Pinag-uusapan ang Artificial Intelligence (AI) tungkol sa pagpreserba ng etika sa pamahayagang pangkampus sa isinagawang Mini-Press Conference na isinagawa ngayong Nobyembre 23, 2024 sa Mambajao National High School (MNHS).


Ayon kay DepEd Personnel at Youth Formation Coordinator John O. Fernandez na hindi umano kinakailangang gumamit ng AI sa pagsusulat at isulat lamang kung ano ang alam ng mga mamamahayag nang sa gayon ay mapreserba ang etika ng pamamahayag.


Dagdag pa niya, dapat na may kamalayan sa kahihiyan ng pamamahayag ang mga mamamahayag pangkampus at kung sino man ang gagamit ng AI ay awtomatikong hindi na makakapagpatuloy sa kompetisyon.


Kaugnay nito, marami umanong diskuwalipikado sa nakaraang National Schools Press Conference (NSPC) dahil sa paggamit ng AI sa pagsusulat.


“Just give value to what you have and what you know, and do not use AI,” wika ni Fernandez.