is also a part of the celebration of the 63rd Public Library Day with the theme ""Pampublikong Aklatan, Katuwang ng Pamayanan: Pagbangon sa Pandemya, Pagpapayabong ng Kultura, at Pagpapalaganap ng Karunungan."
Province of Batangas Executive Session
Our very own Provincial Librarian Ms. Rosita V. Masangkay attended the Executive Session facilitated by none other than the Honorable Governor Hermilando I. Mandanas and our very energetic Vice Governor Mark Leviste last December 14, 2021. The event took place at Bulwagan Batangan inside the Provincial Capitol that was also attended by Local Chief Executives. The session focuses on the implementation of Mandanas Ruling next year, also the event graced the signing of 2022 Provincial Budget.
HISTORY
Ang Panlalawigang Aklatan ng Batangas ay kasama ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas na nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng 2022 National Peace Consciousness Month 2022 ngayong buwan ng Setyembre na may temang “𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐢𝐥𝐨𝐦: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧.”
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 675, s. 2004, idineklara ang buwan ng Setyembre ng bawat taon bilang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡. Ito ay upang maitanim nang higit pa sa kamalayan at pang-unawa ng mamamayang Pilipino ang proseso ng kapayapaan, para palakasin ang suporta sa pagtamo ng pambansang kapayapaan.
Proclamation No. 675, s. 2004: https://www.officialgazette.gov.ph/.../proclamation-no.../
#Peace #PeacePH #PeaceMonth2022