Ang Pagtatapos ng School Year 2021-2022
Totoong marami akong natutunan sa nakalipas na panahon sa loob ng schoolyear na ito. Natutunan ko ang tungkol sa pagsusulat, pagbabasa ng literatura, ang kasaysayan ng mga literatura na ito, ang mga aral na aking maaaring matutunan sa mga literatura na ito, ang mga teknikal na mga bagay na patungkol sa pagsusulat at pati na din sa ilang mga paksa sa pagsusulat at sa Filipino, at pati na din ang patungkol sa literatura tulad ng El Filibusterismo at ang kasaysayan nito sa bansa. Nakita ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng kasaysayan ng pagsulat ni Rizal sa kainyang dalawang obra maestra ang paghihirap, ang tagumpay, at ang epekto ng kaniyang pagsulat ng kaniyang nobela. At sasabihin ko din na nagustuhan ko ang pagbabasa ng El Filibusterismo at ang karakter ni Simoun. Nais ko din na gamitin ang pagkakataon na ito na pasalamatan ang aming guro na si Ginang Cada sapagkat naramdaman namin ang inyong kagustuhan na kami ay matuto at dahil na din sa mga naituro ninyo sa amin.