This story was first published on the 23rd of December, 2020 as part of the Love Wins All one-shot anthology via Wattpad. Now, you can read this story for best experience, now improved and edited on the 30th of December, 2024. Thank you!
Ang mga pangalan, karakter at insidente sa kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi ito naaayon sa tao, bagay, lugar o pangyayari. Alinmang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
*****
MARIANNE
"Ate Marianne, may comeback Someity!" paunang bulyaw ni Kei sa kanyang kapatid na kasalukuyang nag-aaral para sa kanyang prelims. Alas-singko na ng hapon at saktong-sakto ay tapos na siya sa pagrereview at dali-dali itong pumunta sa sala para panoorin ang bagong music video mula sa grupong ito.
Isa ang Someity sa mga next generation P-pop groups na siyang kinakikiligan ng dalawa hindi lang dahil sa kanilang mga visuals at estilo, kundi sa tagal ng kanilang pagsasama bilang isang grupo. Ito’y isang co-ed group na kinabibilangan nina Hari, Rain at L.A at kahit dalawang dekada silang kumakanta at sumasayaw sa harap ng maraming tao ay patuloy ang pagbuhos ng suporta para sa kanilang tatlo, lalo na ang main visual na si Rain — ang nag-iisang babae sa grupo.
“Oh my gosh, Someity!!!” tili ni Marianne kahit natatakpan ang kanyang unan sa sobrang kilig dulot ng pagpasok ng tatlo sa kamera. Mabuti na lamang at kakauwi lang ng kanyang ama galing trabaho kaya pwede siyang humabol sa comeback ng tatlo habang hawak ang lightstick na niregalo sa kanya ng kanyang asawa noong kaarawan niya.
Nagsitilian ang mag-aama at kinikilig habang pinapanood sa TV ang bagong labas na kanta, kabilang na rito si Eli na kinikilig habang nagra-rap ang bias wrecker nitong si L.A. “Pa, Ate Marianne, ang pogi ni L.A!!!” kinikilig na sambit ng bunso sa kanilang dalawa na siyang ikinatugon ng kanyang ama, “Basta ako, mahal ko si Rain!”
“Paano po si Mama?” tanong ni Marianne sa kanya.
“Syempre, mas mahal ko iyon. Kaya ko nakilala ang mama mo nang dahil sa unang concert ng Someity. Hindi ba, mahal?"
Napangiti ang kanyang ina nang sinabi ang tungkol sa una nitong pagkikita, at makalipas ang ilang sandali ay natapos na ang comeback MV bago ito nilipat sa isa — ang video ng kanilang huling awitin ilang buwan bago sila bumalik. Dito ay kinakabisado ang fanchant ng tatlo kahit nalilimutan ng kanyang ama kung paano ang tono nito at halos sinasabayan niya na lang.
Masaya ang samahan nilang mag-aama hindi lang bilang isang miyembro ng pamilya, kundi bilang mga fanatics — o ang tinatawag na Meteors. Mayroon silang mga albums na palagi nilang pinapatugtog kada umaga, posters, photocards at higit sa lahat, ang lightstick na may bitwin sa itaas.
Nang matapos ay nag-bow mula sa screen ang Someity, hudyat na nagpapasalamat sila sa mga Meteors na palaging sumusuporta sa kanila subalit…
…ito na pala ang huli.
Dahil isang buwan bago ang kanilang graduation ay hindi makapaniwala si Marianne at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kaliwang kamay dahilan upang magulat sa kanyang nakita:
Longest running mixed group Someity to hold a final concert before disbandment
Nanigas at napatigil ang dalaga sa kanyang kinauupuan nang mabasa ang buong balita dahilan upang mailabas ang emosyon sa kanyang mga mata. Puno ng mga mahihinang hikbi ang classroom lalo pa't mag-isa siya sa loob, at ang mas masakit ay ngayong umaga pa ito nalaman. Ilang taon ang lumipas nang sinimulan niyang kilanin, pakinggan ang kanilang mga kanta at ang pang-aagaw ng bias kasama si Kei… subalit ang lahat ng ito ay mauuwi sa isang alaala.
Isang masakit na alaalang hindi ito kakayanin.
Lalo na ang tatlong taong pinapangarap na makita sila sa personal.
Sina Hari, Rain at L.A: ngayon ay magpapahinga na sa music industry.
For good.
— END —