Posisyong papel ukol sa pagpapatupad ng
Death Penalty sa bansa
Ang death penalty o parusang kamatayan ay isang kontrobersyal na isyu na patuloy na pinagdedebatehan sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas. Bagamat may mga nagsusulong na ibalik ito bilang solusyon sa tumataas na kriminalidad, maraming dahilan kung bakit hindi ito dapat ipatupad. Naniniwala ako na ang death penalty ay hindi makatarungan, hindi epektibo, at hindi patas sa pagpapatupad ng batas. Bukod pa rito, may mga relihiyosong prinsipyo na nagsasabing ang tanging Diyos lamang ang may karapatan na magtapos ng buhay ng isang tao. Dahil dito, ako ay mariing tumututol sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa ating bansa.
Karamihan kaya sang-ayon sila sa death penalty ay naniniwala sila sa kasabihan na nakapaloob sa Code of Hammurabi kung saan sinasabi na “Mata sa mata, ngipin sa ngipin” at naniniwalang ang death penalty ay isa sa makatarungang paraan upang isakatuparan ito dahil ito ang paraan upang bigyan ng hustisya ang mga biktima sa isang karumal dumal na krimen. Ngunit ating pag-isipan sa halip na makamit ang hustisya, nagiging daan lamang ito sa paghihiganti. Mas mainam na tiyakim na ang lahat ng kriminal ay napaparusahan sa pamamagitan ng paggamit sa batas ng patas. Kaya’t tutol ako sa death penalty at idagdag pa rito na ito ay labag sa karapatang pantao dahil alam ng lahat na ang buhay ay sagrado at tanging ang diyos lang ang may karapatan na bawiin ito, at ito rin ang pangunahing karapatan na kinikilala sa pandaigdigang batas. Maraming bansa at orahmisayon, tulad ng United Nations, ang nanawagan sa tuluyang pagbuwag ng parusang kamatayan dahil ito ay usang malupit at ‘di makataong paraan ng pagpaparusa. Ang isang sibilisadong lipunan ay dapat magbigay ng pagkakataon para magbago ang isang may sala at pagbayaran sa rehabilitasyon at huwag idaan sa dahas ang pagpaparusa.
Sa kabila ng matinding damdamin ng mga sumusuporta sa death penalty, malinaw na ito ay may mas maraming negatibong epekto kaysa sa mabuti. Ang posibilidad ng maling hatol, ang hindi patas na pagpapatupad ng batas, ang paglabag nito sa karapatang pantao, at ang pagtutol ng maraming relihiyon sa utos ng Diyos ay ilan lamang sa mahahalagang dahilan kung bakit hindi dapat ipatupad ang death penalty sa Pilipinas. Sa halip na ituon ang pansin sa pagbawi ng buhay bilang parusa, mas makabubuting pagbutihin ang sistema ng hustisya at tiyakin na ang lahat ng kriminal ay napaparusahan nang patas at naaayon sa batas. Ang tunay na hustisya ay hindi nakasalalay sa pagkitil ng buhay kundi sa pagbibigay ng patas at epektibong parusa na may layuning ituwid ang pagkakamali ng nagkasala.