Ang Agham Road Journal ay ang kauna-unahan at taunang journal sa akademikong pananaliksik sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham- Pangunahing Kampus sa pangunguna ng mga guro sa Filipino 6. Nagtatampok ang Agham Road Journal ng mga pananaliksik na nabuo ng mga mag-aaral na nasa ika-12 antas mula sa pagsipat sa iba’t ibang larangan ng kultura, midya, wika, at lipunang Pilipino.
Mula sa pagbagtas ng mga mag-aaral, papasok at papalabas ng paaralan, masinop na pinag-aralan at sinuri ang daynamikong ugnayan ng kanilang sarili sa kanyang paligid na ginagalawan. Sa gabay ng mga guro ng Filipino 6, napili ang labinlimang natatanging pananaliksik na may kaugnayan sa pangunahing mga tema ng pandemya, online class, social media at eleksyon. Makabuluhang tinalakay sa mga pananaliksik ang iba’t ibang isyu at kalagayang direktang nakaaapekto sa buhay mag-aaral.
Para sa Katotohanan, Kahusayan, at Paglilingkod.