Serving with Much Love
Inilunsad ng SDO-Abra ang taunang Oplan Kalusugan (OK) sa DepEd Launching Program noong Hulyo 11 sa An-anaao Integrated School na pinagsamang pwersa ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan.
Pinangunahan ng mga opisyal ng SDO-Abra sa pamumuno ni OIC-Assistant Schools Division Superintendent Christopher Benigno ang paglulungsad sa OK sa DepEd kasama ang mga ilang doktor, dentista, at mga nars sa lalawigan ng Abra.
Nagsimula ang programang ito sa pamamagitan ng bating pambungad na ibinigay ni G. Eugenio P. Millare, punong-guro ng AIS. Laman sa kanyang pagbati ang kanyang kagalakan dahil pinili nila ang AIS na lugar kung saan nila ilulunsad ang programang ito ng DepEd at DOH. Siya rin ay nasisiyahan dahil matutulungan ang mga mag-aaral na maging malusog at aktibo sa araw-araw na pagpasok sa paaralan.
“Kasiyahan naming maging “host” ng makabuluhang programa ng DepEd,” sabi ni G. Millare.
Nagtalumpati rin si G. Benigno na siyang nagpaalala sa mga mag-aaral na kumain ng tama at dapat laging malinis ang katawan. Binati rin niya ang paaralang An-anaao Integrated School sa ganda ng kapaligiran at sa galing nito sa paghahatid ng kalidad at epektibong edukasyon hindi lamang sa loob ng probinsiya kundi pati na rin sa mga panrehiyon na paligsahan.
“I would like to reiterate and remind the teachers, parents and the students that health is very important factor in achieving quality education,” paalala ni G. Benigno.
Bilang bahagi ng paglulunsad sa programang OK sa DepEd ay tinuruan ang mga mag-aral kung paano ang tamang paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo at kung paano ang pagiging malinis ang katawan. Kasabay nito, sinimulan na rin ang programang School-Based Feeding Program (SBFP) sa pagpapakain ng libreng pananghalian sa mga mag-aaral na nakasama sa listahan ng severely wasted children.
Ayon kay Gng. Melanie E. Daria, tagapamahala ng SBFP ng paaralan na ang programang ito ay sagot sa problema ng mga malnourished na bata at sa mga batang kumakalam ng sikmura na pumapasok sa paaralan.
Nagtapos ang paglulunsad ng programang ito sa libreng dental at medical check-up sa mga mag-aaral ng An-anaao Integrated School na pinangunahan ni Dr. Joseph A. Galpo.
Hindi pinalampas ng Red Phoenix Girls ang pagkakataong masungkit ang inaasam na pagkapanalo sa Volleyball Girls laban sa Blue Lions noong ika-7 ng Setyembre sa An-anaao Integrated School Volleyball Court iskor na 15-25, 25-18, at 25-14.
Ito ang isa sa mga hinihintay na laro sa Team Building Activity ng mga sekondarya ng An-anaao Integrated School na may temang “Developing effective leadership qualities through sports.” Pina-ingay ng mga manunuod ang buong kampus dahil sa tindi ng laban sa pagitan ng dalawang kupunan. Hindi hinayaan ng mga Red Phoenix na talunin sila ng mga Blue Lions sa kanilang twice to beat upang makamit ang pagkapanalo.
Hindi madali sa kupunan ng Red Phoenix na makuha ang pagkapanalo dahil sa kanilang unang laro ay tinalo sila ng Pink Phanters sa iskor na 25-14 at 25-16.
Sa labanang Red Phoenix kontra Blue Lions ay maugong na nagpakitang gilas si Angely Alfiler, ang Captain Ball ng Red Phoenix sa kaniyang nakakatakot na service aces. Mas tumindi ang laban ng hindi hinayaan ng Blue Lions na agad-agad na makukuha ng Red Phoenix ang asam na pagkapanalo kaya nagsikap ang mga ito na lumaban ng mahigpit sa unang set. Mas naghiyawan ang mga manunuod nang mag-campfire ang bola sa harap nina Jenny Tagura, Kristel Joy Tumalip at Honie Villeza ng Red Phoenix ngunit bumawi naman sila sa sunod-sunod na dig at dink ni Alfiler na nagtapos sa 25-18 sa ikalawang set ng laro at Red Phoenix ang nanalo.
Hindi pinalampas ng Red Phoenix ang pag-aasam ng Blue Lions na manalo dahil nakabawi ang mga ito sa ikalawang set na nagkaroon ng “decision game”. Dito ipinakita ng mga Red Phoenix na wala silang inuurongan at mas tumibay pa ang kanilang loob na matalo ang mga Blue Lions.
Sa ikatlong set ng labang ito ay nagpaulan ng free ball at mga quick sets ang mga Red Phoenix na hindi kinayang ibalik ng mga Blue Lions. Nagtuloy-tuloy ang bagsik ng mga Red Phoenix sa pangunguna ng best player na si Jenny Tagura at sa todo suportang team coach na si Princess Krystal Faye Reyes. Nagtagumpay ang mga Red Phoenix laban sa mga Blue Lions sa iskor na 25-14.
“Hindi namin akalain ito, pero habang umaakyat na kami ay pwede pang lumaban ang aming players. Talagang nahirapan kami noon pang una dahil talagang magaling din ang mga Blue Lions.” ang pahayag ni Aldrin Tollas, Head Coach ng Red Phoenix pagkatapos ng kanilang tagumpay. “Sa mga Blue Lions, it’s a fair game, may nananalo at may natatalo and the ball is round but it’s a good fight.” dagdag pa nito na may tamis na ngiti sa kanyang mga labi.