Screenshot ng PowerPoint Presentation Slides ng isa sa aming mga Modyul
Halos parepareho ang mga tinatalakay at nilalaman ng mga sumusunod naming mga modyul. May mga laman itong kuwento at panitikan na nanggagaling sa Africa at Persia. Pero kahit na halos na magkakatulad ang mga laman at format ng mga modyul na ito ay marami pa din akong bagong natututunan na impormasyon at mabuting aral.
Mas napagaralan ko ang mga panitikan, estilo ng kanilang pagsulat ng panitikan, at kaunting kasaysayan sa dalawsang bansang ito base sa mga nabasa ko sa modyul at sa mga kuwentong laman nito. At maliban sa mga ito ay may natutunan din ako sa ibang mga paksa tulad ng sa mga anekdota, talambuhay, at travelogue, mitolohiya, mga tula, mga gramatika at retorika, at maikling kuwento.
Madami akong natutunan dito sa pangatlong markahan ng school-year na ito, at ang ilan sa ito ay maaari kong gamitin sa aking pag-aaral at pati na din sa totoong buhay. Mas napagpahalagahan ko din ang kultura at literatura ng sa Africa, Persia, ibang mga bansa, at pati na din sa ating inang bayan. Na-enjoy ko ang pangatlong markahan at sigurado ako na may ilan akong naaalala na impormasyon at aral sa markahan na ito at sigurado ako na magagamit ko din ang mga ito sa isang punto sa aking buhay.