Screenshot ng PowerPoint Presentation Slides ng isa sa aming mga Modyul
May natutunan din ako tungkol sa mga dagli. Madami akong nababasang mga kuwento sa internet, at nalaman ko na karamihan sa kanila ay mga dagli sapagkat sila ay maiikling kuwento, walang aksyong umuunlad, at naglalarawan lamang. Dahil alam ko na ang tungkol sa mga dagli, mas naaapreciate ko na ang mga gawang tulad nito sapagkat alam ko na kung ano sila at kung ano ang kanilang nilalaman.
Isa sa mga modyul na binigay sa amin
Sa huli naming pagkikita sa Pangalawang markahan ay tinalakay namin ang tungkol sa mga mito, mga tula, at ang mga elemento nito. Pinagaralan namin ang tungkol sa mga mito at nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapagbasa ng isang mito na hindi ko pa nakikita. At kasabay sa pagtalakay ng tungkol sa mga mito at sa mga elemento nito, pinagaralan din namin ang elemento ng tula.
Madami akong natutunan dito sa pangalawang markahan ng school-year na ito, at ang ilan sa ito ay maaari kong gamitin sa aking pag-aaral at pati na din sa totoong buhay. Nag-enjoy na din pati ako sa ilang mga aktibidad tulad ng pabagbabasa ng mga kwento. Aaminin ko na nahirapan ako sa ilang mga aktibidad at mga paksa na tinalakay dito sa pangalawang markahan, ngunit dahil dito sa ay natutunan ko na sumubok at mas lalo pang matuto.