[SCENE 1: COMING OUT]
Characters present: Jhemerlyn (Jhe), Mom, Dad
Setting: Kitchen
Mom: Nak, maghain ka na nga. Malapit na maluto tong tanghalian.
Dad: O, anyare sayo? Ayos ka lang ba? Parang di ka mapakali.
Jhe: Ano… may sasabihin po ako sa inyo…
Mom: Ngayon na ba? Nagluluto pa ko e.
Jhe: Medyo importante po siya ma…
Mom: … Pinapakaba mo kong bata ka ha. Wag mo sabihing buntis ka?
Jhe: Hindi ako buntis, ma!
Dad: Ano? Bumagsak ka sa exam?
Jhe: Hindi po, pa!
Dad: O e ano ba kasi yon at kailangang ngayon pa na nagluluto pa mama mo?
Jhe: Ma… pa… bisexual po ako.
Mom: Ano yon?
Jhe: Ano po… ibig sabihin gusto ko parehong lalaki tsaka babae.
Dad: Ano yan, tibo ka na?
Jhe: Hindi ako tibo pa! Bisexual po! Iba yun!
Dad: Dahil kay Tina ba yan? Sabi ko na nga ba e. Nakikisama ka kasi sa tibo e kaya ganyan.
Jhe: Walang kinalaman si Tina dito! Di siya tibo!
Dad: E bat ganun siya manamit?
Jhe: Gusto niya lang! Wala namang masama sa suot niya!
Mom: Aba aba aba. Wag mong sinasagot nang ganyan yung tatay mo.
Jhe: … Sorry po.
Mom: Panong gusto mo parehong babae tsaka lalaki? Babae ka kaya dapat lalaki lang gusto mo.
Jhe: Ganun lang po talaga, ma. Di ko rin mapaliwanag e. Basta may gusto ako sa lalaki tsaka sa babae.
Mom: Alam mo nak, bata ka pa. Highschool ka pa lang e. Baka nalilito ka lang.
Dad: Ano, may jowa ka na ba?
Jhe: Wala po…
Dad: May nanliligaw ba sayo?
Jhe: Wala din po…
Dad: O, baka kasi di ka pa nakakahanap ng jowa kaya ganyan. Tingnan mo man, magkakaron ka rin ng boyfriend.
Mom: Lalaki tsaka babae naman gusto niya diba? Pwede pa rin naman maging lalaki yung gusto niya.
Jhe: Pero pano kung babae yung magustuhan ko? Di kayo papayag?
Mom: Nak… Nung ganyang edad ako, nagagandahan din naman ako sa iba kong kaklase na babae. Nagkaka-crush pa nga ako sa kanila e. Pero tingnan mo, kinasal pa rin ako sa tatay mo. Tas naging anak ka namin tsaka yung kapatid mo. O diba?
Dad: Tsaka sinong mag-aalaga sayo pagtanda mo? Di naman pwedeng mag-anak dalawang babae.
Jhe: Kaya niyo ba kami naging anak? Para alagaan kayo?
Mom: Aba tong bata na to— syempre hindi! Sinasabi lang ng papa mo na syempre maganda kung may mga anak ka na pwede mong lapitan, diba? Pag uugod-ugod ka na edi may mag-aaruga pa rin para sayo. Tsaka sayang yung ganda mo, anak!
Jhe: Ano namang sayang dun?
Dad: Alam mo, makinig ka na lang samin ng mama mo, Jhemerlyn. Matanda na kami kaya mas alam naming kung anong mabuti para sayo.
Mom: Oo nak. Napagdaanan ko na yan. Lilipas din yan.
Jhe: Di niyo naman ako naiintindihan!
Dad: Hoy, bumalik ka rito! Di pa tayo tapos mag-usap!
Mom: Jhemerlyn!
[SCENE 2: ADVICE]
Characters present: Mom, Neighbor
Setting: Outside
Mom: Hay nako Gigi! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa batang yon.
Neighbor: O, ano na naman bang pinag-awayan niyo ni Jhemerlyn?
Mom: Di ko naman siya inaway, mare. Sinabihan ko lang naman siya na bata pa lang siya— di pa niya naiintindihan kung ano yung gusto niya. Sabi niya ‘bisexual’ daw siya, e wala naman akong alam sa bisexual-bisexual na yan.
Neighbor: Alam mo, yung panganay ko lumapit din sa akin noong nakaraang buwan. Sinabihan ako na bisexual daw siya. Tuwang tuwa nga ako na komportable siyang magsabi ng mga ganoong bagay sa akin.
Mom: Mom: Eh, Gi, paano ba naman kasi eh wala namang bisexual kuno noong panahon natin. Mga kabataan talaga ngayon ang daming pakulo noh?
Neighbor: Hindi naman sa walang bisexual noon, Lileth, siguro hindi lang talaga bukas sa loob ng mga tao na magsabi noon. Ngayon kasi alam mo naman na naging mas open ang society sa mga bagay bagay.
Mom: Naiintindihan ko naman na may mga nagbabago, kaso kasi kabado lang ako para kay Jhe. Sino na mag-aalaga sa kanya pagtanda niya? Sabi ko nalang din na matatauhan din yun balang araw at mag-aasawa ng lalaki.
Neighbor: Ay very wrong ka diyan, mars. Sa totoo lang, hindi ko rin naman naintindihan ang anak ko noon. Pero sabi ko malaki naman ang tiwala ko sa kanya. Siya ang nakakakilala sa sarili niya, kaya kung pakiramdam niya ay bisexual siya edi susuportahan ko siya.
Mom: May tiwala rin naman ako sa anak ko. Pero bilang nanay niya rin kasi, pakiramdam ko lang naman na tamang pagsabihan siya pag napupunta na siya sa mali. Trabaho rin nating mga ina na mag-alala para sa mga anak natin diba?
Neighbor: Ang kaso ay wala namang pagkakamali si Jhe. Tulad lang ng walang pagkakamali si Natalie. Kailan pa ba naging pagkakamali ang magmahal, Lileth? Alam kong nag-aalala ka lang at alam kong nahihirapan ka intindihin at tanggapin. Trust me, mare, I’ve been there!
Mom: Matanong ko lang, Gi, paano mo natanggap sa dulo?
Neighbor: Madalas ko lang din kinausap si Natalie noon tungkol sa pagiging bisexual niya. Nakakatuwa rin kasi makitang kumikinang mga mata niya tuwing pinag-uusapan namin yung nililigawan niyang babae. Madalas din noon nagbabasa lang ako online tungkol sa mga LGBT. Alam mo, kahit sa Facebook madaming nagp-post ng mga paliwanag tungkol dito pati ng mga karanasan nila.
Mom: May nililigawan na pala si Natalie! Hindi ka ba nanghihinayang talaga na babae ang natipuhan ng anak mo?
Neighbor: Hindi, mars! Parang minamaliit mo naman ata masyado ang mga babae. May pinaglalaban din tayo noh!
Mom: Pwede mo ba send sa akin yang mga sinearch mo?
Neighbor: Syempre naman! Alam mo, feel ko makakatulong din sayo na may kausap ka pa na ibang mga magulang. May mga support groups para sa ating may mga anak na part ng LGBT community! Tanong ko nalang din sa anak ko tutal siya ang mas maalam dito.
Mom: Salamat ha. Pag-iisipan ko muna yung support group. Pero kung sakali, pwede ba samahan mo rin ako dun?
Neighbor: Syempre naman mare! Matutuwa si Jhe pag nalaman niya ‘to.
Mom: Nako sana nga. Alam mo namang mahal na mahal ko yun. Oh siya, mauuna na ako at magluluto pa ako ng hapunan namin.
Neighbor: Ingat ka, mare! Padala ko nalang mamaya yung mga nabanggit ko.
Mom: Salamat talaga, Gi!
[SCENE 3: RESOLUTION]
Characters present: Jhemerlyn (Jhe), Mom
Setting: Bedroom
Mom: Nak?
Jhe: Ma… galit po ba kayo ni papa sakin?
Mom: Nak, di naman kami galit ng papa mo sayo. Alam mo namang mahal ka namin diba? Iniisip lang namin yung kinabukasan mo.
Jhe: Di ko naman po itatapon yung kinabukasan ko, ma… Magpupursige pa rin po ako sa pag-aaral ko… Ako pa rin naman to ma, e.
Mom: Di ko lang kasi talaga naiintindihan, anak. Bakit ba gusto mo din sa babae? Marami namang mababait na lalaki dyan. Di ka makakapag-asawa ng babae, tsaka di ka magkakaanak.
Jhe: Pwede din naman mangyari na magkagusto ako sa lalaki. Pero baka magkagusto din ako sa babae. Ang gusto ko lang naman po e matanggap niyo pa rin ako ni papa kahit anong mangyari.
Mom: Medyo mahaba-habang usapan pa kailangan pagdating sa papa mo, pero sige. Pano mo ba nalaman yang tungkol dyan sa bisexual na yan?
Jhe: Tumingin po ako sa internet. Akala ko may mali sakin kasi nga, bakit ko gusto parehong lalaki tsaka babae? Pero sabi nung mga nakita ko, bisexual daw po tawag dun. Wala daw pong masama dun. Nagmamahal ka lang naman po ng tao e.
Mom: Pano mo ba naisip yan? May nagkagusto ba sayo? O ikaw ba nagkagusto sa iba?
Jhe: Di ko rin po alam. Sa school po kasi, may kaklase ako na sobrang ganda tsaka sobrang bait— si Rhea. Lagi niya kong tinutulungan sa seatwork, ganun. Tas napopogi-an din ako dun sa varsity ng school namin.
Mom: Yung anak ni Jaime ba yon? Yung nagba-basketball? Ano nga pangalan non? Luis ata?
Jhe: Pano mo nalaman, ma?
Mom: E kasi naman pag dumadaan sila dito parang lagi kang naaano.
Mom: … Sa totoo lang, nak, di ko pa rin talaga alam kung anong iisipin ko. Nakausap ko nga yong si Ninang Gigi mo. Sabi niya, bisexual din daw yung anak niya. Yung si Natalie— naaalala mo pa siya?
Jhe: Opo…
Mom: Ayun, may nililigawan daw na babae. Sabi nga niya na masyado daw kaming naging judgmental sayo. Kaya ayun, eto, nag-isip-isip muna ako.
Mom: Basta ang akin, anak— dun ka sa kung saan ka masaya. Ke lalaki, ke babae… ikaw na bahala. Basta wag ka magpapaapi tsaka wag kang mang-aapi ng iba. Gusto lang naman namin ng papa mo na lumaki ka nang maayos.
Jhe: (medyo naiiyak pa rin, sniffling) Promise, ma. Magpapakabait ako. Alam ko naman kung gano karami yung sakripisyo niyo ni papa para sa pamilya natin.
Mom: Yun lang naman hinihingi namin, anak. Halika nga rito.
Mom: … O siya sige, maghahanda na ko ng hapunan. Ano bang gusto mo?
Jhe: Adobo po.
Mom: Sige, edi adobo ulam natin. Kwentuhan mo pa nga ako tungkol dyan kina Rhea tsaka Luis.
Jhe: Ma naman!
Mom: O bakit? Syempre kailangan kilalanin ko kung sino gusto ng anak ko! Gusto mo tanungin din natin yung anak ni Gigi kung pano manligaw.
Jhe: Maaaa!
Mom: Bakit? Bawal ba kitang suportahan? Anak kita e!
Jhe: … Sige na nga.
Mom: Love you, nak.
Jhe: Love you din po, ma.
[THE END]
A bisexual teenager named Jhemerlyn tries to come out to her parents Lileth and Rodolfo, but they are not as supportive as she had hoped. Jhemerlyn's mother, Lileth, seeks advice from her friend Gigi on how to properly express her love and support for her child. In the end, Lileth learns to try and be more accepting of her daughter's sexuality despite not fully understanding it.
Si Jhemerlyn ay isang bisexual na teenager na sinubukang magladlad sa kanyang mga magulang na sina Lileth at Rodolfo, pero hindi niya masyadong naramdaman ang kanilang suporta. Si Lileth, ang nanay ni Jhemerlyn, ay humingi ng payo sa kanyang kaibigang si Gigi kung paano niya masusuportahan at maipapakita ang pagmamahal niya sa ang kanyang anak. Sa huli, natutunan ni Lileth na tanggapin ang sekswalidad ng kanyang anak kahit hindi niya pa ito lubos na naiintindihan.