Nagpakita ng galing sa pamamahayag sa District Secondary Schools Press Conference (DSSPC) ang mga mag-aaral mula sa District 1 noong Enero 6 sa Quezon City Science High School.


Pinagtibay sa temang "The Role of Campus Journalism in fostering DepEd MATATAG Addressing Literacy, Chartering a New Path" ang adhikain na magamit ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa iba't-ibang kategorya ng pamamahayag.