EFREN J.
Domingo
Si Efren J. Domingo ay tubong Novaliches at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman sa kursong Philippine Studies. Sa parehong unibersidad din niya natapos ang kanyang masteral sa kursong Philippine Studies major in Women Development and Literature. Kasalukuyang tinatapos ang doktoral sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman sa programang Panitikan.
Naipadala sa Venice, Italy para makapagturo ng wika, kultura at panitikan sa mga Pilipinong kabataang lumaki sa nasabing bansa. Manunulat ng textbook at contributor writer sa pahayagang Manila Today. Kasalukuyang guro ng Maka-Pilipinong Pananaliksik sa Antas 12 sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham.
Lilibeth O.
Quiore
Si Lilibeth Oblena-Quiore ay kasalukuyang nagtuturo sa Philippine Science High School Main Campus sa Lungsod Quezon. Ilan sa mga unibersidad na kanyang pinagturuan ay ang Miriam College sa Lungsod Quezon at De La Salle University sa Maynila.
Katuwang na editor/ patnugot at mananaliksik sa Angono, Rizal Book 1 – 10, UST Publishing House na pinagkalooban ng National Book Award ng Manila Critics Circle noong Agosto 2006. Naging patnugot din ng mga reference book na inilathala ng UST Publishing house. Ilang beses ring naging hurado sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Nakapaglathala na siya ng kanyang mga artikulo at malikhaing akda sa iba’t ibang mga aklat at magasin.
Makailang ulit siyang ipinadala ng De La Salle University sa Venice, Italy upang magturo ng wika, kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Nagtapos siya ng kolehiyo at masteradong pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Quezon City. Binubuno niya ngayon ang kanyang PhD sa Pagsasalin na nakatuon sa pagsasalin ng mga ritwal, tradisyon at kultura ng Sagada, Mountain Province sa nasabi ring unibersidad.
Ang mga minamahal niyang bayan ay Angono, Rizal, Lucban, Quezon at Sagada, Mountain Province.