Ang mga pangalan, karakter at insidente sa kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi ito naaayon sa tao, bagay, lugar o pangyayari. Alinmang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
The following story is purely fictional and the plot is not to be associated with actual historical records. All of the recognizable characters, settings and etc. are property of their respective owners. Readers' discretion is advised.
YEONJUN
"Paano ba iyan, late ka na naman sa practice?" ani Soobin sa'kin nang makaupo ako sa tabi niya. Hindi ko mapigilang matikom ang bibig sapagkat limang minuto akong late, ang mas masaklap napagalitan ako ni Coach Hyori dahil dito.
Huminga agad siya nang malalim, "Ano ka ba naman, Yeonjun! Kung makatapos ka ng project sa Science akala mo may alam ka!"
"Sorry, utos ni Pareng Taehyun." Ninguso ko ang daan patungo sa lalaking kulay itim ang buhok at naka-dilaw at puting P.E. uniform.
"Kay Beomgyu talaga galing iyon," depensa niya sa'kin. Umiiling na lang si Huening Kai sa usapan at ito'y dismayado sapagkat alam niya na sa huli, ako ang palaging maiiwan sa klase.
Natigil ang pag-uusap namin nang nagsalita si Coach Hyori at nire-recall ang gagawin namin sa pagsasayaw, as if naman alam na namin iyon maliban kay Taehyun. Habang nakikinig ako ay tinuturo ng aking mga mata patungo kay Nayeon, nakatuon sa direksyon ng coach habang katabi sina Jeonghan at Eric. Paniguradong kukutyain ako ng mga kaibigan ko dahil nakatitig na naman ako sa krema niyang kutis, buhok niyang kasingkulay ng gatas na iniinom kong palagi at ang personality nitong swak sa'king panlasa.
"Any questions, guys?" tanong ni Coach Hyori at ang ilan sa mga ito'y napailing na lamang. "Ikaw, Yeonjun? Do you have any questions? Pansin ko nakatitig ka lang diyan kay Nayeon, a."
Natawa ang ilan sa mga estudyanteng naparito sa covered court, maging si Taehyun ay nagawa pa akong pagtripan sa harapan ni Coach.
"Okay, practice na tayo!" sigaw niya bago tawagin si Nayeon at iba pang mga kasama nito. Aaminin ko, mula noong una ko siyang makitang sumayaw ay dito ko dinirekta ang kanyang atensyon. Wala na akong pakialam kung makita man ako ng coach, ang mahalaga makita ko lang siya nang direkta mula ulo hanggang paa.
Napakaganda niya. Isa siyang anghel na bumalot galing sa lupa, na kahit pilitin nilang hukayin ay hinding-hindi iyon makukuha dahil nasa kanya na ang lahat. She's everyone's muse, not only in their section. A role model and a great leader who knows how to treat their classmates well and to excel more in their studies.
She's an idol - a superstar, as they say. Kind of looks like Mario or Link, but female. A small smile catches a lot for her to admire, however...
"Hoy, Yeonjun! Titig na titig ka na naman diyan!" sita ni Yunjin na kararating lang galing banyo para jumebs. "Anong nakain mo at bakit ka kinikilig sa kanya, ha? Paki-explain nga!"
Ni isang salita ay hindi ko maikumpas dahil ang utak ko ay punong-puno ng mga thoughts na sadyang napakapribado para sa'kin. Didiretsuhin ko siya nang biglang binilangan pa ako ng gago, "Five..."
Yeonjun, isipin mo na!
"Four... three..."
"Gago ka Yunjin sasagot na ako!" bulyaw ko sa kanya nang mahinahon dahilan para hindi marinig ni Coach Hyori na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa grupong nasa harapan. "Ang galing niyang sumayaw, e."
Dumagdag si Taehyun sa usapan, "Oo nga. Wala kang magagawa sa kaibigan namin dahil pagkatugtog pa lang ng kanta, matic 'yung mata naka-diretso, o!"
Ginaya niya kung paano ginawa 'yung style na ganito: na kada magsisimula ang kanta ay diretso ako kay Nayeon para panoorin siya. Pinisil ko nang mariin ang batok ni Taehyun dahilan para matigil siya sa kanyang ginagawa. "Aray ko naman!"
"Sa susunod na gagawin mo iyan, ito ang aabutan ko." Nang matapos ang kanta ay nagbigay ng komento si Coach Hyori tungkol sa kanilang grupo. Magaling magdeliver ng steps 'yung iba pero kailangan nilang pag-praktisin iyon, lalo na 'yung leader nila.
"You guys have a great syncronization, though may mga nagkakamali rin minsan. Great job, guys." Nagpasalamat naman ang grupo ni Nayeon bago sila bumalik sa kanilang pwesto. "Next, Yeonjun's group!"
"Loko, sunod na tayo!" aya ni Soobin bago kami pumunta sa gitna ng covered court para panoorin kami. Kung sa kanila ay iba, sa'min iba rin.
Nang sinimulang patugtugin ang music ay nagkanya-kanya kami ng posisyon - simula kay Yunjin na kunwari'y nilagyan ng cassette tape ang radyo hanggang sa unang naglakad si Taehyun, pati si Kai, pati na rin ako - na kumindat kay Nayeon na nasa likod ko na siyang nagpakilig sa sistema ng grupo nila.
"Grabe ka na, Nayeon!" rinig kong banggit ni Jeonghan bago kami nagsimulang humataw para sa coach namin...
...at para sa babaeng pinakanagugustuhan ko.
***
"Yeonjun? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Nayeon sa'kin habang tumatambay sa waiting shed ng school grounds. Biglang tumulo ang ulan sa labas kaya nagpasya ako na dumito sapagkat wala akong dala na payong, nakalimutan kong dalhin.
"Uy, nandito ka pala," bati kong pabalik sa kanya. "Nasaan sila Jeonghan?"
"Umuwi na. 'Yung mga tropa mo?"
"Same as yours, except for Taehyun. May ide-date na naman iyon, for sure."
"Oh, I see."
Nanatili muna kami ng ilang minuto habang bumubuhos ang lakas ng ulan, at sa ilang minuto na iyon ay hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Tinamaan ba naman ako ng lintik, hulog na hulog talaga ako sa kanya. Kulang na lang aamin na ako sa kung ano bang nararamdaman ko kaya lang paano?
Kilala nila ako bilang pioneers ng eskwelahang 'to, pero pagdating sa kanya, tiklop agad ako. Ako 'tong papel na pagkatapos tiklupin ay saka itatago sa lugar kung saan walang makakakita sa'kin - at ganito ako pagdating kay Nayeon.
"Panigurado hinahanap na ako sa bahay nito," mahinang bulong ni Nayeon na narinig ko naman.
"Ako rin, e."
She looked at me, making sure she heard right what she said. Pinili kong umiling habang sumisilong sa gitna ng malakas na ulan at dagundong na kulog at kidlat sa kawalan. Makalipas ang ilang saglit ay kinuha ko ang cellphone at nilagyan ng video - panorama style. Nagmumula ito sa zooming in and out na labas hanggang sa pagtungo ng direksyon kay Nayeon na nanonood kasabay ng hangin na siyang yayakapin ng tadhana para sa'ming dalawa.
Pero sabi nila, may mga bagay na talagang sa tingin mo ay hindi mo inaasahang mangyayari iyon.
Unexpectedly, she looked at the camera and formed a big smile on her face.
At that moment, I truly realized.
I started to fall in love with her without realizing it.