YEONJUN
"Ang lakas mo, Yeonjun!" biglaang bati sa'kin ni Taehyun sabay akbay ng masigasig sa'king bisig. Pagkatapos kong sabihin ang aking nararamdaman ay kinikilig akong naglalakad patungong cafeteria para kumain ng meryenda bago ako umuwi. Hindi naman ako pwedeng umamin kung kailan gagraduate na kami, hindi ba?
"Sabihin mo nga, kailan ka nagkaroon ng lakas ng loob na umamin?"
Pasimple kong sinagutan, "Noong nasa waiting shed kami."
"Kailan nga, e!"
"Two weeks ago."
"And?"
Huminga ako nang maluwag saka ko binitawan ang balikat ni Taehyun at diniretso sa counter para umorder, at habang naniningin ng pagkain ang aking kaibigan ay tinuloy ko muna ang usapan, "Kasi 'di ba may pinost akong story sa IG? Pagkatapos kong kunan ng video, ayun. Wala nang paligoy-ligoy pa."
"Oo nga, e. Narinig pa nga kita." Walang emosyon na sinagot ni Yunjin nang pumunta siya sa tabi ko at kakarating lang galing kabilang table. She mimicked what I said last time, "Nayeon, crush na crush kita. Hindi mo ba nahahalata iyon? I mean, hindi sa nagpapakaobsessed ako pero noong una kitang makita, pinana mo na 'yung puso ko. Tapos 'yung ngiti mo, grabe, ano bang meron?"
Kinurot ko siya sa tagiliran, "Gago ka manahimik ka nga! Paano pag narinig ka ng isa sa mga katropa niya na nandito?"
Inikot ni Yunjin ang kanyang ulo hanggang sa maispatan si Jeonghan na nasa kaliwang taas ng cafeteria. Napamura na lamang siya nang malamang nandito nga siya subalit kahit na ganoon ay hindi niya naririnig iyon dahil busy siyang kumain kasabay ng magkahalong ingay na bumubuo sa loob ng silid.
"Wala naman siyang pake, so okay lang sa kanya," sagot niya pabalik. Nang matapos ay agad umorder si Taehyun ng pagkain habang ako naman ay naghahanap ng table na pwede sa'ming tatlo, subalit may ibang pinapahiwatig ang aking paningin nang may nakitang sulat sa loob ng medyo maliit na papel pero square shaped ito. Mabagal akong maglakad hanggang sa mabasa ko ang mensahe:
03/24/xx
Hi Yeonjun! Thanks for stopping by.
Salamat nga pala sa confession, hinding-hindi ko talaga 'to malilimutan.
Meet me at the graduation practice tomorrow. I want to say something too.
- N
I formed a smile on my face as I read the letter she sent to me. Yes, I found myself beaming my sweet white bristles after finding out that she accepted my confession and that made myself fall even harder for her. Pero bago pa man ako umupo ay binatukan agad ako ng isang kupal na nasa likuran ko, anito, "Hoy, Yeonjun! Padaanin mo ako!"
Ah, it's Yunjin once again. Kulang na lang pagsasapakin ko na 'to, e. But one thing's for sure is that by the next day, she'll say something to me.
What could it be?
***
"I like you too, Jun."
I just five simple words, I think my heart's going to faint.
Breaktime namin ngayon, kaya nagpasya kami na magkita sa bench malapit sa school grounds upang mag-usap nang kaming dalawa lang... at para walang Taehyun o kahit anong mga kupal ang manggugulo sa labas.
Sa bagay, maglalaro rin naman 'yung mga iyon ng cellphone kasama sila Soobin.
Hindi na ako makapagsalita pa pagkatapos aminin ni Nayeon ang nararamdaman para sa'kin, tuluyan na akong naninigas sa'king kinauupuan hanggang sa umabot na sa puntong nangangamatis na ang aking pisngi dahil dito.
"Uy, Jun! Namumula ka na, o!" pansin niya sabay pindot gamit ang kanyang kanang hintuturo. Nakikita ko na ang sarili kong ngumingiti habang ginagawa niya iyon at nang sumobra ay saka ko hinawakan ang kanyang kamay, "Tama na, Nayeon! Para na yata akong pumapag-ibig sa ginagawa mo, e!"
Agad ko siyang hinarap, "Isa pa, mukhang mutual na rin 'yung feelings natin. So, what should we do now?"
"Ikaw bahala."
"Anong akong bahala? So bale maghihintay muna ako ng matagal bago ka maging akin?"
"Oo naman. Tsaka pag-iisipan ko kung deserve ba kitang mahalin. Syempre, first time ko."
"Ako rin, e."
Yeonjun, kung may balak ka huwag mong ituloy, anas ng aking isipan. Inusog ko ang aking pwetan hanggang sa hindi ko namamalayang malapit na ang mukha ko sa mukha niya na parang may binabalak akong isang gawain na hindi ko pwedeng simulan.
"Uy, dahan-dahan muna! Hindi pa nga kita sinasagot, o!"
Paano ba kita dadahan-dahanin kung pati puso ko umiindak dahil sa'yo?
Pero siguro... hindi ko muna ito palalagpasin pa. I must make a move before the bell starts to ring.
"Uh, Nayeon... can I kiss you?"
***
Yunjin:
WHAT THE HELL?
YOU AND NAYEON KISSED???!!!
Sa typings ng babaeng 'to ay para na itong nagagalit dahil sa ginawa ko. Paano, hindi ko na maatim sa sarili ko kung bakit ko ba siya siniil ng halik, at ang mas masaklap pa rito ay baka mamaya may mga estudyanteng makakakita ng ginagawa namin kanina sa practice.
Yeonjun:
Sorry, Yunjin
Sadyang hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin ko iyon
Taehyun:
Nagpaalam ba siya sa'yo?
Yeonjun:
Ako nagsabi
Soobin:
Pumayag naman?
Nag-heart react ako sa message ni Soobin sabay tayp ng oo sa group chat namin. Hinayaan kong lagyan ng do not disturb ang cellphone ko saka ko pinatay dahil busy akong gumawa ng speech para sa Graduation, at matapos ang isang oras na pag-iisip ng mga salitang sasabihin ko ay natapos ko na siya agad, nangangatog ang mga daliri ko sa sobrang bilis kong pagtatype kaya para makapagpahinga ay kinuha ko ang aking phone dahilan upang tanggalin ang do not disturb mode sa status bar.
At nang matignan ang GC, something seems to be disturbing from the top left corner.
Soobin:
Huening Kai ikaw pumitik nito?
Yunjin:
Tangina mong hayop kang tarantado kang gago ka
Burahin mo iyan
Magagalit si Yeonjun
Taehyun:
Hindi ka nga active sa group, saka ka nagpaparamdam kapag wala kami
| Magagalit si Yeonjun
Alam mo Yunjin, hayaan mo ung kaibigan ko na magalit
Huening Kai:
Caught in 4K, boss
@Choi Yeonjun
@Choi Yeonjun
@Choi Yeonjun
@Choi Yeonjun
Yeonjun:
Talagang pinagtitripan niyo ako habang gumagawa ng speech, ano?
Hindi ko na mapigilang mainis sa ginawa ni Huening Kai na ginawang cover 'yung first kiss namin ni Nayeon, pero ngayon pa lang ay hiya na ang bumalot sa'kin. Samu't saring what if's ang napapaligiran ng utak ko, na what if ikalat iyon sa GC ng section namin?
What if mapunta ang kahihiyan namin maging sa practice?
I typed some words with disbelief, saying:
Yeonjun:
Baka bukas mapahiya kami ni Nayeon dahil sa ginawa mo, Kai
Pag nangyari iyon, ikaw sisisihin namin
Huening Kai:
Yeonjun-ah~
Yunjin:
Bwisit ka Kai di bagay sau
Taehyun:
Guys...
Nagsabi si Eric...
Yunjin:
Ansabi?
Taehyun:
Hindi lang sa section natin ang nagkalat, pati sa kila Nayeon
Paniguradong asar ang aabutin bukas
Yeonjun:
HUMANDA KA SA'KIN KAI
At talagang hindi ako tinantanan ng gago! Hinanap ko ang profile ni Huening Kai sa Messenger bago ko ito tadtarin ng mura sa sobrang inis (at kahihiyan).
Huening Kai:
Bwiset ka Yeonjun, minunura mo na ako?
*Minumura
Yeonjun:
Delete mo na iyan
Nakakahiya na kila Nayeon
Makalipas ang ilang segundo ay ito ang binigay sa'kin: likezoned.