MBA-VSR First leg
May 5, 2026
Sa nakaraang buwan ng Abril, pormal na nagsimula ang serye ng validation at assessment para sa Matatag na Batangas Awards – Visionary Leadership Towards Sustainable and Resilient (MBA-VSR) Local Government Units. Sinimulan ito noong April 21 sa Batangas City, April 28 sa Tanauan City at April 30 sa Sto. Tomas City. Sa bawat lungsod, nagsagawa ng pagsusuri at talakayan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, LGUs at DILG upang maibahagi at mapalakas ang mga best practices, na nakabatay sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Isinagawa rin dito ang validation sa mga pampublikong aklatan sa pangunguna ng ating Provincial Librarian, Mr. Alexander Lunar. Ang mga hakbang na ito ay bahagi rin ng pagpapatibay ng Republic Act No. 7743 o ang batas na nagtataguyod ng pagtatayo at pagpapaunlad ng mga pampublikong aklatan sa bansa.