Noong siya ay elementarya nagsimula siyang matutong tumugtog ng lyre at bago iyon ay kasali na siya sa choir sa kanilang paaralan, sa pagkatuto niya sa ng lyre ay naranasan niyang magdemo sa paaralan ng PHS at tumugtog. Nang siya ay tumuntong ng high school ay doon siya nagsimulang maging consistent na may karangalan sa akademiko. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral bilang high school, siya ay sumali bilang sakristan sa kanilang parokya sa kanilang barangay.
Sa pagtatapos ng Junior high school ay nag kamit ito ng may mataas na karangalan, at nakakuha ng anim na medalya dahilan upang siya ang nagbigay ng talumpati sa kanilang pagtatapos sa Junior high school.
Sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral siya ay nagpatuloy na mag-aral sa paaralang Maimpis Integrated High School at kunin ang strand na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM). Dito hindi natapos ang pagkamit niya ng patimpalak at patuloy na nakakamit ang may mataas na karangalan.
Alamin ang pangarap na nais niyang makamit.